CHAPTER 20

367 26 2
                                    

Nagising ako na napaka sakit nung ulo ko grabe huhuhu para akong pinukpok sa ulo na ewan tiningnan ko kung may kasama ako meron si lorena nag pupunas sa akin

"L-lorena"sabi ko napatingin naman sya sa akin

"Ano ang iyong pakiramdam lira?tatawag na ba ako ng manggagamot?"taranta nyang sabi grabe ang saya pala kapag may nag aalaga sayo yung may natatakot na mawala grabe dito ko lang pala mahahanap yung mga taong magpapahalaga at mag mamahal sa akin masaya ako na nakapunta ako dito sa panahon na ito hindi ako nagsisi sa lahat ng nangyari

"Lira ano may masakit ba sayo?"umiling lang ako huhuhu grabe ang saya ko talaga kasi may nag aalaga sa akin

"Tila ikaw ay masaya?"napangiti naman ako saka tumango umopo saman sya sa gilid ko saka dahan dahang pinupunasan ang nuo ko

"Ako at si lorencio ay nagalala ng lubos sayo dahil ikaw ay limang araw na natutulog at mataas ang temperatura"ahhhh kaya pala sya nag alala kasi limang araw akong tulog saka may lagnat

PERO WHAAAAAA!!ANO NGA ULIT YUNG SABI NYA LIMANG ARAW NA TULOG AT MATAAS ANG TEMPERATURA?!!!

"Madami ang bumisita sayo dito umuwi na din kahapon sila ina dahil nagaalala sya saiyo"nakaka tuwa naman na marinig yung sinabi nya huhuhu naiiyak talaga ako

"L-lorena k-kunin mo nga y-yung bag ko"nang hihina kong sabi kukunin ko kasi yung biogesic palagi din kasi akong may dala nyan ehh

"Ano ang iyong gagawin sa bagay na ito"inabot naman sa akin ni lorena yung bag binuksan ko naman ito hinanap ko yung box na may mga gamot at kinuha

"Ano ang mga bilog na iyan?"tanong nya ngumiti naman ako

"Ang tawag dito ay gamot mabilis itong mag pagaling"sabi ko namang ha naman sya

"Maaari mo ba akong kuhanan ng tubig?"tanong ko kay lorena tumango naman sya at lumabas ng kwarto

Bat ba ako nakatulog at nag kasakit?alam ko na bawal nga pala akong gumamit ng mga maduming bagay at bawal din ako sa alikabok for short may asthma ako

Dumating naman si lorena may dala na syang tubig kinuha ko naman yun at saka ininom yung gamot

"Alam mo lira pumunta dito ang pamilyang falcon dinalaw ka nila at binalita na din na hindi na matutuloy ang kasal namin ni carlito"napangiti naman sya ng abot taenga kaya na tawa ako

"Sabi ko sayo ako bahala eh"sabi ko habang nakangiti

"Alam mo lira sa tingin ko ay may gusto sayo si patricio at carlito"sabi ni lorena kaya na tawa naman ako

"Bakit ka na tawa?"umiling iling naman ako at tiningnan sya

"Alam mo lorena nag tapat sa akin si patricio kaya alam ko ngunit ang masungit na palaka na yon ay hindi ko alam kasi masyado syang masungit hahaha"tawa ako ng tawa dahil sa sinabi ko sya naman ay umiling iling hinawakan nya yung nuo ko nagulat sya dahil pinagpapawisan na ako

"Ang galing talaga ng inyong gamot ikaw ay magaling ka agad"sabi nya kaya nginitian ko sya

"Lorena mag pahinga kana ayos naman na ako"sabi ko sakanya tumango naman sya at humiga sa tabi ko

Pinikit ko nadin yung mata ko kasi parang pagod na pagod na ako hindi pala parang pagod talaga

KINABUKASAN

Nagising ako na napaka ingay grabe naman sila huhuhu bat ang ingay nila sumilip ako sa may bintana whaaaaa!piyesta yata ang dami nilang sinasabit na bandiritas agad naman akong naligo saka sinuot yung kwintas na binigay ni ama

Nakita ko kagabing suot na din yon ni lorena kaya nakakatuwa talaga alam kong lahat kami may kwintas na suot pareparehas kaming lima na may kwintas na silver at may letter B ang galing diba bernardo na din ako

 Ang Pilyang Lira(1892-1894) [Under EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon