Habang naglalaro sa likod ng mansyon ang dalawang bata ay wala itong kasama na sa loob kasi ng bahay si lira kumuha ng mga bimpo para ipunas sa pawis nila
Biglang may lumapit sa dalawang bata na galit naman ang dalawa dahil nakita nila si carlito lumapit si carlito sa dalawa at lumuhod para maging kapantay niya yung bata
"Ano ang inyong ngalan?"saad ni carlito habang nakangiti pero hindi man lang sya pinansin ng dalawa at bumalik sa pag lalaro nakaramdam ng lungkot si carlito dahil sa inasta ng mga bata alam nya na pinag sabihan na ito ng kanilang ina nung kinausap nya ang lalaking anak ni lira
"Alam nyo siguro kasing laki nyo lang ang mga anak ko ngayon"tumigil sa pag lalaro yung dalawa at tumingin sa kaniya napangiti naman si carlito dahil naka pamewang ang babaeng anak ni lira at naka taas pa ang kilay gayang gaya nito ang ugali ng kanyang ina
"You are my mom stalker right?"saad nito napangiti naman si carlito dahil bata palang ito ay marunong ng mag ingles tumango nalang sya
"Huwag mo na kaming lalamitan at huwag mo na din si mommy lalapitan baka magalit pa si daddy kay mommy pag nalaman nyang may na dikit na lalaki kay mommy"saad ni angelo nagulat naman si carlito dahil sa sinabi ng bata
"Hindi na ako lalapit sainyo bastat sabihin nyo sa akin ang inyong ngalan"nakangiting sabi nito nag katingin naman ang kambal at saka tumango sa isat isa
"Ako si angelo at sya naman si angelita matagal na kaming iniwan ng ama namin pero may bago ng asawa si mommy"saad ni angelo nag sisinungaling lamang ito dahil alam nya namay gusto si carlito sa ina nya kaya kaylangan nyang gumawa ng paraan para hindi na guluhin ang mommy nya ng isang estranghero
"Ganon ba?pangako hindi ako lalapit sainyo"saad naman ni carlito saka tumayo nung tumalikod na ito ay nag salita ulit si angelo
"Saan ka nakatira?at paano ka naka pasok sa aming hacienda?isa ka ba sa aming trabahador ngunit sa iyong itsura ay mukha kang ka galang galang"saad ni angelo na pangiti naman si carlito saka humarap sa dala
"Ako si carlito falcon nakatira ako dyan sa mansyon na iyan"saad ni carlito nagulat naman ang dalawa nya ng marinig ang apyedong falcon
"F-falcon?"nauutal na sabi ng dalawa nag taka naman si carlito "Tama kayo bakit ganyan kayo makatingin?"umiling naman yung dalawa saka lumayo kay carlito nag lakad naman papa alis si carlito baka makita pa sya ni lira at mapatay pa sya nito whaha
Nagkatinginan naman ang dalawa at saka tumingin kay carlito na palayo na parang gusto nila itong tawagin at tanungin ng maraming bagay pero pag ginawa nila yon ay malalagot sila
"Angelo sa tingin mo pwede ba nating syang maging daddy?"tanong ni angelita umiling naman si angelo "Wala na tayong daddy saka namatay nayon sabi ni mommy"
"ANGELO!ANGELITA!PUMASOK NA KAYO SA LOOB!"sigaw ni lorena kaya nag tinginan naman ang dalawang kambal
"Kung tanungin kaya natin si tita lorena?"tanong ni angelo umiling lang si angelita "Tama ka wag na tayong umasa na buhay pa ang daddy natin"saad ni angelo habang ang mukha ay parang binaksakan ng langit at lupa
"Don't worry angelo kahit wala tayong daddy nandyan naman si mommy pati sila lola kaya tarana!"saad ni angelita tumango naman si angelo
Hindi alam ng dalawang bata ay pinag mamasdan padin sila ni carlito iniisip ni carlito na ang dalawang bata ay kanyanf anak
Pero ang alam ng lahat ay patay na ito kaya kakalimutan nya nalang ang anak ni lira at babalik sya sa maynila na saktan sya sa sinabi ng lalaking anak ni lira na kahit patay na ang kanilang ama ay may bago naman itong asawa
Iniisip nya din ang sinabi ni lira na kahit kaylan ay hindi sya nito pinahal na kahit kailan ay wala man lang itong kahit kaunting pag tingin sa kanya kaya ganon nalang ka dali sa kanya na iwan sya ng binibini
Pag dating nya sa bahay nila ay madami ang mga guardia civil at mga taong nakatingin nagulat si carlito namay biglang pumokpok sakanya ng baril at nakita nya din na nag kakagulo ang lahat
Nakaluhod ang buo nyang pamilya wala na nga pala si feliciana nasa maynila na ito nakatira dahil doon na ninirahan ang kanyang asawa
"INA ANONG NANGYAYARI?!!"sigaw ni carlito habang naka dapa sa lupa naiyak ang ina niya habang akay akay si victoria
"Carlito si victoria may sakit!pumunta dito ang mga guardia civil sabi nila na kasama sa rebelde ang iyong ama!"saad ni Doña teresa habang iyak ng iyak
Tinangkang tumayo ni carlito ngunut pinupokpuk sya ng baril o sinisipa "Huwag ka ng mag tangkang tumayo!"saad ni Heneral Valdez
"Bakit nyo ito ginagawa?!!"saad ni carlito naiiyak na din sya dahil nakita nya na binubugbug ang kanyang ama at pangatlong kapatid na si eduardo
"Ang iyong ama ay kasama sa rebelde!isa sya sa mga namumuno at nag bibigay pundo sa mga rebelde!"sigaw sakanya ni Heneral valdez "HINDI YAN TOTOO HINDI REBELDE ANG AKING AMA!!!"sigaw ni carlito
"WHAHAHAHAH siguro ay alam mo din na rebelde ang iyong ama?!"saad ni heneral valdez kaya lalong uminit ang ulo ni carlito
"KAHIT KAYLAN HINDING HINDI MAGAGA NG AKING AMA NA SUMALI SA REBELDE!!!"saad ni carlito pero tawa lang ang sinagot ni heneral valdez "BUGBUGIN DIN YAN!!"binugbug si carlito kagaya ng ginawa sa kanyang ama at kapatid na si eduardo
Lumabas na ang mga guardia civil "May nakita kayung ibedensya na kasama si Don Antonio sa mga rebelde?!"sigaw ni heneral valdez sa mga tauhan nya lumabas ang ibang tauhan namay dalang dalawang sakong bigas at isang malaking kahon
"Ano ang mga iyan?"tanong ni heneral valdez sa mga tauhan nya "May nakita kaming mga baril at mga kutsilyo sa kanilang kusina"saad nung isang guardia civil
"Ikaw ano naman yan!?"saad ulit ni heneral valdez sa isa nga pang tauhan "Dalawang sakong bigas na ginagamit pag may digmaan dahil hindi ito basta bastang nasisira kahit mabasa pa ito"saad nung isa nya pang tauhan
"Bilang isang heneral ay inuutusan ko kayo na ikulong si Don Antonio at dadahil sa maynila para ilitis,may karapatan kayong mag hanap ng inyong abugado para maipag tanggol ang iyung sarili sa kurte,at ang iyung pamilya ay pansamantalang ikukolong dito sa inyong tahanan hanggang hindi pa natatapos ang pag lilinis kay Don Antonio,HULIHIN NA IYAN!"kinuha ng mga guardia civil si Don Antonio at isinakay sa kalesa"AMAAAAAA!!!!!"sigaw ni carlito iyak na iyak ito pero wala na syang nagawa dahil naka alis na ang kanyang ama dala ng mga guardia civil
"Carlito si victoria!!!"saad ng kanyang ina kumuha ng lakas si carlito para malapitan ang kanyang kapatid na siyam na taong gulang palamang
"INA PUMASOK NA KAYO ALALAYAN MO SI EDUARDO IPAPASOK KO SI VICTORIA SA LOOB!!"saad ni carlito dali dali nyang binuhat si victoria kahit wala na syang lakas ay pinipilit nya padin na mapasok si victoria sa loob ng kanilang mansyon
BINABASA MO ANG
Ang Pilyang Lira(1892-1894) [Under EDITING]
Historical FictionIto ay ang istorya ng isang arista na nasanay na mag isa, isa syang magandang artista ngunit masama ang kanyang ugali lalo na sa mga lalaki, galit na galit sya rito, pero paano kung ang pag iisa nya ay mag bago? Makakaya nya kayang maki halubilo sa...