"Ano po kasi ama may DAGA!!!whaaaaaa ayon ama daga huhuhu"sabi ko huhuhu buti naman may dagang lumitaw kung hindi patay na kami
"Paano nagkadaga dito?"natatarantang tanong ni ina huhuhu pano nga ba
"Lorencio tawagin mo ang mga tagapagsilbi!"sabi ni ama lumaki naman ang mata namin baka kasi pag hinanap nila baka makita nila yung mga gadgets huhuhu lagot na ako nito.
"Ama wag na nakaalis na yung daga!"sabi ko tiningnan ko naman ng masama sila lorena at lorencio
"Oo nga ama ayos napo kami dito ni lira"sabi ni lorena habang nag pilit na ngiti ganon din naman ang ginawa ko
"Saka ama kumain na tayo!"saad naman ni lorencio saka hinatak si ama huhuhu
"Oo nga po tama si lorencio kaya tara na ina"sabi ko kay ina
"Pero anak yun---"hindi nanamin pinatapos si ina hinila nanamin ni lorena si ina palabas
"Wag kanang magalala ina ayos lang po yon"sabi ni lorena
"Oo nga po saka alam nyo ba ina may papakita ako sayo mamaya alam ko pong mahilig kayo sa mga bagay bagay lalo na kapag sa mga bagay napangpaganda"sabi ko sabay kinindatan si lorena tumawa naman si lorena
"Gayon ba kung ganon bilisan na nating kumain para makita ko na ang inyong surpresa"sabi ni ina kaya tumawa naman kami sabi na pag pampaganda talaga matutuwa si ina
Natapos kaming kumain na puro tawanan kasi si ina kasi ay minamadali kaming dalawa ni lorena kumain para makita nya na daw yung surprise namin huhuhu ano kaya yung pwede kong ipakita ahhh tama alam ko na
"Anak ano ba ang gusto nyong ipakita"tanong ni ina nandito na kami sa kwarto samantalang si ama at ina ay naiwan sababa kasi paguusapan daw yung kasal
"Ina sandali lang po hinahanap pa ni lorena"sabi ko kasi tinago kasi namin yung mga makeup hahaha yan yung gusto naming ipakita
"Ina ito po ang gusto naming ipakita"sabi ni lorena habang nakangiti kumonot naman ang nuo ni ina
"Ano naman ang mga bagay na iyan?"tanong ni ina huhuhu mahabang explanation nanaman ang magaganap
"Ang tawag po dito ay mga pampaganda dalawa po ito ni lira galing sa ibang bansa"sabi ni lorena huhu buti na explain ko na sakanya ang lahat
Pinaliwanag naman namin ni lorena kung pano gamitin saka habang pinapaliwanag ay nilalagay namin ni ina sabi ko safe yan kasi hindi naman ako bibili ng mga peke eh
"Ina tingnan nyo ang inyong mukha napakaganda nyo"sabi ni lorena nag apir naman kami whahaha mag kasundo talaga kami nito
"Napaka galing nyong dalawa pano nyo na bago ang aking wangis?"tumawa naman kami ni lorena hahaha pero yung tawa nya pang maria clara samantalang ako parang nakuryente
"Sekreto nalang namin yon ina"sabi namin ni lorena hahaha as in sabay talaga naming sabi para tuloy kaming kambal
"Maiingkit ang mga kaibigan ko pag nakita nila ang aking itsura maaari nyo ba akong ayusan pag ako ay aalis?"abay abusaso na yata si donya laura hahaha joke lang
"Opo ina pero isang kundisyon"sabi ko habang naka ngiti nagtaka naman si ina
"Kahit ano lira"masaya nitong sabi ano kaya maganda uhmmm ano kaya akin nalang ang mga kayamanan nila wag na masyadong abusado uhmmmm---alam ko na
"Maaari ba akong sumama sa paghatid kay lorena bukas?"sabi ko wirh puppy eyes ina pumayag kana
"Kasama ko naman po si lorencio bukas dali na ina"sabi ko sabay pout kasi baka hindi sya pumayag at tanggihan ang napaka cute kong mukha
BINABASA MO ANG
Ang Pilyang Lira(1892-1894) [Under EDITING]
Historical FictionIto ay ang istorya ng isang arista na nasanay na mag isa, isa syang magandang artista ngunit masama ang kanyang ugali lalo na sa mga lalaki, galit na galit sya rito, pero paano kung ang pag iisa nya ay mag bago? Makakaya nya kayang maki halubilo sa...