CLASS 5

10K 42 11
                                    


Ellene's POV,

PE class namin ngayon at nasa loob kami ng gymnasium.

Akala ko nga na sa concert ako sa dami ng naghihiyawan sa pangalan ni Blue Evans.

“si Evans 'yan diba?”

“ang gwapo pala talaga nya ano?”

“oo nga napaka-perfect nya!”

balita ko nga napaka-friendly nya eh”

“oh? Magpakilala Kaya tayo?”

ihhhh kinikilig ako!”

Para tuloy may audience sa mga bleachers, bwisit. Wala namang mga kwenta pinagsasabi!

Ewan ko ba!

Mas lumalala ako ngayon, makarinig lang ako ng asul naririndi na kaagad ako.

“oh, mukhang pangit na naman mood mo” abot sakin ni Mico ng tubig.

Binuksan ko naman ito at ininom.

salamatsabi ko.

Umupo naman ito sa tabi ko at ngumiti.

Isa pa itong Mico Atienza na 'to, kala mo mga artista, napaka daming fans club.

Bakit andaming nauuto ng mukha nila?

Napa-iling na lang ako.

“tapos na ba parusa mo? Nakasalubong ko kase si Sir Rodriguez kanina” alalang tanong ni Mico sakin.

Oo nga

Nalimutan ko

Wala pang sinasabi sakin si Sir Rodriguez.

“hindi pa eh” sagot ko na lang kay Mico at tumingin na sa mga classmate naming baliw na baliw kakapanood kay Blue na nagdi-drible.

“siguro type mo rin si Evans” kahit pabulong na sinabi ni Mico 'yon narindi ako.

“JOKE BA 'YON? EH KUPAL NAMAN 'YUNG LALAKING 'YON!” with standing ovation ko pang sigaw kay Mico.

Never!

Kinilabutan ako. Yuck!!!!

Yung mapagpanggap na kupal na 'yon? No way!

Natigilan ako nang ma-realize ko na tumahimik ang lahat. Pati yung cheering squad kung saan saan ay tumahimik.

Anak ng..

Nang libutin ko ang paligid ay halos lahat ng tingin ay nasa akin.

Nakakahiya...

Para akong baliw na sumigaw. Napa-upo na lang ako pabalik sa upuan ko. Nakita ko rin ang gulat na reaction ni Mico.

Hindi siguro ito makapaniwala sa ginawa ko.

Eh totoo naman!

Dumapo yung titig ko sa kung sinong tao.  Kumulo kaagad yung dugo ko ng magtagpo yung mata namin.

Masama ko itong tinitigan at nag cross arm. Nginitian lang ako nung kupal na si Blue Evans.

--

*cafeteria*

Break time na at nakapila ako ngayon para bumili ng pagkain shempre,

Alangan naman ng appliances diba?

My classmate Is a sex addictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon