Ellene's POV,“Ma? Nasan yung kape?” tanong ko kay mama habang nagbubukas ng canibet sa kusina.
“ipang hanap ang mata!” sigaw ni mama mula sa sala.
Napasimangot naman ako.
Mata naman pinapanghanap ko ah?
Ilang minuto pa akong nagkalkal bago mahanap yung garapon ng nescafe.
Pahirap 'tong kape na 'to kainis!
Nagtimpla na ako sa tasa at dumiretso na sa sala.
Umupo ako katabi ni mama, nanonood kase sya ng kdrama.
Oo, adik si mama sa kdrama. Feeling millennial din ang isang 'to eh.
“Si papa?” tanong ko kay mama pero tutok na tutok ito sa tv namin.
Nanonood kase sya ng Strong Woman Do Bong S.,
“hoy ma” tawag pansin ko ulit dito.
“wala ang papa mo, namili.” seryosong sabi ni mama habang sa tv parin ang atensyon.
“para saan? Ubos na ba groceries?” tanong ko ulit sabay higop sa kapeng tinimpla ko.
“hindi ba sinabi na namin sayong malapit na umuwi ang kuya mo?” sagot na naman nito habang titig na titig sa tv. with matching palakpak pa nga sya,
Nako naman,
Pero mabuti at uuwi na si kuya!
“ngayon ba ang uwi nya?” excited kong tanong rito.
“sa Friday pa. Tigilan mo na nga ang kakatanong! Saka bakit ang aga mo magising? May pupuntahan ka ba?” asar na tanong ni mama sakin kaya natigilan ako sa pangungulit dito.
Lumunok muna ako bago sumagot rito.
“magkikita lang kami ng kaibigan ko” palusot ko rito.
Gumana ka please!
“wala ka namang kaibigan ah?” takhang tanong ni mama at parang sure na sure pa.
Grabe ma ah?
Wala ba akong kaibigan?
Napa-isip ako don ah
“grabe ka ma! Ano tingin mo sakin?” reklamo ko rito pero tinaboy lang ako nito.
Grabe, napaka galing ng mama ko.
Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang 9 am na.
Umakyat na ako sa taas at namili ng susuotin ko.
Oo na, ako na excited!
Naalala ko na naman tuloy yung text ni Keith kaninang umaga.
From: Sir Keith
Baby gising na! Don't forget about our date! It's today : ) Okay lang naman sayo ang Baby di ba? I love you baby <33
Ang sweet ni Keith...
Ang aga aga pinapakilig ako!
--
Nakaligo at nakapag ayos na rin ako ng sarili ko.
Mas pinili kong maglugay na lang. Napatingin pa ako sa salamin para muling suriin yung itsura ko.
Ayos naman...bakit kinakabahan ako?
BINABASA MO ANG
My classmate Is a sex addict
Romance[COMPLETED] (REMINDER: RATED SPG! R18+ IF YOU THINK YOU'RE ALLOWED TO READ SOMETHING LIKE THIS, THEN GO.) What if malaman mo na ang pinaka-hot, talented, mayaman, cheerful-guy, ubod ng gwapo, matalino, great leader, athletic, friendly at sinalo n...