CLASS 13

7.4K 46 5
                                    


Ellene's POV,

“Lumapit kapag natawag ang pangalan” sambit ni Ma'am Velasco samin.

Mukhang ngayon nya ibibigay yung prelims namin.

Patay na naman ako nito.

“Blue Evans, sya ulit ang highest with perfect score” abot ni ma'am ng papel don sa taong kupal.

Nagpalakpakan naman lahat. Tsk.

Kaya ko din yan,

Kung mag aaral ako.

Napairap na lang ako sa kawalan.

Yelex Trinidad, ayusin mo 'yan” sermon ni Ma'am sa classmate namin kaya nagtawanan ang lahat.

Ilang tao pa ulit ang natawag,

Ang tagal naman ng papel ko...

Hindi sa excited ako, pero diba? Malay nyo naman mataas score ko.

Pagkatapos ng ilan pang mga tao ay narinig ko na ang pangalan ko.

Tumayo naman ako kaagad ng tawagin ni ma'am ang pangalan ko,

“Ikaw Ms. Floreso, gusto mo bang grumaduate? Oh gusto mo pa akong makasama sa school na 'to?” taas kilay na tanong ni Ma'am Velasco sakin.

Napalunok naman ako dahil dito,

Bakit naman kailangan ipag-sigawan?

Nakaramdam ako ng hiya dahil sa mga matang nakatingin na sakin ngayon.

“sorry ma'am...” sambit ko habang nakayuko.

“ayusin mo sa finals—” akmang ipapalo sakin ni ma'am Velasco yung test paper nang may kamay na humawak rito.

Nagulat ang mga kaklase ko pati si Ma'am dahil sa nakatayong si Blue.

“hayaan nyo na ma'am, ako ng bahala kay Ellene. Ako ang magtuturo sa kanya—”

“Ayoko nga!” bulaslas ko agad.

Wrong move.

Tumalim kase kaagad ang titig ni Ma'am Velasco sakin at ng mga kaklase ko.

Bakit?

Hindi nyo kilala itong kupal na 'to!

“Ang lakas naman ng loob mo Ms. Floreso? Tuturuan ka ni Mr. Evans o ibabagsak kita sa klase ko?” mariing sambit ni ma'am habang nakatitig sakin.

Napalunok ako sa sinabi nito.

Bagsak agad??

Bakit sya pa? Mamaya kung ano lang gawin sakin nyan eh!

Wala na akong nagawa kung hindi tumango kay Ma'am. Iniabot na nito ang test paper ko, akmang kukunin ko na ito pero hinigit ulit iyon ni ma'am pabalik.

Ano na naman?!

“Hindi ka ba magpapasalamat kay Mr. Evans?” tanong ni Ma'am Velasco.

Bayagan ko pa yan e!

Huminga muna ako ng malalim at hinarap ito.

Kupal. Sarap ibaon.

“SA.LA.MAT” sambit ko ng may diin at bumalik na sa bangko ko.

Ano na lang mangyayari sakin nito?

My classmate Is a sex addictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon