Ellene's POV,Humarap ako sa maliit na salamin sa kwarto ko,
Naglagay ako ng lip tint na binigay ni mama sakin nung nakaraan.
Nabili nya daw 'to sa Mall. Parang di ko nga bet yung color pero kase mabango sya, amoy melon. Color orange din sya na medyo ma-red.
Kinuha ko rin yung blush on ko sa drawer at naglagay ng kaunti. Parang rosy cheeks lang ang peg.
Hindi ko na need magkilay dahil natural na makapal yung kilay ko,
Never ko pa ngang naahitan 'to eh, yung pagka-makapal nya kase parang kay Andrea Brillantes.
Kabog 'no?
Sabi sainyo maganda ako kahit hindi ako mayaman!
Naka loose t-shirt lang ako at naka-malambot na shorts. Sinuot ko na ang rubber shoes ko at kinuha ang mini back pack ko.
Nag-ayos ako just incase,
Malay ko ba kung sino pang ibang ka-grupo ko?
Oo, ka-grupo ko si Blue Evans, kaya nga nag ayos ako!
Malamang!
Baka pag hindi ako nag ayos mapagkamalan akong basahan!
---
*2:30pm*
Gusto ko na maglaho.
Tangina..
Nakakapanghina..
Kaasar..
Bakit gano'n?..
Napalingon na lang ako sa labas ng bintana ng kotse ni Blue.
“naiinip ka na ba? Don't worry malapit na tayo” ngiti sakin ni Blue habang nagmamaneho.
Pakyu bente
Mapagpanggap
Hindi na lang ako kumibo at muling tingin sa labas ng bintana. Dahil two seaters lang ang dinalang sasakyan nito, matik na magkatabi kami.
Para akong nasusunog sa inis,
Oa na kung oa pero pake nyo ba?
Umaandar na naman kase radar ko sa taong kupal na 'to.
Kanina kase habang nag-aayos ako eh lumabas na ako ng bahay, at dahil hindi ko alam bahay nila Blue, tinanong ko si Mico.
Hindi nya rin daw alam, shempre nagtanong ulit ako kung sino pang iba naming ka-group na pwedeng makasabay at mapagtanungan,
Pero wala, walang kwenta si Mico.
Ako lang daw at si Evans naalala nya.
Kanino ako magtatanong nito??
Yan ang naisip ko. Ayoko sanang magtanong mismo sa Evans na 'yon!
Wag na lang kaya ako pumunta?
Tama, wag na lang para wala karing Grades vovo ka!
Oo na! Pupunta na!
Ilang oras pa akong nakipagtalo sa sarili ko kung i-cha-chat ko ba ito sa fb oh hindi,
Pero dahil nandito na nga ako sa kotse nya, edi alam nyo ng chinat ko sya.
Yung pride ko...
Ilang minuto pa ang lumipas bago kami pumasok sa isang subdivision.
Yayamanin talaga ang kupal
BINABASA MO ANG
My classmate Is a sex addict
Romance[COMPLETED] (REMINDER: RATED SPG! R18+ IF YOU THINK YOU'RE ALLOWED TO READ SOMETHING LIKE THIS, THEN GO.) What if malaman mo na ang pinaka-hot, talented, mayaman, cheerful-guy, ubod ng gwapo, matalino, great leader, athletic, friendly at sinalo n...