Chapter 10: Kundiman

167 30 15
                                    

Kung hindi man tayo hanggang dulo
'Wag mong kalimutan
Nandito lang ako

Mabilis akong pinuntahan nila Chona at Tina matapos ko silang tawagan. "Kuya, nakakailang bote na 'to?" tanong ni Tina sa nagse-serve.

"Tatlo na po," sagot ni kuya.

"Anong nangyari?" tanong ni Chona na may bakas ng pag-alala.

Tinawanan ko na lang yung tanong niya. "Aalis na si Mira."

"Ano? Aalis siya pagkatapos mong aminin na mahal mo siya?" pagalit na tanong ni Chona. Mukhang handa na siyang sugurin si Mira.

Pinigilan ko siya, "hindi ganun. Hindi pa ako nakakaamin sa kanya. Binalita niya lang sa akin na pupuntahan niya ang nanay niya sa Australia." Dahil naalala ko na naman yung mukha niya, itinuloy ko ang pag-inom ko.

Napasapo naman ng mukha si Tina. "Bakit hindi ka pa rin umamin? Pagkakataon mo na yun eh!"

Dinuro-duro ko ang sarili ko. "Duwag." Uminom ulit ako. "Hindi ko alam paano ko sasabihin eh."

"Subukan mo kaya isulat muna?" suggestion ni Tina. "Pwede pa 'yan! Hindi pa nakakaalis si Mira." Nakita ko siyang ngumiti. Hindi ko maintindihan kung saan pa humahanap ng pag-asa si Tina.

"Oo nga. Bilis! May pag-asa pa," dagdag ni Chona.

"Saan niyo hinuhugot yang pag-asa niyo?"

Nagkibit-balikat si Chona. Labo. "Alam namin ni Tina kung gaano kasakit mawalan ng minamahal. Eh yung iyo, hindi pa naman nawawala."

"Alam mo yan," dagdag pa ni Tina.

Oo, alam ko kung gaano kasakit para sa kanila na nawala ang minamahal nila. Kita ko kung paano nila iniyakan ang mga 'yon. Halos manghina rin ako nung mga pagkakataong yun.

Pakiramdam ko hindi ko kakayanin yung ganung sakit. Hindi ko kakayaning mawala sa akin si Mira.

Nilabas ko ang phone ko para umpisahang mag-compose ng e-mail kay Mira. Nakita ko namang nabuhayan ng loob ang mga kaibigan ko sa ginawa ko.

_____

Pinilit kong bumangon kahit na masakit pa rin ang ulo ko. Ngayon na kasi ang flight ni Mira. Nangako ako sa kanyang ihahatid ko siya sa airport.

Pagkatapos kong naligo ay dumiretso ako sa bahay nila Mira. Hindi na ako nag-almusal dahil wala akong gana. Naabutan ko dun sina Chona at Tina. Mukhang kagigising lang din nila. Hindi na sila nag-abala pang mag-ayos eh. Paniguradong babalik sa tulog ang mga 'to pagkaalis ni Mira.

Nakita kong nakaayos na si Mira. Nakababa na rin ang mga maleta niya. Kinurot ko yung sarili ko para ipaalala sa sarili kong hindi ako nananaginip. Totoo na nga ito.

"Handa ka na ba?" tanong ni Ninang Vicky kay Mira. Merong bakas ng kalungkutan sa mukha niya kahit sinusubukan niyang maging masaya para kay Mira.

Tumango si Mira sa kanya. Niyakap niya nang mahigpit ang ninang niya. "H'wag po kayong mag-alala, Ninang. Hindi po ako nakakalimot ng utang na loob." Kumawala siya sa yakap saka ngumiti. "Hindi ba, Kino?" baling niya sa akin.

Pinilit kong ngumiti kahit na mahirap. Tumango naman ako para um-agree sa kanya.

Mabilisan kong iniwas ang tingin ko sa kanya saka itinuon ang pansin sa mga maleta niya. "Buhatin ko na ba 'to sa sasakyan?" turo ko sa mga maleta niya.

"Ay, sige, Kino! Salamat ha!" sabi ni Mira kaya sinimulan ko nang magbuhat.

Inisa-isa kong hinila at binuhat ang mga maleta niya. Dalawa lang naman yun kaya mabilis akong natapos. Saktong palabas na sila sa bahay nila nung sinara ko yung likod ng kotse.

Magkakaakbay sina Mira, Chona, at Tina habang naglalakad patungo sa kotse. "Chat ka lang kapag namimi-miss mo kami," bilin ni Tina kay Mira.

"Oo naman!"

"H'wag mo kalimutang magsulat sa amin, ha?" biro ni Chona na may kasamang pekeng singhot. Natawa na lang si Mira sa biro ni Chona.

"Tama na yan," awat ko. "Baka ma-late pa si Mira sa flight niya."

Naputol ang pagdadrama nila. Binelatan ako ni Chona sa ginawa ko. Naparolyo na lang ako ng mata sa kanya. Tinawanan lang kami ni Tina. Naunang sumakay si Mira sa kotse. Sasakay na sana ako sa passenger seat nang unahan ako ni Ninang Vicky. "D'yan ka na sa tabi ni Mira."

Napilitan akong sumakay sa likod. Pinili kong h'wag tignan si Mira kasi sobrang saya niya ngayon. Tumingin na lang ako sa labas.

Aaminin ko na ba? Dahan-dahan kong nilingon ang gawi ni Mira. Nakatingin din siya sa labas. Siguro iniisip na niya yung mga gagawin niya kasama ang nanay niya. Malamang marami nang tanong sa isip niya para sa nanay niya.

Lumingon siya sa akin nang may ngiti sa labi niya. Malimit akong ngumiti. "Masaya ka?" Sinubukan kong mag-umpisa ng usapan. Ramdam ko kasi na medyo naging awkward yung atmosphere namin.

Tumango siya nang hindi nawawala ang kanyang ngiti. Tumango din ako saka tumingin nang diretso. "Mabuti naman."

Nang makarating kami sa airport ay agad kong binaba ang mga maleta niya. Naabutan kong magkayakap sina Ninang Vicky at Mira. Nang malagay ko sa airport trolley ang mga bagahe niya ay hinarap naman ako ni Mira.

Inimbitahan niya ako sa yakap. Paano ko ba tatanggihan sa yakap 'tong taong 'to? Syempre niyakap ko na rin siya. Hinimas-himas niya yung likod ko. Mas hinigpitan ko pa yung yakap ko sa kanya. Idadaan ko na lang siguro sa yakap yung mga salitang hindi ko kayang sabihin sa harap niya. "Mami-miss kita," bulong ko sa kanya.

Matagal bago sumagot si Mira. "Babalikan kita, Kino," pangako ni Mira. "Sana mahintay mo ako."

Kumawala siya yakap saka tinignan akong muli. Huling beses na pwede kong titigan ang mukha niya. Siya ang unang nag-iwas ng tingin. Kinuha na niya ang kanyang trolley saka kami kinawayan. "Mag-iingat kayo sa daan!"

Sa lahat ng mga salitang nasabi namin sa isa't isa, ni isa walang paalam at mahal kita. Baka nga hindi pa kami handang pakawalan ang mga salitang 'yon.

Lugaw at Ikaw (Karaoke Nights, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon