May gusto ka bang sabihin
Ba't di mapakali"Kino, gising na."
Napakusot ako sa aking mga mata nang narinig kong may gumigising sa akin. "Parating na sina Mama in a few hours. Ako na susundo sa kanila sa airport," sabi ni Kuya Jake.
Oo nga pala. Nakalimutan kong may pamilya pa pala ako. Joke lang. Pinuntahan ako ni Kuya Jake galing sa Manila para samahan ako sa graduation ko. Siya lang available sa mga kapatid ko eh. Siya lang din naman ang ka-close ko.
Ngayon din ang dating ng mga magulang ko. Buti nga uuwi sila eh. Kung hindi, magtatampo na talaga ako buong buhay ko. Kita kong nakabihis na si Kuya Jake. "Kumain ka na," utos niya sa akin. "Didiretso na lang kami sa school mo. H'wag mo na kaming hintayin."
Tumango na lang ako habang pinapanood siyang maghanda para sunduin sina Mama at Papa. "Ingat, Kuya," bilin ko bago siya umalis. Mabilis niya akong tinanguan saka sinara ang pintuan.
Dalawang araw na dito si Kuya. Pinakilala pa niya sa akin yung girlfriend niya. Ngayon lang niya ipinakilala sa akin yung girlfriend niya. Feeling ko may balak na siyang pakasalan 'to. Tinawanan ko nga siya kasi yung girlfriend pa niya yung naghatid sa kanya dito.
Ang kwento ni Kuya, siya pa yung nagpumilit na puntahan ako nang mas maaga. Dapat kahapon pa darating si Kuya kaso gusto raw niya akong makilala kaya napaaga sila.
Okay naman yung girlfriend niya. Medyo halatang gusto niya na makuha niya yung loob ko. Wala namang problema yun sa akin. Mukhang masaya nga si Kuya sa kanya eh. Isa pa, wala naman akong karapatang diktahan si Kuya kung sino ang mamahalin niya.
Speaking of. . . Since nandito naman na sina Kuya at mga magulang ko, ipapakilala ko na sila sa mga kaibigan ko mamaya.
Balak ko na ring umamin kay Mira mamaya. Ngayon sigurado na akong ito na ang tamang panahon para umamin ako sa kanya. Huling pagkakataon ko na 'to para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Kung tutuusin, tama lang na gawin ko 'to sa graduation day namin. Paniguradong papayag na ang mga magulang kong ligawan si Mira kasi graduate na kami. Hindi ko na kailangang alalahanin pa ang pag-aaral namin. Hindi na 'to magiging distraction sa pag-aaral.
Sigurado na rin akong payag na si Ninang Vicky na ligawan ko siya. Kilala niya naman na ako. Mukhang nakuha ko na rin ang loob niya. Lagi ko pa ngang hinahatid si Mira sa tamang oras ng curfew niya kahit wala naman talagang striktong curfew hour si Mira.
_____
"Congratulations, graduates!" huling bati sa amin ng Dean ng college namin.
Dahil dun, sabay-sabay naming inihagis ang mga graduation cap namin. "Graduate na tayo!" sigaw naming muli. Maraming humihiyaw sa saya.
Ganun din si Chona. Nilingon ko kung nasaan si Tina sa crowd saka nakita siyang kumakaway sa amin ni Chona. Laking ginhawa sa pakiramdam na makita silang masaya. Napakarami na nilang pinagdaanan nitong mga nakaraang araw. Ang sarap lang sa pakiramdam na ayos na sila.
Pinuntahan kami ni Tina para batiin kami, "congratulations sa inyo! Nalagpasan niyo nang matagumpay yung mga paghihirap niyo." Sobrang saya ko lang makita na malalaki rin ang mga ngiti nila ngayon. Nung mga nakaraang araw, ni hindi sila makangiti eh.
Sabay nila akong niyakap. "Salamat, Kino," sabay nilang sabi habang nakayakap sila sa akin.
"Oh, walang iiyak!" pagbabawal ko. Sabing ayaw kong makita pa silang umiyak eh. Natawa naman sila parehas sa sinabi ko. Buti naman. "Hali kayo! Ipakilala ko kayo sa pamilya ko," imbita ko sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/231636043-288-k200779.jpg)
BINABASA MO ANG
Lugaw at Ikaw (Karaoke Nights, #1)
ContoKaraoke Nights, #1 Ilang lugaw pa ba ang kakainin, O giliw ko? Malapit nang bumagsak si Mira sa isang subject nang dumating sa buhay niya si Kino, ang taong tutulong sa kanya hindi lang sa isang subject, pati na rin sa buhay niya. Completed Jul 8, 2...