Chapter 4: Leaves

211 40 10
                                    

Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time

Katatapos lang ng finals namin sa Rizal course namin. Nagulat ako nang nakita ko si Mira na naghihintay sa labas ng classroom. "Lugaw tayo!" yaya niya sa akin.

"Libre mo?" Biro lang sana kaso bumigay siya.

"Sige ba!" Napangiti ako nung pumayag siya.

Sabay kaming naglakad papunta sa lugawan. Kakaiba ang aura ni Mira ngayon. Halata mo sa kanya na masaya siya. Tatanungin ko palang sana siya kung bakit sobrang saya niya yata ngayon nang bigla niya akong pasalamatan, "Salamat, Kino, ah."

Napakunot ako ng noo kasi hindi ko naman alam bakit siya nagpapasalamat sa akin. "Salamat kasi lagi mo akong binibigyan ng rason para gumising. Araw-araw ka ba namang mangulit sa bahay!" Napangiti ako sa sinabi niya. Na-a-appreciate pala niya 'yon? Hindi halata eh.

Tinanguan ko siya. "Wala 'yon. Tayo-tayo lang ang magtutulungan 'di ba?" Tumango naman siya.

"Dalawang special nga po," order ni Mira.

Mabilis na dumating ang order naming dalawa. Hinawakan ni Mira ang kanyang kutsara sabay sabing, "Cheers! Tapos na tayo sa Rizal!"

"Kampay!"

Masaya kaming kumain ng lugaw. Ito na yata yung pinakamasayang pagkain namin ng lugaw. Madalas kasi kaming pagod kapag kumakain kami ng lugaw. At least ngayon meron na akong magandang memorya ng lugaw.

"Ayan ha. Bayad na ako sa mga utang ko sa'yo." Kahit hindi ko alam kung ano yung tinutukoy niya, sinakyan ko na lang.

"Hindi pa. May utang ka pang kwento." Napatingin siya sa akin. Mukhang naalala niya kung anong kwento yung tinutukoy ko. Natawa na lang siya. Akala niya siguro nakalimutan ko na yun.

Napatigil siya sa pagkain ng lugaw niya. Mukhang nag-iisip siya paano niya sisimulan ang kwento niya. "Hindi ko kilala parehas kong magulang," panimula niya. "Iniwan ako ng nanay ko sa ninang ko kasi hindi niya ako kayang panagutan."

Nakita ko siyang napalunok, pinipigilang maging emosyonal. "Ayos lang kung hindi mo pa kaya." Pinigilan ko siya. Baka umiyak na naman eh. Ang hirap panoorin nito umiyak. Parang pati yung puso ko nadudurog kapag nakikita ko siyang umiyak. Ewan ko ba.

Umiling siya. "Kaya ko 'to," sabi niya saka ngumiti para siguraduhing ayos lang siya. "Gusto raw akong ipalaglag ng nanay ko dati kasi nga hindi siya handa maging ina. Best friend ni Ninang yung nanay ko noon. Siya rin yung pumigil sa nanay ko na ipalaglag ako. Kaya nung ipinanganak niya ako, binigay niya ako agad kay Ninang."

"Kanino mo nakuha yung surname mo?" Curious lang. Ninang pa rin kasi ang tawag niya sa ninang niya kahit sa kanya siya lumaki.

"Sa nanay ko," sagot niya. "Nirehistro niya muna ako bago niya ako iwan sa ninang ko."

Kinwento niya rin na ang ninang niya ang nagpangalan sa kanya. Minsan lang magkwento si Ninang tungkol sa nanay niya. Minsan lang din kasi siya magtanong tungkol sa nanay niya. "Galit ka ba sa nanay mo?" tanong ko sa kanya. Ako kasi, bahagya akong nagtatampo sa mga magulang ko dahil hindi ko sila nakasama sa paglaki ko. Pero hindi naman ako galit sa kanila. Gets ko naman bakit nila kinailangang mag-abroad. Minsan talaga, nakakainggit lang panoorin yung mga pamilya ng ibang tao na buo.

Natahimik si Mira sa tanong ko. Dapat yata hindi ko na tinanong yun. "Siguro." Kahit medyo malabo, hindi na ako nagtanong pa. Sapat na yung mga naikwento niya.

"Salamat din pala," sabi ko sa kanya. "Salamat sa tiwala." Alam kong hindi madaling magtiwala sa ibang tao. Kailangan mong piliin ang mga taong pagkakatiwalaan mo sa vulnerabilities mo.

Nang maubos namin ang lugaw namin, inaya niya akong pumunta sa bahay nila. Bago yun kasi palaging ako ang nagpupumilit na pumunta sa bahay nila. Hinayaan kong magpahila sa kanya.

Pagdating sa bahay nila, sinalubong kami ni Ninang Vicky. "Ayan na pala kayo! Tara, pasok," anyaya niya.

Pagpasok namin sa bahay nila, sumalubong sa amin ang maraming pagkain sa mesa. Spaghetti. Shanghai. Cake. "Sino po may birthday?"

Walang sumagot sa tanong ko. Pambihira. Sinindihan ni Ninang Vicky yung kandila sa cake saka kumanta ng, "Happy birthday to you!" Sinabayan ko na lang para hindi nakakahiya.

Hinipan naman ni Mira ang kandila. Ibig sabihin. . . "Birthday mo?"

Lugaw at Ikaw (Karaoke Nights, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon