Huwag Kang Maliligo

357 20 2
                                    

"HUWAG kang maliligo sa gabi, dahil puputi ang dugo mo!"

Ito ang laging bukambibig ng ina ni Rojo sa kanya. Bawal daw maligo sa gabi dahil nagdudulot ito ng anemia.

Pero tumuloy pa rin sa banyo ang lalaki dala ang tuwalya at sipilyo. "Naiinitan ako, Ma! Hindi ako makakatulog kapag hindi napreskuhan ang katawan ko!"

"E, paano ba naman tuwing gabi ka na lagi naliligo? Dapat umaga pa lang maligo ka na para mapreskuhan ang buong katawan mo!" Umuusok na naman ang ulo ni Aling Juvy sa kanya.

Hindi na sumagot si Rojo. Hahaba lang kasi lalo ang usapan kapag sumagot pa siya. Diniretso na lang niya ang pagligo at hinayaan na ang pagbubunganga ng ina.

"O, bakit nakabihis ka saan ka na naman pupunta?" usisa ni Aling Juvy nang makita siyang nagbibihis ng panlabas-bahay.

"Pupunta lang ako sa girlfriend ko, Ma."

"Aba, ngayon ka pa kung kailan gabi na? Baka mapagtripan ka pa ng mga adik d'yan!"

"May sakit si Le-Anne, Ma. Gusto ko lang siya dalawin at makita. Saglit lang naman ako!"

"Napakatigas talaga ng ulo mo!" Pinalo siya ng ina sa balikat. "Nagsasawa na ako sa kakapaliwanag sa 'yo!"

Muli, hindi na sumagot si Rojo para maiwasang humaba ang usapan. Tuloy-tuloy lang siya sa pagbihis hanggang sa makalabas ng bahay.

"OY! Good morning, babe! Bakit nakabihis ka pa ng ganyan eh gabi na rin naman?"

"Siyempre gusto ko maging guwapo lagi sa paningin mo, baby." Doon pumasok si Rojo sa maliit na bahay ng babae na yari sa pinagtagpi-tagping kahoy. Isa lamang itong maliit na espasyong nagsisilbi na ring sala, kusina at tulugan.

Namula ang pisngi ni Le-Anne at hinalikan sa noo ang lalaki. "Hindi na kailangan ng ganyang porma dahil kahit anong soot mo guwapo ka naman."

"Talaga?"

"Yes, babe!"

Dumiretso sa paghiga ang dalawa at sabay na naghubad ng damit. Ngunit agad ding tumayo pansamantala si Le-Anne saka sinara ang mga bintana at pinto upang walang mga matang maligaw roon.

Wala naman talagang sakit si Le-Anne. May usapan lang kasi sila ng nobyo na bibinyagan nila ang sarili sa gabing iyon. Dadalhin nila ang isa't isa sa langit.

Matagal na nilang balak gawin ito ngunit lagi lang nauudlot dahil sa pasaway na mga magulang ni Le-Anne. Ngayong nakabakasyon sa probinsiya ang mga ito ay malaya silang gawin ang lahat ng kanilang naisin.

Ilang sandali pa, makikita nang magkapatong sa lapag ang dalawa habang yumayanig ang kanilang mundo. Umalingawngaw sa buong silid ang ungol nilang dalawa na katumbas ng maharot na musika.

"Ugghhh... Ugghhh... Aaaaahhh! T-teka, teka, teka lang, babe. Huwag masyado malakas at baka magiba itong bahay ko!" Makikita ang pag-alog ng buong bahay pati ang mga kagamitan sa paligid.

"Kunwari ka pa pero sarap na sarap ka naman!"

"Huwag lang masyadong aggressive dahil baka marinig tayo ng mga kapitbahay...Uggghhh!"

"Pake ko ba sa mga putang inang kapitbahay na 'yan! Hayaan mo sila at hindi ka naman mabibinyagan ng mga 'yan!"

"Ikaw naman hindi ka masabihan... Kaya siguro palaging galit sa 'yo ang nanay mo dahil sa sobrang tigas ng ulo mo..."

"Matigas talaga ang ulo ko kaya magpasalamat ka dahil ang mga lalaking matitigas ang ulo matitigas din ang ari!"

Napaungol na lang ang babae sa sunod na ginawa ng lalaki sa kanya. Higit nitong sinagad ang pagsugod sa kanyang kuweba na lalong nagpaliyab sa kanyang kaluluwa.

Regal ShockerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon