Kabanata III:Sulyap

18 3 0
                                    

Mabilis ang takbo ng oras, di ko namalayang tapos na ang aking unang araw sa trabaho. Mag aalas sais na nang ako'y makauwi.

Pagpasok ko ng aking bahay ay naroon pari't naglalaro ang mga bata. Unti unti ay naaaninag ko na rin ang itsura ng dalawang kaluluwa na nung una'y hindi ko malaman kung anu ang kanilang pagkakakilanlan.

Napakaganda ng kanilang muka, iisipin mong sila ay mga babaeng tipong tagapangalaga ng may sakit nung unang panahon. Sa wari ko'y mga nurse ang mga ito dahil napakaputi ng kanilang kasuotan. May maliit na belo sa ulonan. Mahabang buhok na natatakpan ang kaliwang bahagi ng kanilang mukha.

Gayunpaman ay tuloy lamang ako sa pagpasok sa aking silid. Nakakapagod ang byahe kaya ako ay nagpasya nang magpahinga.

Sa aking pagtulog ay isang panaginip ang sumalubong sa akin...

Naroroon raw ako sa isang may ka-diliman ngunit napakalawak na lugar sa loob ng isang gusali. Sadyang napakarami ng tao sa loob at mistulang pabrika ang pook na ito. Nakatayo ako malapit sa kanilang paggawaan. Lagpasan ang mga ito sa akin na parang ako ay hindi nila nakikita. Tila mga maliliit na puting pulbos ang itinataktak nila sa isang sako, binubuhol at inilalagay sa maliit na bodegang kanilang pinag iimbakan. Napaka luma na ng lugar at panahon sa aking panaginip. Iisipin mong ikaw ay nagbabalik mula sa panahon ng mga kastila. Ang mga lalaki ay nakasuot ng mga kamiseta ngunit may mangilan ngilan din namang may kulay na ang uniporme. Ang mga babae naman ay naka palda at puting mga damit, walang mangas at animo'y gawa sa pinya ang pang itaas sapagkat ito ay maninipis.

Ilang sandali pa ay may narinig akong isang matandang lalaki. Nasa edad kwarenta na ito. Mga 5ft nga ang taas at naka suot pang uniporme (naalala ko tuloy ung lalaking bumulong sa akin sa opisina. Halos pareho kasi sila ng hulma at kasuotan). Nagsusumigaw ito ng "MAY SUNOG!! MAY SUNOG!!". Dali dali ay nangipagsisi-takbuhan ang mga tao sa aking likuran. May umiiyak na ang karamihan ay mga bata pa.

Makapal na ang usok at marami sa kanila ay kitang kita ko na nahihirapan ng huminga at ang iba ay nangagsisi-matay na. Ang halos lahat ng kagamitan ay natupok na rin ng apoy gayun din ang mga taong naririto. Unti-unti ay nakikita kong halos malalaglag na ang yero sa taas mula sa aking kinatatayuan. Ngunit sa sobrang kaba ako ay nagising mula sa aking pagkakahimbing.

Sobrang lalim ng aking paghinga. Pagod na pagod at lakas ng pintig ang pumabalot sa aking puso.

Mistulang parang ang aking kaluluwa ay nahulog mula sa langit pabalik sa aking katawan. Sobrang bilis at sobrang lakas.

"sino ang mga iyon?" at "Saang lugar kaya ako dinala ng aking panaginip"? tanong ko sa aking sarili.

Napatingin ako sa aking orasan. Mag aalas onse na pala ng gabi at hindi pa ako nakakapag hapunan.

Habang ako ay naghanda ng aking makakain ay napansin kong may sugat ang aking kaliwang braso. May kahabaan ito na aabot sa halos isang dangkal ng aking kamay. Sugat na animo'y nasunog. Ngunit walang hapdi o kirot ang aking naramdaman. Sa pag aakalang baka ako ay namamalik mata lamang ay sinubukan ko itong hugasan at punasan ng tuwalya. Ngunit hindi ko ito maalis.

Sariwang sariwa pa ang sugat sa aking braso na parang kanina lamang naganap. Naalala kong sunog din ang dahilan ng pagka gising ko sa aking panaginip. Mabilis akong kumain at sa pagkataranta ay nilagyan ko na lamang ito ng bendang yari sa panyo.

 Mabilis akong kumain at sa pagkataranta ay nilagyan ko na lamang ito ng bendang yari sa panyo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko alam kung paanong maging ang aking panaginip ay mistulang nagkatotoo. Iniisip kong marahil kung ako ay tuluyang nabagsakan ng yero ay siguradong hindi na nga ako nagising mula sa aking pagkakatulog.

Balisa, pero minabuti ko na lamang na huwag na itong isipin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Hanggang sa may narinig akong...

Lumang Pabrika (Completed)Where stories live. Discover now