Kabanata VIII- Ritwal sa Kamalayan

10 1 0
                                    

Nagpatuloy ang araw ngunit hindi maalis sa aking isipan ang tanong ni ate Roks. Talaga nga bang may diablong naroroon sa cctv?

Samantalang alam ko at malinaw sa akin na mga bata lamang ang aking napansin.

Bigla tuloy akong kinalibutan. Di pa kasi ako talagang nakakita ng diablo o di ko rin alam kung anu nga ba talaga ang hitsura nito. Madalas kasi maitim at mapupulang mata na mga nilalang ang pinaka matindi kong nakikita hanggang nung mga panahong iyon.

Uwian na namin ng kausapin ako ni ate Roks sa labas habang naghihintay ng shuttle.

sigurado ka bang wala kang ibang napansin sa cctv?

“Wala naman po ate Roks bukod sa dalawang batang naghahagis ng mga gamit sa ating training room”-siguradong sagot ko.

“Ganito, Nilo may mga bagay pa dito sa ating mundo na hindi mo pa lubos na nakikita o napapansin kahit maging sa iyong abilidad. Kung gusto mo maari kitang tulungan sa bagay na iyon upang sa gayon ay mas magiging malinaw sayo ang mga bagay bagay”- wika ni Roks.

Sya nga pala ate Roks, tungkol nga pala sa kalagayan ko, matutulungan mo ba ako?” – tanong ko.

“Teka? Anu bang plano mo mawala yang abilidad mo o tuluyan mo itong mas maintindihan? Alin man dito ay kaya kong ipaliwanag sayo kung mamarapatin mo?”

Sa mga sandaling iyon ay lalo akong naguluhan sa kung anu nga ba talagang plano ko sa aking abilidad. Nais ko nga ba itong tanggalin o nais ko itong lubos na maunawaan.

Ilang araw pa ang lumipas at tuluyan na akong nakapag isip isip sa nais kong gawin sa aking sarili. Lakas loob ay nakipagsundo ako kay ate Roks na gusto kong mas maunawaan ang aking kakayahan sa paraang kaya niyang ibahagi.

Hanggang isang gabi, pagkatapos ng aming shift ay sinama niya ako sa kaniyang tinutuluyan sa laguna. Dito raw ay mas maituturo niya sa akin kung paano nga ba magagamit ng husto ang aking bahagyang bukas na third eye.

Dito ay unti unti niyang ipinaliwanag sa akin ang lahat. Nakakatuwa sapagkat sa isang hawak niya sa aking balikat ay nalaman niyang agad ang lahat ng dinanas ko mula sa aking lumang dormitoryo. Batid rin niyang marami pang espiritu ang kusang sumusunod sa akin o sa mas konretong salita ay “napapasunod ko”. Bukod pa riyan ay alam nya rin maging ang dahilan ng kanilang pagsunod sa aking pisikal na katawan.

Mas lalo akong kinalibutan sa aking narinig. Hindi ako makapaniwala na totoo palang may mga taong nakababasa ng iba sa pamamagitan lamang ng kanilang paghawak lalo na’t wala naman akong napagkukwentuhang iba nung mga panahong iyon. Siguro nga ay talaga malakas lamang ang kanyang kakayahan sa ganitong bagay.

Pasado alas dose na ng gabi ng kami ay makarating sa kanyang tinutuluyan sa Sta. Rosa laguna. Pagpunta duon ay naroon ang dalawa pa niyang kasamahan. Sila si kuya Robert, bente syete anyos ang gulang at ang isa naman ay si Leo na pinsan ni ate Roks.

Maayos naman ang kanilang tinutuluyan, may dalawang kwarto, maliwanag ang lugar, may mga kandila at bulto ng asin ka ring makikita sa bawat sulok ng kanilang bahay (pangtaboy masasamang espirito raw ito) meron rin silang may kalakihang altar na may dalawang bungo ng tao sa magkabilang gilid (hindi ko alam kung tunay ito o props lang) meju weird lang ang set up pero parang normal lang naman ang lahat para sa kanila.

Kumain lang kami at maya maya pa ay nagsimula na akong imbitahan ni ate Roks at nang kanyang mga kasamahan sa kanilang sala. Pinatay na rin nila ang ilaw. Tanging liwanag na lamang ng mga kandila ang aking naaninag. Nasa bandang gitna ako ng altar. May bilog na simbulo na nakalathala sa gitna ng aming kinauupuan. Nakapatong rin ang isang bungo sa gitna nito.

Parang kulto ang kinalabasan ng mga pangyayare. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ay napunta ako sa ganitong sitwasyon. Bigla nga akong napaisip sa kung anu man ang aking napag desisyunan. Ngunit nandito na e, wala ng atrasan.

simulan na natin?” – wika ni ate Roks.

Inutusan nya kaming pumikit habang magkakahawak ang aming mga kamay. Malinaw sa aking isipan na ang tanging nais ko lang ay mas tuluyang maunawaan at mapalawak pa ang kaalaman ko sa aking kakayahan kung kaya’t ako ay sumama rito. Ilang sandali pa ay isa isa nang binigkas nila ate Roks ang kanilang ritwal. Hindi ko maintinidhan, sa pakiwari ko’y Latin yata ang lengwaheng ito.

Maka ilang sandali pa ay iniabot na ng kanyang kasamahan ang isang maliit na tabak. Ga lapad lamang ng kamao ang haba nito, matulis at may korteng kakaiba na prang hindi ditu galing. Hiningi rin ni ate Roks ang aking kanang palad.

Ngunit walang anu ano’y HINIWA niya ito!! AaaAGGHHH!! 

DUMANAK ANG DUGO SA AKING PALAD!!!!!

DUMANAK ANG DUGO SA AKING PALAD!!!!!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Anong ibig sabihin nito!!
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy...

Lumang Pabrika (Completed)Where stories live. Discover now