Kabanata XI- Wakas na Tipan

3 0 0
                                    

## Isang buwan na lamang at saktong isang taon na ako sa aking trabaho ngunit bakit para bang sa tuwing mag iisang taon na ako ay duon pa may kung anu anung pangyayare ang aking nararanasan ##

Nagpatuloy ang gabing iyon at hindi ko pa rin lubos maisip kung anu ang aming ginagawa at kay tagal kaming nakatindig sa ikalawang palapag. Dito ay mas napatunayan nga naming na totoo ang sari saring kwento na meron sa gusaling ito na na isa rin palang lumang pabrika ng asin.

Isang lalaki ang tumindig sa aking harapan. Ngunit di gaya ng iba siya ay sunog na sunog ang buong katawan, luwa ang mga mata, ubos ang mga buhok, naka suot pang uniporme pa ito na animo’y nagtatrabaho na rin sa amin gusali.

Sa kanyang paglapit ay hinawakan niya ang aking kaliwang kamay na may sunog na di ko alam kung saan nagmula. Paghawak niya ay nakakita ako ng isang pangitain.

Muli ay naroroon raw ako sa isang malawak at madilim na gusali na maraming tao ang nag sasalansan ng mga asin sa lagayan nito at iniimbak sa isang silid. Nang biglang may isang malakas na pagsabog ang aking narinig. Mabilis na kumalat ang apoy dahil na rin siguro sa mga magagaang materyales ng gusali. Kitang kita ko na ang lahat ay natupok ng apoy maging ang mga tao at bagay. (Napansin kong itong ito rin ang nasa aking panaginip noong unang araw ko sa gusaling ito)

Ngunit sa aking pagpapatuloy ay narinig ko ang ibat ibang wika ng mga tao na animo’y nanghihingi sa akin ng tulong. Sa kalagitnaan ng aking pangitain ay nagising akong muli sa aking ulirat. Dito ay nakita ko ang tunay na kaanyuan ng mga nilalang na nasa aking harapan. Awang awa ako sa kanila sapagkat batid ko ang kanilang paghihirap.

Marahil ay gusto lamang nila na makaalis na sa poot na karanasang mayroon ang lugar na ito at naghihintay lamang sila ng pagkakataon.
.
.
.

Sa panahong ito. Ako ang kanilang pagkakataon.
.
.
.

Sa pagtuturo sa akin ni ate Roks ay lubos ko na ngang natutunan ang magpasunod ng kaluluwa (ngunit hindi ang makapagpatawid) ito ay isang kakayahan kung saan ay maari mo silang bitbitin mula sa isang lugar na humihila sa kanila patungo sa ibang lugar na maari nilang pamalagian.

Di nagtagal ay halos may tatlumpu ang sumunod sa akin ang iba ay nagpapaiwan sa lugar na aking nadadaaan ngunit ang iba naman ay nasa aking bahay na tinutuluyan.

Sa gawaing ito ay talagang nakakaubos nga ng lakas. Na para bang ang bawat pag sunod nila ay ibinabawas rin sa iyong lakas at kaluluwa.

Makalipas ang ilang araw ay nagpasya na rin akong maghanap ng ibang trabaho. Halos maliit lang rin kasi ang sweldo rito at marami na rin akong gastusin. Kumuha na rin kasi ako ng rent to own na bahay sa cavite kung kaya’t Malaki laki na rin ang kailangan kong bunuin.

Sa mga huling sandali ko sa aming opisina, ay naramdaman ko at ng aking mga kasamahan na halos gumaan na ang buong lugar sa aming palapag. Kahit night shift nga ay parang wala nang anumang mabigat na pakiramdam ang kanila pang nararanasan.

Nakatutuwa mang isipin sapagkat sa ganitong paraan ay alam kong bahagya akong nakatutulong hindi lang sa tao maging sa mga nilalang na naparirito sa ating mundo. Weird pero ito ang totoo.

Nilo, totoo ba ang balita na aalis ka na dito? -  tanong ni Eli

Oo nag pasya na kong mag resign huling araw ko na ngayon ditu sa ating department.

Oh sya balitaan mo kami ha, sya nga pala talaga nga bang wala na rin sila rito? Kung sa bagay wala na rin kung sinu man ang bumabagabag dito sa atin simula nung araw na iyon. – tanong ni Eli.

Oo Eli wala na. – nakangiting wika ko.

Salamat nga pala Nilo sa lahat at palagi ka rin sanang magiingat sa iyong bagong papasukan. Walang kalimutan ah! – malakas na wika ni Eli.

Oo naman tol!

Ito ang aking mga huling sandali sa lumang gusali na ito. Sa wakas ay nakapag paalam na rin ako ng maayos sa aking isang taon na trabaho gayun din sa mga alaala ng aking mga karanasan rito. Sa aking pagalis ay isang lingon ang aking ginawa. Tapos na nga siguro ang lahat. Nagawa ko na rin ang dapat gawin.

Makalipas ang isang buwan ay nakapagsimula na rin ako sa aking bagong pinasukan. Ngayon sa banko na ako nag tatrabaho. Mas mataas ang sweldo ngunit malaki rin ang kinaibahan kumpara sa aking mga lumang trabaho.

Dahil sa trabaho kong ito ay mas natuto na rin ako mangilatis ng ibat ibang uri ng tao. Nasa sales department kasi ako at madalas akong sa mall na naaasign. Lumipas ang ilang buwan ay napunta na rin ako sa aming main office para sa office based na trabaho.

Dito ay madalas pa rin ang mga pangitain at kakatwang pangyayari ang aking naranasan. Hanggang sa may nakilalala akong isang ka opisna na mas nagpamulat sa mga pangyayaring hindi ko pa rin lubos na maipaliwanag.Siya si Gabo.

################################


Ano ano ng aba ang mga nakatagong karanasan ni Nilo sa kanyang bagong opisina?

Sino si Gabo na naging isang instrument sa mga kababalaghang kayang nakakasalamuha?

Anong malagim na pangyayare ang mararanasan ni Nilo sa pagkamatay ni Roks?

Sama- sama nating abangan ito sa aking susunod na libro! Salamat mga Ka-takots sa inyung masuring pagsubaybay!

If you want to watch any short horror video stories feel free to like my facebook page at:

https://www.facebook.com/Real-Life-Horror-Story-105682281221827/

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lumang Pabrika (Completed)Where stories live. Discover now