Kabanata V- Bisita

13 3 0
                                    

Nakakapaso sa pakiramdam ang aking naranasan sa kaunting panahong nakatayo ako sa parteng iyon ng palapag.Tanaw ko parin mula sa aking kinatatayuan ang mga nilalang na iyon na sumisigaw at halos nilalamon na ng makapal na usok at apoy.

Ninais ko silang lapitan upang matukoy ang kanilang kalagayan ngunit sa di inaasahang pangyayari ay may humatak sa aking kamay.


Si ELI!


"TOL! TOL WAG KA PUMUNTA DYAN". Aligagang salita niya.


Halos nawala nga yata ako sa aking ulirat. Dala na rin siguro ng hindi ko magandang pakiramdam na bigla na lamang tumama sa akin nung araw na iyon. Putlang putla at hinang hina and aking katawan na tila bang sa kahit iilang sandali ay parang naranasan ko ang kanilang paghiirap sa lugar na ito.


TOL! Narinig mo rin ba? Alam kong napakarami nila ngunit hindi ko sila makita. ,- dagdag pa ni Eli.


"OO Tol. Nahihirapan silang lahat. Sa palagay ko ay nasa mahigit dalawampu ang mga ito sa likod ng silid na iyon. - malungkot na sambit ko.


Nung araw na iyon ay natuklasan kong si Eli pala ay may ganito ding kakayahan kung kaya siguro ay magaan agad ang loob ko dito ngunit hindi gaya ng sa akin sya ay madalas nakakadama lamang.Subalit aminado akong malakas nga ang kanyang pakiramdam.


Halos nag aamoy usok at patay na ang aming paligid. Batid kong alam rin ito ni Eli dahil sa ekspresyon ng kanyang muka. Nawala na rin ang matandang lalaking nung una ay nakatayo sa aking harapan. Marahil dahil ito sa pag dating ni Eli. Gayunpaman ay nagpasya na kaming pumasok sa aming opisina na nasa kabilang Wing ng palapag.


Pareho man kaming nanahimik ng bahagya pero tuloy pa rin ang aming pag aayos at pagbaba ng kagamitan.


"Guys, magandang gabi ! Meeting muna tayu sandali." Wika ni ate Riza na syang inatasan na mamuno sa aming pangkat nung araw na iyon.


Anim lamang kami nung araw na iyon sapagkat nilalaganat ang isa naming kasamahan kung kaya't hindi na sya nakapasok pa.


Habang kami ay nasa kalagitnaan ng aming pag memeeting ay nakarinig kami ng isang malakas na lagabog sa loob ng training room na nasa gawing kanan ng aming pwesto.


BLAAAAAAAGGGG!


Ang lahat ay tumahimik at dahil and apat sa aming kasamahan ay puro babae kung kaya't hindi maiiwasang may sumigaw sa pagkakagulat dito.


"Ano iyon? May tao ba dyan?" may kalakasang tanong ni ate Agot na akala mo'y may taong kinakausap sa banda roon.


"Be, wag ka naming manakot ng ganyan" pabulong na wika ni Lovely.


Halos ilang sandaling napuno ng katahimikan ang aming lugar. Mejo may kasakitan rin sa tenga ang sobrang katiwasayan noong oras na iyon. Sa di inaasahang pangyayari ay bigla ring tumunog ang access ng pintuan sa silid na iyon kahit pa wala namang tao na pumasok.

(kadalasan gagamit ka ng access card sa bawat silid para makapasok ka, kung kaya't lalo itong nakapagtataka hindi ba?).


Sa aking pagsilip ay napansin kong may malaki at maitim na lalaki ang nakangiti at nakatayo sa silid na iyon. Halos 6ft and taas nito. Nakayapak. May kalakihan ang pangangatawan. Kulot at puro puti ang loob ng mata. Eto na nga kaya ung sina sabi ni kuya Kenneth na dumungaw sa station nya na katabi lamang ng silid na ito?


Habang ang lahat ay napuno ng pagkabigla at katatakutan ay di ko na napigilang magsalita sa kanilang harapan.


"Ano ang kailangan mo?" malakas na tanong ko.


Nagtaka ang lahat sa aking nasambit. Sa takot ay napakapit na sakin ng bahagya si Lovely. Hindi naman nag salita ang nilalang na ito at unti unti itong nawala sa aking paningin. Gumaan na rin ang pakiramdam ng lahat na para bang sila rin ay naramdamang naka alis na nga ito.

Minabuti ko nang hindi sabihin ang tunay na hitsura ng aking nakita sapagkat wala rin naman nag tatanong. Siguro dahil sa takot ay ayaw rin nila itong marinig. Nakakahiya mang aminin ngunit kahit papano ay takot rin ako sa aking mga nakita ngayung araw. Lalo na't kailangan ko ring umihi sa labas ng aming silid paminsan minsan. Sadya ngang napakahirap ng ganito dahil kada lakad mo ay di mo maiwasang lumingon kung saan saan lalo na sa CR.


Ilang minuto pa ang lumipas habang kami ay nasa kalagitnaan na ng trabaho bandang alas dos ng umaga ay lumapit sa aking muli si Eli.

"Tol, ayos ka lang? napansin ko kasing mejo balisa ka at namumutla."


Pasagot na sana ako ng mapansin kong nasa likod na naming ni Eli ang lalaking ito.


JUSKO!!!!!!! 😱😱😱😨😨😨😨

Itutuloy.....


Lumang Pabrika (Completed)Where stories live. Discover now