Kabanata IX- Babala

7 1 0
                                    

Madilim ang aking paligid at tipong mga sindi na lamang ng kandila ang aking nasusulyapan.

Sa aming pagpapatuloy sa pagdadasal ay iniabot ni ate Roks ang kanyang kamay patungo sa akin. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng hugis bungong nasa loob ng pinturang bilog at sabay na dinasalan. Ilang sandali pa ay kumuha siya ng maliit na tabak.

Ngunit walang anu ano’y HINIWA niya ang aking palad!

 

Sobrang pagtatangi sa sakit ang aking naranasan. Kitang kita pa ng dalawang mga mata ko ang pag agos ng dugo mula sa aking palad patungo sa kapirasong panyo na kanayang isinasahod rito. Pinapikit niya akong muli. Makailang dasal pa ay ipinasok na niya ang panyong iyon na may bahid pa ng aking dugo sa loob ng bungo sa aming harapan.

 

Ramdam kong nagiinit ang aking buong katawan na para bang sinisilaban ng apoy. Napakarami ring boses ang aking naririnig. Ngunit ni isa man rito ay di ko alam kung saan nangagaling sapagkat alam ko na iilan lamang kami nung gabing iyon.

 

Sa aking muling pagdilat ay napansin kong ang lahat ay nakatingin na sa akin. Ngunit bakit ganoon? Ni hindi man lang ako makapag salita? Para bang may nagpipigil sa aking sarili na di ko maintindihan kung bakit at paano?

 

Nagising ako sa aking ulirat ng ako ay alug-alugin ng aking mga kasamahan.

“NILO ! NILO!”- malakas na wika ni ate Roks.

“Imulat mo na ang mga mata mo Nilo at nang matunghayan mo ang iyong bagong kakayahan” – dagdag pa nito.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay napansin kong mas malinaw na ang aking pagtingin. Halos nasa sampu hanggang labing limang mga nilalang ang nakapalibot na sa amin.

Nakakatakot! 

Ang iba ay korteng dimonyo. May sungay, mapupulang labi, matatalas na kuko, ngipin, maliliit na mga nilalalang, nagsasalita sila ng mga lengwaheng hindi ko na halos maintindihan. Ngunit gayunpaman ay kitang kita ko na nga sila.

Ito pala ang sinasabi ni ate Roks sa akin. Ngunit hindi ko lubos akalain na ito ay magkakatotoo. 

Ano ba itong pinasok ko?

Sa aking pagkabigla ay halos nagdugo na rin maging ang aking ilong at tainga. Hindi ko kinaya ang aking sitwasyon. Hinimatay ang aking katawan ngunit gising pa rin ang aking diwa. Kaya’t alam ko na ako ay binuhat nila patungo sa aking silid na tutulugan.

Lumipas ang magdamag, alas nuebe na nang ako ay magising. Ngunit nanatiling mabigat at masama ang aking pakiramadam.

“Oh ano Nilo, nakikita mo na ba ng lahat?” – tanong ni ate roks habang ito ay naghahanda ng makakain.

oo ate Roks, ngunit...

Hindi ko pa natatapos ang aking babagitin nang biglang dumating ang kanyang kapatid na nung mga oras na iyon ay panay galos ang pangangatawan.

Isang babae raw kasi ang nanghihingi ng tulong mula sa sanib ng espirito sa katawan nito duon sa kabailang baryo.

Dali dali ay nagbihis agad kami at tumungo sa kinalalagyan nung babae. Dito ko nalaman na isa rin palang mangagamot si ate Roks. Sya pala ang takbuhan ng mga naririto sa tuwing may kakatwang nangyayari.

Kaya marahil ay hindi na ako magtataka kung bakit napakaraming ibat ibang nilalang, kagamitan at simbulong pang ritwal ang nasa loob ng kanyang tahanan.

Sa aming pagdating sa bahay ng taong iyon, ay kitang kita ko na ang dalawang nilalang na ayon kay ate Roks ay nasa kalsipikasyon ito ng mga engkanto. Dalawang nilalang na nakayakap sa isang babae na tila ayaw na itong pakawalan. Mayroon silang mahahabang galamay at matatalas na kuko na syang nagpapasugat sa katawan ng babae.

Nanlilisik ang mga mata nila at galit nagalit.

Dinasalan ito ni ate Roks, umalis sa katawan ng babae at ito ay nahimasmasan. Nakatutuwa itong masaksihan, lubos na kapangyarihan nga ang bumabalot sa kanya.

Bago ako umalis, ay sinabihan na ako ni ate Roks na huwag na huwag kong babaliwalain ang aking nakikita. Sapagkat simula ngayon ay alam na ng mga nilalang na ito na ako ay may ganitong kakayahan kung kaya’t mas double dapat ang aking pagiingat.

Lumipas ang dalawang araw ng aking day off at papasok na akong muli sa aking trabaho. Dito ay sigurado akong makikita ko na ang diablong sinasabi sa akin ni ate Roks. (Sya nga pala balik na ako ulit sa panggabi at si ate Roks naman ay bumalik na sa mid shift).

Pagpasok ko sa aming gusali ay katakot takot na ibat ibang uri ng boses na agad ang aking naririnig na nagmumula sa mga nilalalang na humihingi ng tulong sa kung saaang saang parte ng building. Masakit sa tenga ngunit patuloy pa rin ako sapag akyat sa aming palapag kahit halos unti unti nang nauubos ang aking lakas.

Pag pasok ko sa aming departamento ay napansin ko na agad ang mga nilalalang na nasa loob. Isang lalaking pugot ang ulo, dalawang batang naglalaro sa aming mga station (na nakita di debi), mga sunog na tao na halos labas na ang laman at bungo, Malaki at maitim na nilalang (na nakita ni Kenneth) at sa pinakadulo kung saan ang station ng aming boss ay ang isang demonyong may sungay na kasing haba ng aking mga braso at nakangiti sa akin. NAPAKAINGAY!

 

Simula palamang ng shift ngunit paano ako makapagtatrabaho ng maayos?
.
.
.
.
.
.
.
WAAAHHHH!!
.
.
.
.
.
Itutuloy...

Lumang Pabrika (Completed)Where stories live. Discover now