Kabanata VII- CCTV

5 2 0
                                    

Naging usap usapan sa aming opisina ang pangyayaring naganap nung gabing iyon. Bukod sa marami kaming hindi natapos na trabaho ay marami ring mga ka-trabaho namin ang nagpatunay sa mga kakatwang istorya na kanilang naranasan.

Isa na dito ang istorya ni Debi. Manager ng aming pangkat. Ayon sa kanya ay madalas na may naglalaging dalawang bata sa kanyang pwesto sa opisina. Bahagyang bukas ang kanyang third eye, kung kaya’t hindi man niya ito makita ng tunay ay malakas naman ang kanyang sixth sense o pandama.

Kung minsan pa, ay sa tuwing pupunta siya sa pantry kada mag aalas dyis ng gabi ay madalas sinasanggi ng mga ito ang kanyang baunan ng tubig at makaririnig sya ng mabilis na yabag ng mga paa palabas ng pinto. Maka ilang ulit na itong nangyayari sa kanya kaya batid niyang alam na alam na niya ang kakaibang bagay na ito.

Ayon naman sa karanasan ni Aubrey na isa ring manager ng kabilang team. Sa pambabaeng CR naman sa aming palapag ay madalas may naririnig silang iyak ng isang babae na laging naroroon sa pinkadulo ng cubicle. Saksi naman maging ang ibang mga babae sa opisina. Kaya naman madalas ay sabay sabay din sila kung mag CR o kung minsan ay naghihintayan pa ang mga ito. Sa Cr naman ng panlalaki ay madalas kusang nagbubukas ang dalawang gripo sa lababo sa tapat ng salamin.

Natatandaan kong minsan na rin kaming pinatawag sa isang meeting dahil sa isang pangyayare sa training room. Nadatnan kasi itong halos gulo gulo ang lahat ng kagamitan. Magmula sa mga computer, nakatumbang mga upuan at lamesa. Bumagsak din ang aming tarpolin na ginagamit sa projector.

Madalas kasing ako at si Agot lang maaga sa aming opisina tuwing first shift kung kaya’t kami ang napagbintangan sa bagay na ito.

Ngunit bago pa man kami ipatawag ay na ipa check napala ng aming manager and CCTV. (Confidential kasi ang aming files kung kayat dapat lamang na may icheck ditu kung sakali na may magtangkang nakawin o magpuslit ng impormasyon mula sa opisina).

Mag aalas tres na nang hapon ng ipakita sa aming team ang footage ng cctv. Nakakagulat man pero ito ang aming nadiskubre:

Kitang kita sa cctv na ang mga bagay sa loob ng silid na iyon ay talagang gumagalaw at nahahagis sa sahig. Ngunit sa pagakakataon ito ay walang nakita na sinu mang tao o nilalang. Halos nagtataka pa ang lahat sapagkat imposible itong magawa at hindi makita sa cctv. Kung hangin man ang may gawa ay nakapa imposible rin dahil maging ang mabibigat na bagay ay nagsisipagbagsakan na animo’y nagwawala sa loob ng silid.

Sa ika labing apat na segundo ng kuha nito ay tumambad sa aking mga mata ang hugis ng dalawang bata na wari mong nagkakasiyahan sa loob ng aming training room. Ang isa dito ay nasa edad walo habang ang isa naman ay nasa edad labing isa hanggang labing tatlo na.

Malinaw sa akin na napakadaling nabuhat ng mga batang iyon ang lamesa at itinumba ito ng pagkadali dali.

oh at least wala naman pala sa inyo Nilo at Agot ang may kasalanan pabirong wika ni Debi.

Na nung mga sandaling iyon ay nabalot ang lahat ng tension at pagtataka.

Ms. Debi mga bata naman pala ang salarin” seryosong bigkas ni Roks.

Nagulat ako sapagkat marahil ay nakita nya rin ito sa kuha ng cctv. Sa kanyang pagsagot ay nabigla ang lahat. Ngunit bago pa man magkatakutan ay naunahan na kami ni Debi.

Oh sya sya sige na balik trabaho na kayo at nang makarami tayo, ok?” Pautos na sagot nito.

Naalala kong di ko pa nga pala lubos na nakikilala itong si ate roks. Ni hindi ko rin kasi ito nakakasabay halos ng shift kahit na mag pipitong buwan na ko sa trabaho. Pero sa pagkakataong ito ay sabay na kami kaya kung sakali ay matatanong ko sya sa kanyang nakita.

Matapos ang meeting nagpasya akong lumabas para makabili ng makakain sa canteen. Sa aking paglabas ay nakasalubong kong muli si Mariel.

oh Nilo! Kamusta ka na? long time no see?” bungad niya.

Eto ayos naman gaya pa rin ng dati.

Naalala ko tuloy ang kanyang huling text nung sya ay magpunta sa aking bahay tungkol sa taong ipapakilala nya sa akin na makakatulong sa sitwasyon ko.

sya nga pala mariel…” hindi pa ko tapos sa aking pagsasalita ng bumukas ang access door na nasa aking likuran.

Roks! – Bati ni Mariel.

(huh? Magkakilala sila?)

Nilo naalala mo ung taong ipapakilala ko sayo? Eto sya si Roks. It’s a small world! nalaman ko kasing pareho lang kayo ng departamento kaya minabuti ko nang punatahan ka dito para ipakilala sya sayo. – ani ni Mariel.

Nice to meet you Nilo, aha ikaw pa la ung ipapakilala sa akin ni Mariel?”- wika ni Roks.

Ah O- opo ate Roks ,- Nahihiyang sagot ko.

Oh pano Roks ikaw na bahala sa kaibigan ko ha alam kong alam mona kung ano ang sadya namin. - mahinang wika ni Mariel.

 

Tuluyan nang umalis si Mariel. Gayunpaman ay nakapagpakilala na rin ako kay ate Roks. Okay na at least may kakilala na rin ako na mas makakaintindi sa aking abilidad.

Patungo na ako ng canteen nang sumabay sya sakin at nagtanong.

 

Sya nga pala nakita mo ba ung diablo sa CCTV?

 

WaAAaaAAHHHHH !!!
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy....

Lumang Pabrika (Completed)Where stories live. Discover now