2: Names

196 7 0
                                    

“ Next.” Wika noong cashier nang matapos ako.

Tangina, big time kaso mattitude.

Pagkalabas ko, sumunod lumabas iyong mag ina. Natigil ako kasi may tumawag saakin.

“ Dave.” Sabay kong tiningnan kung sino iyon. Si Eman pala. Pero napansin ko iyong tingin noong crush ko saakin. Tinawanan niya iyong pangalan ko.

Gago. Mas mabaho pangalan niya.

Daryle Venice.

Dave outside. Venice inside.

Siya nga Antonio.

“ Crush mo? ” Tanong ni Eman.

“ Ano? Hindi ah. ” I refused. Observant tong si Eman. Matalino, kaya nga siya iyong sumunod sa rank ko.

“ Kanina kapa nakatitig. Bye.” Tiningnan ko lang siya. Agad rin naman kasi siyang umalis.

Lintek nayan. Hindi naman talaga ako naturn off sa kaniya kahapon.

Okay, ako na ang may kasalanan!

Gusto kong istalkin iyong facebook niya kung meron pero paano? Kababasag palang noong cellphone ko.

Dumaan ako sa Cellphone Repair shop. Pinakiusap ko na kung pwede bukas ko agad makuha iyong cellphone ko. Pumayag naman siya kasi ako lang ang customer niya pero napalunok ako dahil sa singil niya saakin!

Mas mabuti pang bumili ng bago! Pero dahil sentimental iyon, pumayag ako.

Peste. Apat na libo ba naman.

Papasakay na sana ako ng makita kong wala na akong ka pera pera.

Dinown payment ko nga pala iyong isang daan kanina. Wala sa isip kong iyon nalang pala ang pera ko.

Bwisit na buhay to.

Pinili kong maglakad pero dahil sa dami ng dala ko, madali akong napagod. Baka mawalan ako ng malay habang pauwi. Napakainit pa naman ng panahon.

Biglang may tumigil na kotse sa harap ko.

Matagal itong tumigil bago bumaba ang isang babae.

Ano to? Tulong pauwi o kikidnapin ako?

“ You bitch! ” Sabi niya sabay sampal saakin.

“ Ay pota.” Sabi ko saka binitawan iyong dala ko.

Baliw ba to? Bigla bigla nalang nananapak. Tangina niya. Sapakin ko to ng 360 degree.

“ I saw you with Kalix. Tangina, maganda ka pero mas lamang naman ako sayo.”

Attitude.

Tangina ka Kuya. Kahit itong babae mo.

“ Tangina mo rin.” Sabi ko at binitbit iyong mga pinamili ko. But she grab my hair.

“ Dahil sayo nasira relasyon namin. How could you seduce him na alam mo namang may girlfriend iyong tao? Are you slut? ” Sabi niya habang hawak parin iyong buhok ko.

“ I'm not.” Sabi ko at umikot nakita ko iyong pag aray niya na parang nabalian siya.

“ Akala ko ba kakausapin mo? You're making a scene here! ” Nakita kong lumabas iyong lalaki. Laking gulat ko nang makita ko kung sino iyon.

“ May boyfriend ka pala, pero naghahabol kapa.” Sabi ko. Akala mo naman santo.

“ Fuck.” Sabi noong babae habang hinila siya papaloob sa kotse.

Nasaktan ako doon sa sampal niya. Pero mas masakit yung makita silang magkasama.

Girlfriend pala niya iyon? Parehong attitude. Bago umalis iyong kotse ay bumukas iyong bintana. He's looking at me and saying.

Only Those Memories (Sakristan Series#1)Where stories live. Discover now