Pwede pala yon? Kahit walang label pwedeng masaktan. At iyon ang ipinaramdam saakin ni Nio.
Gusto kong isipin na hindi niya sinasadya iyon. Pero paano kung iyon na nga, harap harapan niyang sinabi na hindi ako iyong type niya. Kahit sinong babae yata ay masasaktan sa sinabi niyang iyon. Kahit hindi siya gusto.
Walang gana akong bumangon sa higaan. Ngayon iyong binyagan. Excited na ako para makita si Nia, pero nawawala iyon sa pangambang makita ko si Nio. Lintik na pangalan. Parang pakiramdam ko, hindi lang saakin isinunod ang pangalan ng anak ni Tita Glenda. Maski kay Nio rin.
Naligo na ako at kumain. Pagkatapos noong ay tinuyo ko iyong buhok ko at nagbihis. Itinali ko ng mataas iyong buhok ko at kinulot iyong sa bandang ibaba.
“ Oh? I thought you're going to a Christening occassion? It was fashion show pala.” Sabi saakin ni Kuya.
“ Formal kasi isuot mo, binyagan iyon. Tingnan mo naman iyang suot mo, fit na fit hindi porket may hugis ka, ipangangalandakan mo na.” Sabi ni Ate.
“ Oh.” Abot saakin ni Alina noong longsleeve polo shirt niya na parang isa akong professional na engineer. Kulang nalang ay iyong cap.
Kinuha ko iyon dahil sa totoo mas komportable ako doon.
“ See? Isip rin minsan.” Sabi pa ni Ate. Sige, siya na matalino.
“ Oo na. Salamat.” Sabi ko at lumayas.
Maraming tao. Hindi pala nila pina set na private iyong binyagan. Panglahatan pala.
Mas marami, mas masaya. Chos.
“ Oh, Venice you look pretty. ” Sabi saakin ni Tita Glenda ng makita niya ako.
“ Say Hi to Ninang, baby.” Lambing niya sa bata na para bang marunong na itong magsalita.
“ Nia! Why so cute! ” Sabi ko at pinisil iyong pisngi niya.
She look so cute in her white baby gown. Sigurado kapag laki nito ni Nia, maganda ito. Mana mana lang sa Ninang.
Nagsimula na iyong misa. Iyong bawat magulang ay may hawak na maliit na coupon bond dahil doon nakalagay iyong mga pangalan ng mga bata na babasahin ni Father mamaya.
“ Venice,”
“ Po—” Bigla kong tinakpan iyong bibig ko. Akala ko ako iyong tinatawag. Para walang makahalata, nakisabay nalang ako sa kanila habang nag sign of the cross.
Pero nakita ko si Nio na umiling iling saakin.
Hindi ko napansin na siya pala iyong nasa gilid ni Father!
Narinig niya kaya iyon?
Binalik ko iyong atensyon ko kay Nia. Natutulog siya habang inilagay iyong belo niya sa basang ulo.
“ Welcome to the Christian World, Nia.” sabi ni Tita Glenda sa anak.
Pagkatapos ay papalabas na kami. Nahuli narin ako dahil sa sobrang tao.
“ Hey, ” Nilingon ko kung sino iyong tumawag, nakita ko si Nio na naka suot nalang ng puting T shirt at slacks na itim. Inalis niya na ata iyong sutana niya. He look so gwapo. Pero ibinalik ko iyong tingin ko sa harap. At nagpatuloy sa paglalakad.
“ Ven.” Tawag niya saakin. Pero hindi ko siya nilingon.
Mas lalo kong minadali iyong paglalakad ko. Isinarado ko rin iyong bag ko dahil baka tumilapon iyong cellphone ko na pinakuha ko palang kay Kuya sa shop noong isa.
“ Ven.” Hinawakan niya iyong kamay ko. Kahit nagtatampo ako, hindi ko parin mapigilan iyong sarili ko.
“ Are you mad? ” Tanong niya saakin.
YOU ARE READING
Only Those Memories (Sakristan Series#1)
No FicciónEverything was fine. Not until Nio, enter the world far away from Venice. This story is about fate and acceptance. |One of the happiest moment in life is to loved and beloved. Iyon ang naramdaman ni Venice, nang malaman na gusto rin siya ng taong ma...