7: Nio

79 4 0
                                    

Gumising ako nang puro puti iyong sumalubong saakin.

I am in the hospital?

No.

Inilibot ko iyong paningin ko. Wala ako sa hospital. Nasa kwarto ako.

Basin with water. Towel.

Hot compress.

Naka handa narin iyon soup na para saakin, ata.

Hindi ko sigurado kung nasaan ako, pero pakiramdam ko, nasa puder ako ni  Nio.

Someone open the door. Akala ko si Nio iyon, pero si Niana pala.

“ Venice, galawin mo na iyang soup. You need to eat.” Sabi niya saakin. Agad naman akong bumangon.

“ Salamat nalang, Niana. Pero kailangan ako ni Ate.” Sabi ko at kuha iyong  pinamili ko.

Kailangan ko nang umalis, iniwan ko si Ate doon, kahit anong oras ay pwede na siyang gumising.

“ Galing ako sa kay Yazra, nandoon si Kalix nang iniwan ko siya. ” Sabi niya saakin na pinipigilan akong umalis.

Buti pa itong dalawang ito, parang nagkakamabutihan.

“ Ngayon ko lang nalaman na nasa hospital pala si Yazra. Pero Venice, take care of your self also. Mas mahirap kung dalawa kayong nasa hospital.” Sabi niya sabay abot saakin noong soup na para bang pinipilit niya akong kumain. Nakatitig lang ako doon.

Bumukas ulit iyong pinto at nandoon iyong Mama ni Nio.

“ Eat that, hija. Ako nagluto niyan.” Dalawa na silang nagpilit saakin kaya wala akong nagawa kundi tanggapin iyon.

“ You look pale on the last few days. Anlaki ng pinagbago mo simula noong makita kita.” Tahimik lang akong kumakain. Sa totoo, hiyang hiya ako dahil para silang mga doktor na siyang nag aalaga saakin.

Inabutan pa nila ako ng tubig pagkatapos kong kumain.

“ Are you okay now? ” Tanong nipa saakin. Tumango ako.

“ Salamat po talaga, pero kailangan ko na pong umalis. My siblings need me there.” Tumango sila at ngumiti.

“ When you need help, we're here always.” Ngumiti ako sa kanila.

“ Tell Kalix also. Lagi akong nandito.” Mas lalo akong ngumiti ng marinig iyon. Kahit papaano, magaan rin ang pakiramdam ko dito kay Niana.

Siya ata iyong manok ko.

“ Ipapahatid ka namin.”

Pagsakay ko sa kotse nila, laking pasalamat ko dahil hindi si Nio ang maghahatid saakin.

Kahit siya pa iyong umalalay saakin kanina, kailangan ko parin siyang iwasan. Ako lang din naman iyong nasasaktan, sa bawat galaw niya, umaasa ako. Gusto kong pigilan iyong sarili ko, pero hindi.

They wave their hands noong makaalis na ako. I smiled at them. Napalapit rin ako sa pamilya ni Nio sa kaunting panahon.

Nakatingin ako sa side mirror ng mapansing kanina pa sumusunod saamin iyong kotseng itim.

“ Kuya? Napapansin niyo po ba iyong kotse na nakasunod saatin? ” Tanong ko. Kinakabahan ako dahil baka kapahamakan iyon. Pero ng makita kong ngumiti si Kuya, napakunot noo ako.

“ Kuya? ” Inulit ko iyong pagtatanong at sineryoso ito.

“ Ma'am, si Sir Antonio po iyon. ” Natigilan ako.

“ Bakit naman siya magsasayang ng Gas? ” Sabi ko kay Kuya na may kasamang pag irap.

Naiinis ako. Hindi kay Nio kundi sa sarili ko!

Only Those Memories (Sakristan Series#1)Where stories live. Discover now