6: Tears

70 3 0
                                    

Hindi ko gusto mag assume. Hindi ko nga alam kung sino ba saamin ni Nia ang sinasabihan niya.

Bakit ba kasi nagandahan masiyado sa pangalan ko si Tita Glenda.

Pero kahit ganoon, ansaya nitong puso ko. Nagdidiwang kung baga.

Nakaupo lang ako habang nakatitig kila Nio sa malayo habang hawak si Nia.

He love kids. Nakakataba ng puso.

Perfect package ka Nio, ano? Pero anggulo mo kausap. Mahirap ka intindihin.

“ Aalis na kayo? ” Tanong ni Tita.

“ Paunahin ko na si Venice, Tita.” Tumayo ako at inis na pumasok sa Van. Nakakainis lang dahil ako iyong pinauna niya.

Pero ayos narin at hindi kami magkasabay.

Ilang minuto ng ang lumipas pero hindi pa umaalis iyong Van. Bumaba ulit ako para silipin si Tita. At naabutan ko siya, kausap si Nio.

“ I'm sorry, Nio. Pero sumabay kana kay Venice, ha? ”

What?

“ Okay lang, Tita. Thank you po.” Sabi niya kay Tita at hinalikan muna si Nia.

“ Bye, baby girl. Kuya Anthony will miss you a lot.” sabi niya bago ibalik ito sa crib. Gusto ko man mag paalam kay Nia pero pinili ko na mauna na sa Van at doon nalang maghintay. Doon narin ako umupo sa unahan para kung may katabi man ako, si Kuya Driver iyon.

Tahimik kaming nagbiyahe. Hanggang sa huminto kami sa isang bahay, at nakita kong doon na baba si  Nio.

May parte saakin na gusto kong humiling na huwag muna, pero kailangan ko siyang iwasan. Sa bawat oras kasi na kasama ko siya, nagugulo iyong takbo ng puso at isip ko.

“ Salamat, Manong.” Sabi niya habang sinarado iyong pintuan.

Binuksan ko iyong bintana habang nakatalikod siya, pero laking gulat ko ng lingunin niya ako.

He smiled at me! And nod for saying thank you.

I smiled at him back. Baka sabihin niyang galit ako kung hindi ko ibalik iyong mga ngiti at paalam niya.

Isinarado ko muli iyong bintana, pero muli kong nilingon iyong mansyon nila.

Nio.

“ Thanks, Manong! Sa uulitin po.” Sabi ko kay Kuya ng maihatid niya na ako sa bahay namin. Nakita ko iyong dalawa, nakatingin saakin sa may bintana.

Habang pagpasok ko, nakita ko si Kuya as usual nasa harap ng monitor.

“ Oy, pasalubong.” Sabi ni Alina.

“ Sanaol, nag overnight. With crush.” Nanlaki iyong mata ko. Natigil sa ginagawa si Kuya maging si Alina.

“ Ano? May kasama kang natulog? ” Sabi ni Kuya.

“ What? Did you just—” Pinutol ko iyong sasabihin ni Alina. Maging iyong reaksyon nilang OA.

“ No. Mga bastos iyang iniisip ninyo. We're not Kuya. Separated kami. At ikaw, Alina, matuto kang magkontrol.” Sabi ko at pumasok sa kwarto.

Kinuha ko iyong cellphone ko at nagonline.

From: Nio

Are you trying to get rid of me? I can't talk to you kanina dahil sa bawat paglapit ko, umiiwas ka.

I read his message.

Are you trying to paasahin me? I can't guess kung ano ba kasi iyong totoo. Sa bawat tanong ko, indenial ka.

Only Those Memories (Sakristan Series#1)Where stories live. Discover now