5: Liptalk

85 3 0
                                    

Gabi na pero hindi parin tapos iyong selebrasyon. Ang naiba lang ay may mga nag iinuman na ngayon.

But I don't drink alcoholic beverages.

“ Did you? ” Tanong saakin ni Nio.
Umiling iling ako.

“ Wala akong bisyo.” Paliwanag ko sa kaniya. He smiled at me and nod.

“ Tubig lang.” Saka ibinigay saakin noong isang pinsan ko iyong baso.

Bigla ko iyong niluwa.

Gin ang gago.

“ Ano yun? ” Tanong ni Nio saakin.

“ Gin.” sabi ko habang pinupunasan ang bibig ko.

“ Pasensya na Venice, lasing na si pinsan mo.” Sabi saakin. Hindi na ako nakasagot ng hilain ako ni Nio.

“ Venice. ” Saway niya saakin.

“ Nio? That's my friend. ” Paliwanag ko sa kaniya.

“ Be careful Ven. Walang sinasanto ang alak.” Sabi niya saakin. Dahan dahan ko siyang tiningnan sa mata, nauunawaan ko siya.

“ I know to handle my own. Thanks for the concern.” Sabi ko sa kaniya at umupo.

“ Hindi ka pa ba hahanapin ng Mama mo? Gabi na, oh.” Sabi ko sa kaniya. Umiling naman siya.

“ Nagpaalam ako na baka gabihin ako umuwi.”

“ Maaga ka pa bukas na magseserve. Dapat matulog kana.” Every week days kasi, may misa. Alas kwatro hanggang ala singko ng umaga. Kasama si Nio sa mga nagseserve pag ganoong araw.

“ Hapon ako bukas. Gusto mo na ba akong umuwi? ” Tanong niya saakin.

Umiling ako. Magsasalita sana ako ng biglang kumirot iyong kanang braso ko.

May tumusok saakin!

“ Tarantado ka, Bryan! ” Nilingon ko iyong mag pipinsan sa likod. Gulat ako ng makita iyong hawak nilang syringe. Mga lasing na sila kaya tumakbo sila habang natawa tawa. Nakita ko si Nio, masama ang tingin doon sa tatlo.

Nang tingnan niya ako, nakita ko kung gaano siya nag aalala saakin.

“ What is that? That syringe is dangerous, Venice.” Sabi niya at lumapit saakin.

Nanlalabo iyong paningin ko kaya binalot ako ng takot.

Tangina, ano iyong tinurok nila saakin?

“ Venice! ” Sabi ni Nio habang inaalalayan ako. Gusto nang bumagsak ng talukap ng mata ko.

The hell. Fuck that cousins!

“ Uuwi nako, Nio.” I take my one last step then everything went blank.






Nagising ako ng marinig ang sunod sunod na tawag nila Kuya.

You missed a call from Kuya Kalix.(12)

You missed a call from Alina.(20)

You missed a call from Ate Yazra.(8)

You missed a call from Mama.(15)

Nang ilibot ko iyong paningin ko ay napagtanto kong nasa bahay ako nila Tita Glenda! Inalala ko iyong nangyari kagabi kung bakit wala ako sa bahay.

Nasa taas ako ng kama, at nang baba na sana ako, nakita ko sa sahig na may banig si Nio. Mahimbing na natutulog.

Sandali akong natigilan. Sandaling nagising sa katotohanan.

Nio's here. Hindi rin siya umuwi.

Dahil saakin.

Only Those Memories (Sakristan Series#1)Where stories live. Discover now