Chapter 23: Bakit May nagbago?

290 13 2
                                    


Cath's P.O.V

"Cath, Wag kang magpahalata alam ko namang pagod kana, Masasaktan ka lang, i know mahirap, Pero Mas mahihirapan ka kung patuloy mong sinusunod ang puso mo,Try mong maging masaya Kahit Wala na sya. Alam mo yun? Wag mong ipakitang Apektado ka,tingnan mo, Mababaliw yun, Why? Kase, di ka affected, Ma fe-feel nya kung ano ba talagang rason mo kung bakit mo sya hiniwalayan, na parang gusto mo na talagang malayo sa kanya, Kaya SMILE na. CHIN-UP. LAUGH." Nakangiting advice sa'kin ni violet

Salamat ligtas sya at andito pa sya sa may tabi namin ni celestria.

"Alam ko naman pero parang nagsi— hindi... hindi ko pinagsisisihan lahat ng sinabi ko" pagsisinungaling ko

"Grabi ka cath... Hindi ko talaga maisip na ginawa mo yon. Ano ba talaga kasing totoong nangyari? Parang kahapon lang ang saya-saya nyo ah?" Sabi ni celestria

Di naman ako naka sagot sa tanong ni tria.

Hindi ko masabi ang totoo sa kanila dahil may mapapahamak,kaya gagawin ko to hanggat kaya ko.

Napatingin nalang ako ng mariin kay violet na Kitang-kita sa muka nyang nag tatanong kung anong isasagot ko sa tanong ni tria.

"Ano na? Cath ba't parang natigilan ka?" Saad ni violet

"T-tara na baka mahuli pako sa office ko may importanteng bagay pa naman akong aayusin dun." pag-iiba ko at tumayo na sa kinauupuan namin, dito kasi kami nag lunch sa fav naming resto.

"Ayt... Ou nga pala yung mga inihahanda kong design na iwan kong nakakalat sa office ko." Nag mamadaling kinuha ni violet ang bag nya. "Bye cath, bye tria!" Sigaw nya samin habang tumatakbo

"Ako din pala cath male-late nako bye na rin ah... Ingat!" Paalam ni tria, tumango at pilit na ngiti naman ako.

Mag-isa nalang akong naglakad palabas ng resto.
Mula ngayon kakailanganin ko ng masanay na wala sya sa tabi ko.

Walang grey na aalala sa'kin kapag oras na at di pa ko umuuwi. Wala ng grey na hatid sundo ako pauwi at papasok sa trabaho...wala ng grey na pro-protektahan ako kung sakaling malagay ako sa kapahamakan.... At wala naring grey ang yayakap sa'kin habang ang tamis ng kanyang halik ay hindi ko na kailanman malalasap dahil wala ng grey na minahal ko at mahal parin ako.

Sa tingin ko ba na sa mga ginawa kong 'yon ay papansinin nya pa 'ko? I guess na hindi na, dahil sobra ko talaga winasak ang puso nya.

Sana wala nalang katulad ni marga na humahadlang sa buhay namin ni grey, sana hindi ka nalang namin nakilala kung ganto rin lang pala ang ihahatid mo sa'min.... Hindi ko alam talaga kung bakit nakakayanan mong sumira ng isang relasyon,relasyon na panghabang buhay na hindi kailanman nawawaglit at hindi kailanman nasira, tanging sa'yo lang talaga marga.... Sa'yo lang.

Naramdaman ko ang mainit na likidong dumadaloy sa mata ko pababa sa pisngi ko.

Hindi ko pala alam na nasa may field ako ngayon at nakaupo sa isang upuan na may sandalan.

Wala nakong pakialam kung ma-late ako sa trabaho,wala din akong pakialam kung may mga taong tinititigan nako dahil sa paghagulgol ko at wala rin akong pakialam kung pinagbubulungan na nila ko patungkol sa walang kwentang usap-usapan na 'yan.

Nakayuko lang ako at naka tingin sa mga paa ko nang may tumabi saakin at inabutan ako ng panyo.

Tinitigan ko lang ang panyo at tumingala ng tingin. Nakita ko ang isang taong hindi ko ka kilala.

"Ms? Here.." turo nya gamit ang nguso sa panyong hawak nya. Kinuwa ko ito

"T-thanks"

"Sorry ms. Ah, di naman sa nanghihimasok ako, pwedi bang mag tanong kung bakit ka mag-isa dito at.... At... Bakit ka umiiyak?" Nakakunot noong tanong nya

Rich Guy, Fell inlove with a poor girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon