Chapter 1🖤

11 2 0
                                    

KRYSTAL  POV

"May bago ka na?" - prangkang tanong ko sa gagong boyfriend ko. Nandito lang naman ako sa bahay niya. Pinuntahan ko pa talaga siya. T*ng*n* kasi makikipagbreak nalang sa chat pa. First boyfriend ko pa naman huta!!

"Wala"- mahinahong sagot niya

"Sino?" - tanong ko ulit. Asa naman sya na maniwala ako na wala syang bago. Gago! Don't me! Babae ako. Ramdam ko at hindi ako tanga.

"Wala nga!"- pero di sya natingin sakin. Di niya kaya kasi nga may bago sya! Inaka!

"Eh ano lang? Di mo na ko mahal ganon?" - pinipilit ko na wag umiyak sa harap niya. Pinipilit kong maging matapang sa harap niya. At umaasa ako na kabaliktaran ng nasa isip ko ang isasagot niya. Umaasa ko na panaginip lang to lahat. Sobrang sakit ng nararamdaman ko P*T*NG*N*!

"Hindi ganon krys"- nakatungo pa din sya tas napahawak sa batok niya. Kinginaaaa! Tinitignan ko din sya medyo namumula mata niya. Tang ina bawiin mo na kase yung sinabe mo sa chat!

"Hindi mo na ko mahal?"- medyo napapataas na yung boses ko at nagcrack na din dahil sa malapit na pagbagsak ng luha ko.

Lumapit sya sakin at pilit ako na niyayakap. Wala na kong nagawa. Bumagsak na ang luha kong iniingatan na wag niyang makita. Hindi ko alam pero parang ayoko sya hawakan pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa pagkakayapos sakin. Patuloy ako sa pag iyak.
Ito ang unang beses na humagulgol ako sa isang tao at dahil sa isang tao. Sobrang saket! Wala akong narinig na sagot pero sa pagyakap niya sakin parang alam ko na yung sagot.

"Di mo na nga ko mahal?" - pinilit ko pa din tatagan loob ko umaasa pa din kasi ako.

"Krys nawawala krys!"- at doon tumalikod sya sakin

Tangina! Kahit yun palang lumalabas sa bibig niya alam ko na! Pero hindi.. baka pwede pa..

"Anong nawawala!?" - patuloy pa din sa pag agos ang luha ko pero darecho lang akong nakatingin sakanya. Humarap sya sakin at umupo sa tabi ko pinunasan niya ang luha ko.

"Sorry. Nawawala na eh. Di na katulad ng dati. Mahal kita krys pero hindi na katulad ng dati"- Seryoso niyang sabi wala kong ibang nakitang emosyon sa mukha niya kundi lungkot lang.

Napahagulgol nalang ako. Hanggang dito nalang ba talaga? Pilit niya kong niyayakap pero di ko talaga kaya. Gusto kong makaalis sa yakap niya at saktan sya pero di ko magawa. Sobrang sakit! Ganito ba talaga yon? Iyak lang ako ng iyak ng bigla syang magsalita

"Hindi. Hindi. Walang magbebreak"-lalo lang akong napahagulgol ng iyak. Kung akala niya gagaan ang loob ko dahil sa sinabi niya na yon lalo lang akong nasaktan. Ginagago niya ba talaga ko? Pinaglalaruan niya ko. Buong lakas ko syang tinulak para bitawan niya ko sa pagkakayakap niya. Tinitigan ko sya habang patuloy sa pagpatak ang luha ko.

"Ayaw mo na diba?" Matapang na sabi ko.

"Pero ayoko makita kang ganyan. Ayaw kitang masaktan"

"Tangina Jiro napaiyak mo na ko oh! Nasaktan mo na ko! Ipagpatuloy mo nalang. Pinagmumukha mo lang lalo akong tanga niyan" -gigil na sabi ko

"Kala ko iba ka. Mahal kita Jiro pero sige kung yan ang gusto mo break na tayo" -sabay punas ko ng luha ko. At labas ng kwarto niya.

Narinig ko pa na tinawag niya ko. Hindi na ko nagsayang ng minuto para lumingon pa kase ayoko naman na magmukhang tanga. Sa pagbaba ko ng hagdan nakasalubong ko ang mama ni Jiro

"Oh iha! Uwi ka na? Teka anong nangyare? Inaway ka nanaman ba ni Jiro?" - agad ako na umiling. At madaling nagbless sakanya.

"Sige po tita una na po ako. Maraming salamat po" - marami pa sana kong gustong ipasalamat kay tita kaso wag nalang dahil naiiyak nanaman ako. Tita yung anak mo di na ko mahal </3

A/N:
sorry po sa badwords. Nasasaktan lang talaga ang ating bida huhubells. Tbh, naiiyak ako nung ginawa ko tong first chapter na to. Ewan ko ba HAHHA madrama lang ata talaga ako HAHAHHA anyway, comment naman kayo jaaannn hehez. Ano pong masasabi niyo sa 1st chap? And kung May gusto po magpadedicate sa 2nd chap comment lang din Pooo🤗🖤
At temporary lang po ang cover Netong story na to, kawawa ih  HAHAHA kapag nagkatime makapag edit gagawa ulit ako😂 cheer me upppp🤭 thanks po! Takecare everyone. Lovelove🖤

Love Is Hurt. (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon