Chapter 3🖤

9 1 0
                                    

KRYSTAL POV

*HappinessKooo<3*
Goodmorning krys. Sorry. Kasalanan ko naman lahat to eh. Sorry ha. I hope someday maging okay ka na. Wag ka nang iiyak ha. Hindi mo dapat iniiyakan ang katulad kong lalaki. Hindi ako para sayo eh. Mag iingat ka palagi ha. Atsaka yung palagi kong bilin sayo tatandaan mo yon. Lalo na at hindi na ako yung boyfriend mo. Ayoko ng nakikita kang nasasaktan pa kaya nakipagbreak ako. Mahal naman kita eh, hindi na nga lang katulad ng dati. Bilang kaibigan nalang siguro tong nararamdaman ko para sayo. I'm sorry.

Sobrang saket! Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ang bait mo pa den? Pwede bang makahanap ng isa pang ikaw? Di ko na yata kaya magmahal ulit kung hindi ikaw jiro. Sobrang sakit mo mahalin. Sobra.
Kahit kelan ang bait bait mo sakin. Naging mabuti kang boyfriend ko. Alam ko na meron kang iba ayaw mo lang sabihin kase nga tulad ng sinabe mo ayaw mo kong nakikitang nasasaktan. Naiintindihan ko naman kung ayaw mo na sakin. Kaso yung puso ko ayaw pa eh. Ikaw pa rin mahal ko. Wala na kong maisip na ibang gawin sa ngayon kundi alalahanin lang yung masaya pa tayo. Kahit ang sakit sakit! Hahayaan ko nalang muna siguro ang sarili ko na mahalin ka, magsasawa din siguro to hanggang sa sumuko nalang akong mahalin ka.

"Krys? Hey? Umiiyak ka nanaman"- at pinunasan ni Jiji ang mga luha ko at niyakap ako. "Stop crying naaa, andito lang ako okaaayy? Iloveyouu"- niyakap ko nalang din sya. Habang pumapatak pa din ang luha ko. Leche! Bakit ba hindi nauubos tooo!

*Tok tok*

Tumayo naman si jiji para buksan ang pinto at pinilit kong ayusin ang sarili ko. Nagpupunas punas ako ng luha na kahit anong gawin ko eh panay ang tulo pa din. Stop na self! Baka makita ka pa ni tita nakakahiyaaa!

"HAYOP NA JIRO TALAGA YAAANN!"- nagulat naman ako sa malakas na boses na pumasok ng kwarto.

"GUSTO MO SUNTUKIN KO SA HARAP MO YON!? GAGO SYA AH! T*NG *NA NIYA!! WAG SYA MAGPAPAKITA SAKIN!" - si keni pala yung isa kong kaibigan. Gago talaga bunganga neto parang laging nakalunok ng microphone. Napakasiga pa lage. Ay nakooo. Napangiti nalang ako ng masakit dahil sa pinagsasabi niya. Galit na galit sya. Napaka OA talaga kahit kelan HHAHAHA

"easy keni mauuna ko manapak please? Gaga ang aga aga mo sinisira mo moment ko"- medyo natatawa kong sabi. Para na siguro kong baliw ngayon HAHAHA

Sa totoo lang mas gumaan pakiramdam ko ngayon. Kase dalawa na silang andito. Napaka swerte ko sakanila. Kung wala silang dalawa di ko na alam sa sarili ko kung buhay pa ba ko HAHAHA

"Payakap nga sa dalawang bestfriend ko!" Sabi ko sakanila habang nakataas ang dalawang kamay ko. Agad naman silang lumapit at niyakap ako. At si ako syempre naiyak nanaman HAHA

"Mahal ko pa din eh" - sabi ko habang magkakayakap kame.

Bumitaw naman si keni at binatukan ako ng very light.

"Gaga ka talaga! Kalimutan mo na sya! Di naman sya ganon kagwapo no! Tsk! Palitan mo na sya krys. Dame dame jan eh." Sabay upo niya sa sofa sa harap ng kama ni Jiji

"Wow naman! Hindi sya ganon kadali palitan no!? Atsaka first boyfriend ko sya. At kung magkakaboyfriend ako gusto ko sya pa din" - wala eh. Martir ako hehe.

"Nako! Di ko na alam sayo gaga ka! So ge bahala ka masaktan jan! Halika na Jiji bumaba na tayo at kumain na. Inaantay na din siguro tayo ng mommy mo"- at nauna nang lumabas si keni

"Ay nako! Tara na krys hayaan mo na yon si keni. Ayaw lang non masaktan ka pa. Alika na baka maging dragon pa yon si keni HAHAHA"- jiji, tumango nalang ako sakanya. At sabay na kaming lumabas ng kwarto.

Love Is Hurt. (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon