Krystal POV
Hys. No choice dahil sa kadaldalan ng dalawang to. Nakwento na nila kay tita ang nangyare sakin. At ako naman tahimik lang na nakikinig sa kanila habang pumapatak ang luha ko ng kusa at agad agad ko itong pinupunasan para di nila mapansin.
"Myghaaddd krikri! Gusto ko ma-meet yang guy na yan. Pero eto lang anak ha. Lahat naman tayo pagdadaanan ang ganyan. Talagang masakit yung halos di mo alam kung paano tatakbo ang buong araw mo kapag wala sya sa buhay mo. But you need to be strong. Kailangan mo kayanin, lahat naman ng bagay na nangyayare may dahilan. Someday yang katangahan mo tatawanan mo nalang. Kaya ngayon krikri anak, tulungan mo ang sarili mo mahirap sa una pero masasanay ka ulit na wala na sya sa buhay mo. Move on! Andito naman kami tutulungan ka namin" -mahabang payo ni tita, at dun ko lalo hindi napigilan ang luha ko. Sabay na pumalakpak naman ang dalawa kong kaibigan hysss..
...
"Oh saan niyo una gusto pumunta?" -tanong samin ni tita pagkasakay namen ng kotse.
Pagkatapos kasi namin kumain kanina pinagpahinga lang kami ng konti ni tita at pinaligo na gagala daw kami. Eto namang dalawa excited na excited kala naman talagang first time gagala. Buti na nga lang din May naiwan akong damit at pantalon sa bahay nila Jiji.
"Mommy ipagshopping mo naman kame! Wala na kong damit eh, saka shoes and make ups"- salita ni Jiji na parang tropa niya lang kausap niya. Haynako kang babae kaaa!
"Oh sure anak!" Tuwang tuwa naman si tita, tuwang tuwa pa sya eh malalagasan na sya ng pera mamaya.
MALL...
"Oh kapag May gusto kayo magsabi lang kayo girls ah, akong bahala treat ko. Rest room lang ako girls" with sweet smile pa yan.
At nagdarecho na si tita sa nadaanan naming restroom.
"Oh girls narinig niyo sinabi ni mommy ah, treat niya kaya naman sulitin naten to. Once a year lang nauwi si mommy kaya next year na to mauulit hahahaha" - para namang balak bilihin ni Jiji tong buong mall
"Oh uubusin ba natin ang laman ng bank account ni tita? Hahahha"- tumatawa naman si keni
"Kung mauubos naten HAHAHHA" at nag apir pa ang dalawa sabay tumawa sila ng tumawa. Parang mga baliiiwww!
Napatingin naman ako sa kanila ng bigla silang mapatigil sa pagtawa at naiwan ko na pala sila, pero parang May tinitignan sila sa national bookstore mukha silang ewan haha kaya naman naglakad ako pabalik sa kanila tapos nakitingin ako, wala naman akong nakita
"Anong meron Jan? May gwapo ba?"- salita ko sa likod nila
"Ay ahas ka pala!" Napatakip ng bibig si jiji. Gulat na gulat silang napatingin sakin.
Anong meron?"Anong ahas? Sinong ahas?" Salita ko ulit
Napasampal naman si keni sa noo niya
"A-ah ano k-kase nakakainis yung babae parang ahas makalingkis dun s-sa g-gwapong lalaki. Arrrggghh! Nakakainis!" -utal utal naman si jiji ayos lang kaya sya?
"Alam mo tara kay kumareng Watsons matuto ka na magmake up sis! Para bongga na" sabay hila naman nilang dalawa sakin sa Watsons di naman ako makapag salita kasi kada nagsasalita ako nagsasalita din sila. Kesyo bagay daw sakin yung ganung shade ng lipstick chuchu ayy ewan ko nalang talaga.
"Mom here!" Kumaway naman si jiji kay tita tapos sinalubong niya mommy niya tas nagbulungan sila. Ang weird ahh
"Hoy keni? Anong meron?"- napatigil si keni sa pagpili ng foundation
"H-ha?"- muntangang sagot niya hahahaha
"Hatdog! Muntae ka keni!"- tatawa tawa kong sabi kay keni
"Ang ganda ko namang tae" tas nag roll pa sya ng eyes niya. Kahit kelan talagaaa
"Ano ba kasing meron?? Bakit parang ang weird ni tita at Jiji?? Bakit sila nagbubulungan doon? May secret ba sila? Na bawal nating malaman?" - curious na tanong ko.
"Gaga naman Neto! Baka mother and daughter thing. Yaan mo na sila mamili ka nalang dito ng gusto mo, teka ano ba shade mo sa foundation?" - pag-iiba ni keni ng topic
Hmmm... I feel something... Pero baka nga privacy nila yon. Yaan na..
Naramdaman kong papalapit na sila"Oh ano mga iha? Nakuha niyo na ba mga gusto niyo? Tara na at magbayad. May pupuntahan pa tayo" -sabay akbay sakin ni tita.
Paglabas namin ng Watsons parang nakita ko si Jiro na May kasamang babae pero ng lingunin ko yon nawala na sila. Kinabahan naman ako at nangingilid nanaman ang luha ko.
"Krikri anak May problema ba? Bakit ka umiiyak?" -nag aalalang tanong sakin ni tita, napalingon naman sila Jiji sa gawi ko at lumapit sila.
Nagtuloy tuloy na sa pag agos ang luha ko at niyakap ko si tita.
Jiji's POV
"N-nakita k-ko po s-si j-jiro tita"- pilit na pagsasalita ni krystal sa gitna ng pagluha niya. Kitang kita kung gano sya nasasaktan ngayon.
Nagkatinginan naman kami ni keni. Awang awa na kami sa kaibigan namen. Grabe naman kasi, hindi niya deserve masaktan ng ganito ano. Hys.
Actually, ang tinitignan kasi namin kanina sa NB ay yung gagong ex neto ni Krystal, nakita namin sya ni keni, kasama niya ang kumag kong pinsan, nung una hindi ko napansin na sya si Faye na pinsan ko pero dahil nga plastikada sya sa lahat ng cousins ko nakilala ko tuloy sya.
Tss ayon yata ang pinalit ni jiro kay Krystal. Eh bait baitan lang naman yung pinsan ko na yon eh.Sinabi ko na din kay mom yung about don kaya nga mas lalo syang naawa kay Krystal kaya naisip niya na magpa make over kame para kahit papano, iniwan man si Krystal ng ex niya maganda pa din sya.
Ang sabi nga.. Ang iniiwan mas lalong lumalabas ang kagandahan.
Nagmahal lang naman ang kaibigan ko kaya hindi niya deserve masaktan.

BINABASA MO ANG
Love Is Hurt. (On-going)
RandomHer POV "ano para sayo ang love?" tanong sakin ng perdev teacher ko. Nanatili akong nakatayo sa harap ng klase na may kaba sa dibdib dahil nakatingin sakin ang lahat pati na rin ang ilang lalaki na nakiki sit in sa klase namin. "Love Is Hurt." sago...