Jiji's POV
Nung medyo kumalma na sa kakaiyak si krystal nagdarecho na kame sa Full Day Spa, para kahit papano makapag relax naman, after nito pupunta naman kame sa beauty salon para magpaganda hihi I'm soooo excited..
Napansin din namin na hindi na masyado naimik si krystal. Kinumbinsi din naman namin sya kanina na baka namamalikmata lang sya pero naniniwala talaga sya na si Jiro yung May kasama na babae na nakita niya kanina.
"Nakakainis talaga yang Jiro na yan kakabreak lang nila ni krys kahapon tapos ngayon may kasama na agad syang babae, take note pinsan mo pa tss. Sabi na eh iba kutob ko jan pinakilala mo palang sya samin nung party mo last month tss" bulong ni keni sakin, kita din ang pagkainis niya.
"Hays baka nga dun pa sila nagkakilala sa party ko eh" naalala ko tuloy yung party ko one month palang ang nakakalipas.
*Flashback
"Anak sorry di makakauwi ngayong 19th birthday mo ang mommy mo ah, kailangan ako dito sa company eh babawi ako next month okay? Happy birthday anak. I love you so much. Next year adult ka na jusko napaka bilis talaga ng panahon" nangingiyak pa si mommy habang magka video call kame.
"It was fine mom. Di ka naman po nagkulang sakin kahit malayo ka. I still feel you naman no? Atsaka simpleng party lang naman po ito. Tapos na debut ko kaya keri na mom. I just want to say thank you and I love you lang naman po kaya ako tumawag haha para din po makita mo kung gano kaganda ang anak mo ngayong birthday ko" kinikilig ko pa na sabi ko.
"You're so beautiful naman talaga anak kahit hindi mo birthday no HAHHA mana ka sakin eh sexy pa HAHAHHAA" sabay naman kami tumawa ni mommy.
Sobrang swerte ko sa mommy ko. Atsaka kahit malayo sya ayos lang naman sakin. Mas natututo pa nga ako sa buhay, independent kumbaga. Atsaka palagi naman kame magka video call kaya hindi ko nararamdaman na mag isa ko. Hindi rin sya nagkulang bilang ina sakin. Kahit wala akong daddy atleast May mommy ako na sobrang bait and supportive.
"READY NA BA ANG CELEBRANT?" Kakapasok lang ni keni sa kwarto ko at mukhang nakalunok nanaman sya ng microphone.
Dahan dahan akong humarap na May ngiti sa labi."OH WOOOWW! NAKS ANG SEXY NG KAIBIGAN KOOOO. HAPPY BIRTHDAAAYYYY JIJI!" atsaka ako tumakbo sakanya at yumakap.
"Salamat keni, hindi lang ako sexy no maganda rin" taas baba pa yung kilay ko
"Osige ngayon lang yan ah, dahil birthday mo HAHAHHA" pang aasar pa ni keni
"Ikaw lang talaga hindi nakakakita ng kagandahan ko. Nga pala si Krystal asan na?? Hindi ba kayo nagsabay papunta dito?" Tanong ko kay keni, kasi mag isa lang syang pumasok ng kwarto eh.
"Ayy nako di ko alam don. Kanina kachat ko. Baka inaantay pa jowa niyang si Jiro" nagroll pa ng eyes ang gaga bitter lang eh HAHAHAHA
"Bitter ka naman? Buti nga si krys May jowa, ikaw wala HAHAHAHA" nang iinis din na sabi ko. Oh nakabawi ako ngayon HAHAHHA
"Tigilan mo nga ako Jiji wala ka ding jowa. tara na sa baba andami mo nang bisita don" natawa nalang ako atsaka sabay kami ka bumaba ni keni
---
"Hoy keni? Chat mo na nga si krystal, late na sya sa party koooo" nagmamaktol na sabi ko kay keni
Mga 30 mins na kasing late tong si krys, naikot ko na nga ang buong bahay at nakipagkamustahan sa mga bisita ko eh. Mga ilang relatives ko lang naman ang pumunta tapos ang mas marami ay friends and classmates na haha mula elementary friends ko andito eh kaya naman nakakatuwa. Si Krystal na nga lang kulang eh buo na tong party ko. Pool party ang theme ng party na to kaya naman sobrang nakaka enjoy. Tas bawat table kanya kanyang ihaw sila style sangyup resto tuloy ang bahay namin hahahha
"Cous? Where's your comfort room ba? Gusto ko na kasi magpalit, magswim na ko, ang init kasi sa table namin and naririndi ako sa mga kapatid ko tss" nagroll pa sya ng eyes niya.
Sya si Faye ang maarte at bait baitan kong pinsan. Ewan ko ba hindi ko sya gusto eh. Kahit ba laking Canada sya pake ko ba? Eh ang arte niya eh. Tapos palagi niya pang inaaway mga kapatid niya tapos kapag andun ang mga parents niya kala mong kung sino ang mabait na anak. Ewan ko ba kila tito at hindi nila makita ang ugali ng anak. Panganay sya sa apat na magkakapatid pero feeling niya only child sya tss"Jijiiiii! Happy birthday beeee!" Napaharap naman ako sa likod ng marinig ang boses ni Krystal
"Finally!" Napairap pa na tingin ko. Bigla naman niya kong niyakap.
"Sorry na, ang traffic kasi eh, tapos nag antayan pa kami nitong lalaki na to. Antay ako ng antay sa 7/11 tapos sya pala nasa May Jollibee ang ending tuloy nag antayan lang kame, kung hindi ko pa tinawagan di ko pa malalaman juskooo" napanguso naman si Krystal pagkatapos niya magkwento at napakamot naman sa batok si jiro, ang boyfriend ni Krystal.
Napatawa naman ako
"Nako kayo namang dalawaaa, osige na. Magpalit na kayo o kung gusto niyo kumain muna kayo, andun sa malapit sa pool yung table naten" nakangiti ako sa kanila. Ang sarap nilang pagmasdan dalawa. Bagay na bagay sila. Sana lang talaga wag saktan nitong si Jiro ang kaibigan ko. Kita ko naman na masaya si krys eh kahit problemado yan sa buong 3monts na relationship nila ni jiro. Di kasi sila legal sa side ni krys, dahil na din strict ang parents niya HAHAHAHA!
"Happy birthday nga pala Jiji" at May inabot sakin na cake si Jiro, niceee HAHAHA
"Oh salamaaatt, nag abala ka pa HAHAHA" saka ko kinuha yon.
"Si mama nag-bake niyan, nalaman na sa party ako ng bestfriend ni krys pupunta kaya nag-bake talaga sya" nakangiti lang si Jiro. Ambaeettttt hihi
"Wow! Ayos toooo!" Manghang mangha naman ako ang bait din pala ng mama niya. Ayos din magiging byenan ni Krystal HAHHHAA
"EHEM!" narinig ko sa likod ko. Naalala ko bigla si faye, di ko nga pala nasagot tanong niya AHAHHHA buti nga sakanyaaa HAHAHA charrr...
"Ahh, nga pala keni, Krystal, Jiro this is Faye pinsan ko" pagpapakilala ko sa kanila, syempre parte pa din ng family ko si Faye atsaka di pa sya nakikilala ni Krystal at keni ih gawa nga ng sa Canada nakatira itong si Faye at kakauwi niya lang din 2months ago.
"Hello" masayang bati ni Krystal kay Faye, eto namang si Faye nakipag beso pa feeling close sa mga bestfriend ko and ohhh pati kay Jiro ha nakipagbeso kapal talaga Neto.
At ang tagal haaaa.. nawala na ang ngiti ni krystal. Nagkatinginan naman kami ni keni at
"EHEM" si keni, talaga oh ahhaha natatawa na ko sa loob loob ko eh HAHAHA
syempre kailangan na awatin aba naman. Ang girlfriend oh katabi lang. Kahit kelan to si Faye May tinatago din palang kaharutan tss
"Ah don yung comfort room oh" turo ko nalang kay Faye sa bandang kusina
"Ah yah, thank you. Nice to meet you keni, krystal and Jiro" papansin talaga to si faye. Tinignan ko lang sya. Iba yung ngiti niya kay Jiro eh tsk!
Parang mag LQ tuloy tong dalawa. Alam ko na selosa si krystal atsaka matampuhin eh.
"Pasensya na kayo sa pinsan ko, ganon yata kasi sa Canada eh" nasabi ko nalang.
--End of Flashback

BINABASA MO ANG
Love Is Hurt. (On-going)
AléatoireHer POV "ano para sayo ang love?" tanong sakin ng perdev teacher ko. Nanatili akong nakatayo sa harap ng klase na may kaba sa dibdib dahil nakatingin sakin ang lahat pati na rin ang ilang lalaki na nakiki sit in sa klase namin. "Love Is Hurt." sago...