Krystal POV
Pagkababa ko ng pedicab, napatitig ako sa bahay namin saka na patingin sa relo ko, saktong 9pm na. Hys, eto nanaman yare na ko.
Dahan dahan kong binubuksan ang gate. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalagpas ako.
Dahan dahan ko din pinipihit ang doorknob at sumilip ako parang wrong move yon kase napatingin agad si Dia short for Diamond shen kapatid kong bunso, nanonood sya ng tv. Alam ko na susunod netong gagawin
"MAMA PAPA, ANDITO NA SI ATE!!!"
sabi na eh.
Nagdarecho na ko ng pasok ng bahay at naghubad ng sapatos. Saka nagsuot ng pambahay na tsinelas.
Saka nakita kong nababa ng hagdan si papa at nanggaling naman si mama sa kusina
"Bakit ngayon ka lang? Hindi na uwi ng matinong dalaga yan" salubong sakin ni papa
Nagbless naman ako sa kanila ni mama
"K-kumain pa po kame sa labas pa"
Saka ako umupo sa tabi ni Dia
"Ang taray ate new look ka ata"
Saka sya tumayo sa sofa para busisiin ang buhok ko. Inaamoy amoy pa niya. Parang baliw talaga.
"Di ka na nahiya sa tita jenalline mo, malamang sya gumastos Jan sa buhok mo. Bakit ka ba nagpaganyan!? Sisirain mo lang buhok mo eh!" Ayan na. Nagbubunganga nanaman si mama.
"Matutulog na po ako"
Saka ako tumayo sa sofa at nagdarecho na sa hagdan.
"Ayan! Ganyan nanaman yang anak mo kinakausap hindi sumasagot!" Tapos kapag naman sumagot sasabihin natututo na kong sumagot. Di malaman kung san lulugar eh.
Naririnig ko pang kung ano ano sinasabi ni mama. Kesyo, bastos daw ako chuchu lagi naman eh haha
Kaya tuluyan ko nang sinara ang pintuan ng kwarto namin ni Dia, pero hindi ko ni-lock. Papasok na yon si Dia mamaya maya. Nagpalit lang ako ng damit ko saka pantalon ng pantulog saka ako umakyat sa kama ko.Sa baba kasi si Dia. Double deck ang kama namin eh. Sakto lang din yung kwarto namin para saming dalawa ni Dia. Hindi kami mayaman at lalong hindi rin kami mahirap.
Paghiga ko naramdaman ko ang pagod. Napatingin ako sa kisame.
Andami nanamang tanong sa isipan ko. Saka naramdaman kong dahan dahan tumutulo ang luha ko. Gusto kong umiyak ng malakas, sobrang nasasaktan ako. Kung sana close kami ni mama at hindi sila mahigpit sakin ni papa nagkukwento ko kung gaano ako nasasaktan ngayon.
Nung dumating sa buhay ko si Jiro. Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko. Kasi bukod kila jiji at keni meron pa kong napagsasabihan ng hinanakit ko kila mama at papa.
Sobrang higpit kasi nila mama at papa. Sobrang nakakasakal na kasi eh. Yung tipong bawat alis ko ng bahay kailangan May valid reason. Bawal nga ko maghappy happy kasama mga kaibigan ko eh. Kung ano ano na agad sinasabi ni mama. Kesyo ganito kesyo ganyan.
Nung May year end party nga kami na swimming eh, pinagpaalam na ko ng classmates ko Sakanila pero di pa rin sila pumayag. Napaiyak pa nga ako kase ako lang yung wala dun sa lahat ng classmates ko.
Palagi saking sinasabi ni mama na iniingatan lang daw ako. Sa sobrang pag iingat nila, nasasakal at nasasaktan na ko. Sinabi din niya na ayaw nya kong magaya kay ate Bright. Tss, ang sakit lang din kasi bakit nila ko kailangan igaya don. Nabuntis ng maaga si ate, nakikita ko kung gaano kahirap ang sitwasyon niya, kaya hindi ko na para gayahin yon. Alam ko na din ang tama at mali. Naiisip ko na nga minsan na pano kaya kung gawin ko nalang kung ano yung mga tingin nila sakin? Pero hindi eh, nasa tama pa ang isip ko.
Patuloy na umaagos ang luha ko. Hindi ko mapigilan. Nakita ko sa tabi ko ang paborito kong teady bear at niyakap ito. Sobrang sakit, sobrang hirap.
Pumikit ako at nagdasal. Hindi ko namalayan na nakatulog nalang ako kakaiyak.

BINABASA MO ANG
Love Is Hurt. (On-going)
RandomHer POV "ano para sayo ang love?" tanong sakin ng perdev teacher ko. Nanatili akong nakatayo sa harap ng klase na may kaba sa dibdib dahil nakatingin sakin ang lahat pati na rin ang ilang lalaki na nakiki sit in sa klase namin. "Love Is Hurt." sago...