CHAPTER 15

239 18 74
                                    

Agasshi (아가씨) is used to address a young lady with an unknown age. Parang 'Miss' in English. While Orabeoni (오라버니) is same meaning with Oppa (오빠). It is used to address older brothers, but for younger girls only. Babae lang po ang puwedeng gumamit no'n. The only difference between Orabeoni and Oppa is that iyong Orabeoni is old-fashioned while Oppa is a modern way of addressing older brothers. Iyon lang po, thank you! 

Chapter 15: Worried

Rin's POV

Hindi ko inaasahan ang bagay na narinig ko mula kay Kai. Sa tono ng pananalita niya, at base sa kilos niya, batid kong malaki ang epekto sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang ama. 

Halos magdikit ang kaniyang bagang sa pagtiim nito. Masyado akong nasanay sa maloko niyang personality. Bukod sa naging komprontasyon namin kamakailan lang, hindi ko pa siya nakikitang ganito kaseryoso. 

Napakadalang niya iyong gawin. 

Nakapagtataka rin ang katotohanang hindi ko agad naramdaman ang kaniyang presensya. Isa akong ranggo, batikan ako pagdating sa pakikiramdam pero kapag konektado na kay Kaizer nagiging manhid ako.

Siguro nakuha lang talaga ni Eun Young ang buong atensyon ko. Palibhasa'y tungkol sa pamilya ang kaniyang kinukuwento. Sobra akong nakaka-relate.

Isa pa, dapat ko ring ipagpasalamat na malabo ang tubig dito sa hot spring kaya naman hindi kita ang repleksyon ng katawan ko sa tubig. Malalim ito, abot hanggang sa balikat ko. 

Sa pag-eksena kanina ni Kaizer ay hindi ko maiwasang 'wag mailang. Kahit pa wala sa akin ang paningin ni Kai, hindi ko siya magawang lingunin para salubungin ang kaniyang mata tulad ng aking nakasanayan.

Malayo ang mata niya sa pwesto ko, bagay na gumulo sa damdamin ko. He's literally not looking at me. Hindi ko tuloy alam kung dapat na ba akong kabahan o mabahala. 

Nang oras ding iyon, pagkatapos niyang magsalita ay agad niya kaming tinalikuran na tila nagmamadali. Iyong para bang mahuhuli na siya sa dapat niyang puntahan. 

Maging sa pagkain ay nanatili kaming tahimik. Katabi ko si Eun Young habang si Kai naman ay nasa harapan ko. Salu-salo kami sa pagkain kasama ang mga kababaihan na tulad namin ay nakaupo rin sa sahig.

Dito kasi sa Norte ay hindi uso ang silya. Marahil ito ang aming nakasanayan. Sinabihan pa kami ni Miss Jung na galasan namin dahil hindi gusto ng mga lalaking naghihintay sa amin ang mainip. Wala sa sariling napabuntong hininga ako. May parte sa kalooban kong gusto ng matapos ang lahat ng ito.

Mula sa pagtulong kay Kai hanggang sa pagtulong kay Eun Young. Para sa akin ay mahalaga ang oras at panahon. Mas dapat kong pagtuunan ng pansin ang paghahanap sa taong pumaslang sa pamilya ko.

Maya-maya pa, habang ngumunguya. Hindi ko napigilan ang sariling mata, umangat ito para sulyapan ang lalaking nasa harapan ko. Wala sa sarili ko siyang tinitigan habang siya ay tutok na tutok sa kinakain.

Palihim akong bumuntong hininga. Nasa pagkain nga ang mga mata ni Kai subalit wala naman dito ang kaniyang atensyon. Malalim ang kaniyang iniisip. 

"I might melt," pagkuwa'y bulong niya, umangat ang aking balikat. 

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Umakto na parang walang nangyari. Binalik ko ang mata sa pagkain. Masyado kong nakuha ang atensyon ng lalaking ito.

"What is it?" Ang paningin niya ay nasa akin na. 

Kumunot ang noo ko, "What?" I asked him back. Nagmamaang-maangan.

"What is that stare for?" Ngumisi siya na pilit ko namang dinedma.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon