CHAPTER 7

323 29 111
                                    

Chapter 7: Brightest star

Rin's POV

"Sigurado ka ba na sila iyon?" Ilang beses ng tanong ni Kai habang nagtatago kami sa isang malaking puno, limang dipa ang layo mula sa mga lalaking kanina pa namin sinusundan.

Sigurado akong mga rebelde sila, inaamin ko rin ang katotohanang malakas ang kanilang pakiramdam. Kailangan na ako ang unang makagawa ng hakbang laban sa kanila, dahil kung mauunahan nila ako, sira ang aking plano.

Sa pagiging matanong at maingay ni Kai, maari kaming mahuli.

Hindi ko inalis ang paningin sa mga rebelde, "Mukha ba akong nagbibiro?" Naiirita akong bumulong.

Lumunok si Kai habang nakasilip din, "But they don't look like rebels. Look at them, they are just normal people, come on!" 

I glanced at him, annoyed, "Darn you! Looks don't matter. How can you be so sure? You know nothing and just a freaking outsider! Look, I'm doing this because of you, you want me to help you. But you're not helping, you're distracting." Mahina ngunit tiim bagang kong asik. 

"God, chill, wag kang magalit!" Sinuko ni Kai ang dalawa niyang kamay.

Sa halip na sagutin, inis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Sa ganitong mga bagay ay hindi ako nadadaan sa biro. Hindi ito laro na basta nalang lalaruin, dahil ito ang larong dapat umisip ng tamang plano kung paano ipapanalo. 

Sa tuwing mga rebelde na ang usapan, kumukulo ang aking dugo na para bang kahit kaunti lang ang ebidensyang pinanghahawakan ko, nakasisiguro akong may kinalaman sila sa pagpaslang sa aking pamilya.

Kung tutuusin, kahit hindi ko kasama si Kai, gagawin ko pa rin ang lahat para hanapin ang mga taong ito. Ang mga rebelde. 

Napatitig ako kay Kai habang nakokonsensya sa aking plano.

Isa sa dahilan kung bakit ako pumayag na tulungan si Kai dahil gagawin ko siyang bihag. Tutal naman ay taga labas siya ng bansa, bibihagin ko siya at ibibigay sa mga rebelde para gawing alipin kapalit ng impormasyong gusto kong makuha. 

Marahil sa bansang ito, lahat ng bagay ay may kapalit.

Subalit sa oras na ito, nagdadalawang isip ako dahil kahit sabihing taga labas siya, hindi pa rin mawawala ang katotohanang may pamilyang naghihintay sa kaniya. Kung gagawin ko ang binabalak ko, wala akong pinagkaiba sa mga taong pumaslang sa aking pamilya. 

Kung sakaling bihagin ko si Kai, tinanggalan ko na rin ng karapatan ang pamilya niyang makasama siya.

Pati, kahit naman puro siya kalokohan. Inosente siya, nasisiguro kong maging ang mga kasama niya ay inosente rin. Hindi sila nababagay sa bansang ito. Subalit meron pa ba akong magagawa para sa kanila? Gayong kusa silang napunta rito. 

Nagbaba ako ng tingin at nagpakawala ng hininga.

"Where are you going?" Sumunod sa akin ang mata ni Kai nang naglakad papalayo sa tagiliran ng bahay na tinigilan ng mga rebelde. 

Saglit akong sumulyap sa likod bago muling nilagay ang tingin sa daan, "Hindi ngayon ang tamang panahon para sumugod." Paliwanag ko.

Naguluhan si Kai, "Pero nandito na tayo!" Desperadong ang kaniyang tono. "Baka nasa loob ang mga kasama ko." 

Umiling ako, "Hindi madaling mahanap ang kuta nila. Nagkakamali ka kung iniisip mong nasa loob ang mga kasama mo. Pumunta sila diyan para kumuha ng mga babae." Tukoy ko sa mga rebelde na ngayon ay nasa loob ng malaking bahay.

Nalilito man ay sumunod siya sa akin. "Babae? What do you mean?" His forehead knotted.

Nginiwian ko si Kai "Kumukuha sila roon ng mga babaeng pangkamot sa tuwing nangangati. Babaeng mapaglilibangan, mga babaeng magagamit." Kumuyom ang aking kamay.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon