Rin's POV
Habang naglalakad kami, ramdam ko ang tingin niya kahit hindi siya kumikibo. Pinili ko na lamang na huwag iyong pansinin tutal hindi naman gaanong nakakailang.
Nang tuluyan kaming nakarating sa pamilihan ay bumungad sa amin ang hile-hilerang pwesto ng mga nagtitinda. Dito sa Norte ay nasa magkabilang gilid ng daan nakapwesto ang mga nagtitinda. Isang linya lamang iyon. Kaya didiretsohin mo lang ito, hindi na kailangang maglibot upang pumili ng mga bibilhin.
"You can buy without giving money?" Walang emosyong tanong ni Kai habang abala ako sa pagpili ng mga gulay.
"Yeah. It's included in my tax as a rank." Tango lang ang sinagot niya sa akin.
Patuloy lang ako sa pagpili ng pagkain nang biglang nawala sa paningin ko si Kai. Nilibot ko ang tingin para hanapin siya ngunit hindi naging madali dahil nagkalat ang mga taong namimili. Napabuntong hininga kong itinutok nalang ang paningin sa bentahan ng karne. Kumuha ako ng karneng sapat lang sa amin. Matapos ay nagtingin-tingin ako ng isda ngunit wala ng available.
Napasimangot ako dahil lilipas na naman ang araw na hindi ako nakakakain ng isda. Kasama iyon sa diet routine ko. Kailangan kong kumain ng isda twice a week. Nitong nagdaang ilang linggo ay hindi na ako nakakakain nito. Pulos gulay at karne lang ang nakakain ko dahil na rin sa pagiging abala.
"What's wrong?" Mabilis akong napalingon kay Kai. Nakita niya sigurong nakasimangot ako.
"Nothing," pag-iling ko. "Sa'ng lupalop ka ba galing?" Balik tanong ko sa kaniya.
"Something caught my attention there," nakangiti niyang itinuro ang gawing likuran namin. Kataka-takang nawala na ang pagkaseryoso niya na para bang siya na ang pinakaproblemadong tao sa mundo.
"I see," tinanguan ko lang siya. Gustohin ko mang itanong kung ano ang bagay na nakakuha sa atensyon niya ay hindi ko nagawa. Wala akong lakas ng loob. Baka kung ano pa ang isipin niya. Kakaiba pa naman ang utak na meron si Kai.
"Are you done picking up foods?" Tanong niya habang nilalagay ko ang karne sa basket niyang dala.
"Yeah," sagot ko bago muling nilibot ang tingin sa bilihan. Nagbabakasakaling may isda akong makikita.
"What's your problem then? Bakit ka nakasimangot?" Napa-angat ako ng tingin kay Kai. Kakatwang nagtatanong na siya ulit ngayon. Hindi tulad kanina na halos mapanis ang laway niya.
Napabuntong hininga ako. Wala namang masama kung sasabihin ko tutal normal na sa kaniya ang pagiging matanong. "I just want to eat fish pero wala ng available," usal ko.
Nginisihan ako ni Kai. "Hindi pa nga kita asawa naglilihi ka na!" Natatawang aniya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong mahitang salita para isagot sa kaniya. "Saan dito p'wedeng manghuli ng isda? I'll be the one to catch fish for you." Napamaang ako.
"'Hindi, wag na, ayos lang. Umuwi na tayo," hindi ko pagsang-ayon sa kaniya.
Umiling si Kai. "No. Kailangan may dala tayong isda," pagmamatigas niya. "Come here," nagulat ako nang sinakop niya ang mga palad ko. Hinila niya ako papunta sa isang pwesto kung saan may nagtitinda ng kung ano-anong mga gamit.
Binitiwan niya rin ito agad. "Buy that fishing rod." Turo niya sa pamingwit na nakasabit sa loob ng tindahan.
"Hindi na nga kasi kailangan, Kai. Umuwi na tayo,"
"Please, baby, please. I want to catch fish for you," malambing niyang bulong. Nakagat ko nalang ang sariling labi.
Bago pa man ako makapagsalita ay kinausap na niya ang dalagang tindera na halos mangamatis ang mukha dahil sa kaniya. "Fishing rod, please, lady." Nakangiting usal ni Kai. Kaswal lang iyon pero iba ang dating sa babaeng tindera. Mukhang kinikilig ito.
BINABASA MO ANG
Love In Disguise (COMPLETED)
General FictionENDLESS SERIES # 2 Si Kaizer ay isang playboy. Kung sino-sino ang kaniyang dine-date ngunit ni isa sa mga iyon ay wala siyang sineryoso. Ayaw niya sa commitment. Isang araw, gamit ang kanilang private jet, siya at ang kaniyang mga kaibigan ay napagd...