CHAPTER 26

154 13 64
                                    

Rin's POV

Hindi ko malaman kung paano lalabas ng kwarto. Umaga na pero ito ako't nakaupo pa rin. Sapo ko ang labi gamit ang aking mga palad. Hindi ako makapaniwala. Ang tibok ng puso ko ay hindi na nga yata babagal pa.

May parte sa sarili kong hindi nagsisisi sa halik na ibinigay ni Kai. Aaminin kong ang sarap niyon sa pakiramdam na para bang tinangay ako nito sa ibang dimension.

Matunog akong umiling. Ano ka ba, Rin! Umayos ka nga!

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto ng aking kwarto. Hindi ako dapat magtago nalang dito. Laking pasalamat ko nalang ng walang Kai na sumalubong sa akin. Wala akong nakitang presensiya ni Kai sa sala. Tanging si Ianah lang ang nakita ko na paikot-ikot dito habang nakataas ang kamay na may hawak na cellphone.

"Bakit ba walang signal?" Irritable niyang anas na tutok na tutok sa gamit na hawak. Hindi niya man lang ako napansin.

Nagbaba ako ng tingin sa tiyan ko nang makaramdam ako ng gutom kaya agad akong nagtungo sa kusina. Ganoon nalang lumaylay ang balikat ko nang wala akong naabutang pagkain o kahit anong p'wedeng lutuin. Naalala kong abala nga pala ako nitong mga nagdaang araw kaya naman hindi ko nagawang mamili ng pagkain dito sa bahay.

Napabuntong hininga kong dinampot ang basket na nakasabit sa dingding. Kailangan kong mamili.

Nang dumaan ako sa sala ay naabutan ko ulit si Ianah na abala pa rin sa paghahanap ng signal. Gaya kanina hindi niya ako napansin, masyado siyang nakapokus sa ginagawa. Walang ano-ano'y nilagpasan ko siya.

"Omona!" Oh my god! Malakas na bulalas ko sa gulat nang paglabas ko ay nakasalubong ko si Alex. Akala ko ay si Kai na.

Napahawak ako sa dibdib ko. Pakiramdam ko'y aatakihin ako sa puso. Abot sikmura ang kaba ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Are you alright?" Takang tanong ni Alex habang nakatayo sa gawing pinto.

Napapalunok ko siyang hinarap. "You startled me!" Bigla ay wala sa sariling aniko.

Napamaang naman si Alex. "Oh, I'm sorry," paumanhin niya.

"It's okay," pilit ko siyang nginitian bago nagbaba ng tingin sa basket na hawak ko. "By the way, mamimili ako. Kung sakaling nagugutom na kayo, maraming nagkalat na manok sa bakuran. You can cook them," anunsyo ko.

Nagliwanag ang mata ni Alex saka ako nginitian. "Kanina pa nga kami nagugutom. Thank you, dude, you're the best," anito.

Nginitian ko rin siya. "I'll go ahead," paalam ko bago ko siya tuluyang tinalikuran.

Ngunit ganoon nalang nanigas ang katawan ko nang pagharap ko sa dadaanan ay bumangga ang ako sa nakatayong katawan. Tumama ang noo ko sa ibabang bahagi ng leeg nito. Kahit hindi ako mag-angat ng tingin. Alam ko kung sino ito. Tuloy ay parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko para lang matakasan ang nakakatunaw niyang tingin.

"Oh, it's you, Rin," usal ni Kai sa matipunong boses. "Goodmorning," giit niya pa. Kaswal lang iyon pero iba ang epekto sa akin. Ramdam ko ang paghahabulan ng tibok ng puso ko.

Hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kaniya. Alam ko sa sarili kong naiilang at nahihiya ako. "I'm done chopping the woods," baling niya kay Alex.

Dito ako nagmamadaling lumakad. Walang lingon-lingon ko silang tinalikuran. "Nice, dude, ako na ang magluluto." Dinig kong sagot ni Alex.

Binilisan ko pa ang paglalakad. Iyong walang makahalatang nagmamadali ako. "Hey, Rin!" Mariin akong napapikit nang humabol sa akin si Kai. Hindi kataka-takang mabilis siyang maglakad dahil mahaba ang kaniyang biyas.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon