Nine

37 3 3
                                    

DAY 2

Hinatid na ko ni Franz dito sa school ng kalaban namin. Hindi niya rin papanuorin game ko kaya hinayaan ko na lang para na rin makapagpahinga siya kasi wala naman silang game ngayon.

“Alexa, balita ko nainjured ka ah? Sigurado ka na makakapalo ka ng malakas mamaya? Baka kasi mapahiya ka lang.” sabi ng Captain ng kalaban namin at inismiran pa ko.

“Hakdog.” bored kong sabi at pumasok na lang sa locker room namin para makapag ayos na.

I braid my hair in boxer braid style at naglagay na rin ng knee pad para hindi magasgasan makinis kong tuhod pag nanghuli ako ng isda mamaya.

“Alexa, tawag na tayo ni coach.” sabi ni Andreia kaya naman lumabas na ko habang nag uunat unat pa ng kamay ko.

Ginala ko ‘yung paningin ko at nakita ko lang naman yung mga kaibigan ko na team mates ni Lance na may mga hawak pang pompoms.

Tapos gagong Lance. May hawak na banner na may nakasulat na, “Go my babes! Huwag kang mag alala, dahil si Lance ay sayo lamang kakalampag!

Napasapo na lang ako sa noo ko at iiling iling na pumuwesto rito.

Lumapit na rin naman si Andreia doon para sa toss coin.

Sa amin ‘yung bola kasi siya pumili ng tail. At iyin din yung lumabas sa coin pagkatoss.

Pumuwesto naman na ko kasi si Andreia muna iyong unang magseserve.

“Nice serve Dreia.” sabi namin kay Andreia.

Kaso mga gagong tropa ni Lance, nagsitayuan sa harap ng bleachers at mga nakapamewang pa habang sumisigaw ng, “A LE XA! A LE XA! L O V E! A LE XA!”

Tangina! Napapikit na lang ako ng madiin bago bumuntong hininga.

Walangya kasi na mga ’to, ano akala nila sa akin si Rukawa? Ako iyong nahihiya sa ginagawa nila pero wala akong magawa para patahimikin sila. Kahit gustong gusto ko na lamunin ng lupa.

“PWEDE BANG MANAHIMIK KAYO?!” rinig kong sigaw ni Franz kaya napalingon ako.

“Init naman ng ulo mo mimasaur.” tatawa tawang sabi ni Lance.

“Easy ka lang diyan pre. Chillax lang.” sabi pa ni Brent.

“MAG JUDGE KA MUNA!” sabi naman nung mga kateam ni Lance at inabutan pa si Franz ng Judge na bubble gum.

“Alexa! Focus!” sigaw ni Andreia nang hindi ko napalo iyong bola na pumunta sa gawi ko.

“Sorry...” sabi ko at nagfocus na nga.

Nang nag spike ang kalaban namin ay sa akin pumunta. Alam kong ako ang target nila ngayon kase alam nilang may injury ako.

“Mine!” sigaw nung libero namin.

“Chance ball!” sabi ni Dreia.

Napunta naman sa Setter namin ang bola, tinoast niya ’to sabay tingin sa akin.

Okay! Okay! I got it, beybeh.

Tumalon ako at pinalo ’to ng malakas. Napa yes naman ang aking team mates noong hindi ’to mareceive ng kabila sabay apir sa akin.

“Nice spike, kapitana!” napatingin ako sa sumigaw. Tsk si Gian pala, kaya nung nag katinginan kami e kumindat siya sabay turo kay Franz.

“Yes! Go my babes! Babe ko ‘yan wuhooo!”

Oh God! Anong kahihiyan na naman ba ’to Lance?

SECOND SET na at kami ‘yung lamang kanina sa first set.

Someone You LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon