Seven

35 3 0
                                    

PUPUNGAS pungas akong bumaba sa hagdan para kumain ng breakfast sa kitchen. Nakaayos at nakaligo na rin ako kaya pagkakain ko eh didiretso na ko sa school nila Lance dahil dun daw gaganapin ang game namin.

“Alexa buti gising ka na. Kanina pa rito si Franz.”

H-hah?!

Dali-dali naman akong pumunta sa kitchen at naabutan si Franz na kumakain din doon.

“Ano ang ginagawa mo rito?” masungit na tanong ko.

“Sinusundo ka.” sagot niya na hindi man lang makatingin sa akin at tuloy lang sa pagkain.

Hindi ko naman na siya pinansin at kumuha na lang ng toasted bread at nilagyan ng bacon.

“Iyan lang kakainin mo? Hindi ka magkakanin?” tanong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

“Pake mo?” mataray na sabi ko.

“Sungit!”

“Eh bakit ka nga kasi nandito?”

“Sinusundo ka nga. Paulit-ulit.”

Nilapitan ko naman siya at hinawakan sa ulo sabay pikit.

“Kung sino ka mang mabuting espirito na sumapi kay Franz. Sinasabi ko sa‘yo, lumayas ka sa katawan niya!”

Inis naman niyang inalis ‘yung kamay ko at tumayo para ligpitin pinagkain niya at ilagay sa lababo.

Hindi ka pa tapos? Malelate na tayo.”

Tiningnan ko naman ‘yung oras sa cellphone ko at nagmamadaling sinumpak yung toasted bread na may bacon at kumuha ng bottled water sa ref.

“Oh ano pa ang hinihintay mo? Tara na! Bagal eh!” naiinip kong sabi at kinuha na yung mga gamit ko sa sofa.

MALAPIT na kami sa school nila Lance na dati kong school nang maisipan ko na itanong kay Franz kung bakit niya ginagawa ’to. And his answer is...

“Because I have to.”

Nainis ako sa sagot niya kaya hindi ko na siya pinansin.

Kaya naman pagkapark na pagkapark niya sa parking ng school ko dati eh, nilingon ko siya para sabihing...

“Don’t push yourself Franz para sa mga bagay na ayaw mo namang gawin kasi napipilitan ka lang. Kaya ko sarili ko.” seryosong sabi ko at bumaba na sa kotse niya.

Sakto naman na lumabas din si Lance sa kotseng katabi ng kotse ni Franz kaya tinawag ko ito.

“Hoy! Hakdog na Lance!”

“Oh, my babes?”

“Sabay na ako sa‘yo.”

Napalingon naman kami nang padabog na sinarado ni Franz ‘yung pinto ng kotse niya at lampasan ako.

“Kasama mo yun?” tanong ni Lance.

“Yeah. Pero hayaan mo siya. Nababadtrip ako sa kanya.” inis na sabi ko.

“Ayyy? L.Q kayo? Boyfriend mo na ba?”

“Hindi. Sa sungit nung toyoing lalaki na ‘yon? Jusko labo!”

“Woah! Eh hindi ba siya yung sinasabi mo palagi na the one mo?”

“The one, the one pa. Mamamatay din naman.”

“YES!” sigaw niya at kinurot pa ang pisngi ko bago ulit magsalita.

“Hindi na marupok my babes ko. I’m so proud of you!” nanggigil na sabi niya at kiniss ako sa pisngi.

Someone You LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon