Twenty

41 3 0
                                    

PAGKATAPOS kamustahin ni Papa si Colt, sumama na lang ako maupo sa kanila sa dining area.

Busog pa rin kasi ako at kakakain lang namin. Pero etong mga itlog, akala mo hindi pinakain ng isang linggo at nag unahan pa kumuha ng plato.

“Colt, hanggang kelan ka mag stay dito sa Pinas?” tanong ni Mama.

“Hindi ko po alam Tita. Pero hanggang nandito po si Alexa, hindi po ako babalik sa America.”

“Naks! Sanaol!” sigaw ni Axel na pumapapak ng manok.

“Then, how about the wedding? Kelan mo balak pakasalan ang anak ko?” tanong naman ni Papa kaya nabulunan ako kahit wala naman akong kinakain.

Inabutan naman ako agad ni Colt ng tubig bago sumagot.

“Hindi pa po namin napag uusapan pero malapit lapit na rin po siguro.”

“Tito, respeto po sa ex fiancé ng anak niyo. Baka umiyak po si Franz.” tatawa tawang sabi ni Lance.

Inis naman na nag walkout si Franz kaya sinundan ko siya.

“Franz...” tawag ko rito nang makarating kami sa garden.

“What?” walang emosyon na sabi niya.

“Long time no see.” mahinang sabi ko.

Sarkastiko naman siyang tumawa bago dahan dahan na lumapit sa akin.

“Pagkatapos mo akong iwanan nang wala man lang kaalam alam kung saan ka nagpunta. Yan lang ang sasabihin mo?”

I can the see pain in his eyes pero baka hallucination ko lang ‘yon.

“I’m sorry.” nakayuko na sabi ko.

“Sorry? Sorry para sa pang iiwan mo sa akin? Sorry kasi umalis ka bigla nang hindi man lang ako kinakausap? Sorry kasi nagdesisyon ka basta?” sarcastic na sabi niya.

“Franz, stop being sarcastic. I want to be nice here. Nagsosorry na nga iyong tao diba? Tsaka pabor naman sa iyo ‘yon para hindi ka na mahirapan na pakisamahan ako.”

“Wala naman na kasing magagawa ‘yung sorry mo. Tapos na eh, nangyare na.” pilit ngiti na sabi niya.

“No hard feelings?”

Tumango naman siya kaya nilahad ko ‘yung kamay ko.

“Friends?”

“Friends.” sagot niya at nagshake hands kami.

Ayaw ko pa sana bitawan ‘yung kamay niya pero siya na ‘yung unang bumitaw.

“Pasok ka na sa loob, baka hinahanap ka na nung Colt mo. Nabigay ko na rin naman na yata ‘yung closure na gusto mong mangyari.” seryosong sabi niya.

“Sige. Salamat.” sabi ko at naglakad na papasok sa loob.

Gustong-gusto ko siya yakapin. Gustong gusto ko sabihin na miss na miss ko siya pero hindi na puwede.

“Alexa. Nakita mo si Kuya?” tanong ni Zia pagkapasok ko sa loob.

“Garden.”

“Nagkausap na kayo?”

“Yeah.” tipid kong sagot at umakyat na sa kwarto ko.

Nagulat naman ako na nandito pala ang baklang Colt at nangingielam na ng mga gamit ko.

“Hoy teh! Hanggang kelan ba ko magpapanggap? Kinikilabutan na ko sa mga ginagawa natin.” maarteng sabi niya habang sinusukat ‘yung high heels ko na bigay ni Mama nung 18th birthday ko.

Someone You LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon