Twenty Two

31 4 1
                                    

PAGTAPOS nga nung munting kamustahan namin ni Chase, bumalik na ko rito sa tabi ni Franz na hindi ko malaman kung natatae ba o ano at nakakunot pa ‘yung noo.

“Ayos ka lang?” pagtatanong ko rito.

Tumango lang naman siya at nag iwas ng tingin kaya kinuha ko na lang ‘yung cellphone ko at nakita na nag text pala ang bakla.

“Ikakasal ka na pala?” pagtatanong niya kaya natigilan ako sa pagtatype ng i-re-reply ko sana kay Colt.

“Ano ‘yun?”

“Wala, wala. Nevermind.”

Nagkibit balikat na lang naman ako at nireplyan na nga si Colt na nasa bahay na pala namin at makikitulog na naman pala ang bakla.

“Franz, una na ko.” sabi ko rito at tumayo na.

Hinawakan niya naman ako sa kamay at tiningala ako.

“Puwede bang huwag muna? Kinakabahan kasi ako.”

Tumango na lang ako at naupo ulit sa tabi niya para i-text sila Gian at Axel na samahan ’tong captain nila at kailangan ko talagang umuwi.

“Cap, kapitana!” sigaw nung dalawang itlog pagkakita sa amin.

Tumayo naman na ko ulit at kinuha ‘yung bag ko para makaalis na.

“Franz, kailangan ko na talagang umalis. Pasensiya na.” pagpapaalam ko.

“Ayyy, sana ganiyan din ginawa mo 5 years ago para hindi naman nasaktan ‘yan sa pag alis mo.” sabi ni Axel.

“Ang ingay mo talaga, tanga ka.” sabi ni Gian at binatukan pa si Axel.

“If you want to leave, then leave.” seryosong sabi ni Franz at tumayo para silipin si Krystal sa E.R.

Kaya nagpaalam na rin ako sa dalawang itlog at umalis na.

PAGKARATING ko sa bahay, sinalubong agad ako ni Colt.

“Mamshie, kamusta?” tanong niya.

"Ayos lang, bakit?" nagtatakang tanong ko

"Gaga, di ka nahurt na ikaw pa nagdala sa ex bestfriend mo sa ospital kasi manganganak na tapos ang ama yung lalaking mahal mo?" pang uusisa nya

"Nahh. Bat naman ako masasaktan? Masaya naman na sila at yun lang yung gusto ko makita"

Pero syempre nasasaktan ako.

Mahal ko yun eh!

Sa halip kasi na mabawasan nararamdaman ko sa kanya habang malayo ako, mas lalo lang nadagdagan.

"Fine. Alam ko naman na nagsisinungaling ka. Ikaw yan eh, si Alexa Shayna na mahilig magtago ng nararamdaman. By the way, kumain kana?"

Tumango na lang naman ako at umakyat na sa kwarto ko para magpahinga

"Lexie, ano yung anak? Babae o lalaki?"

"Hindi ko alam. Ayoko malaman kaya umuwi na din ako"

"Pero naniniwala kaba na si Franz talaga ama non?"

"Yeah why?" sagot ko dito kasi ang gaga nakatulala pa

"Hoy, napano kana diyan?" natatawang sabi ko

"Wala, wala. Punta na ko sa guestroom, magpahinga kana at baka tambak trabaho mo bukas"

KINABUKASAN, maaga nga akong nagising. Tumawag kasi sakin yung secretary kagabi ng lolo ni Colt at may importante daw silang sasabihin sa akin.

"Lexie, sabay na tayo pumunta sa work"

Someone You LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon