Twenty Six

32 4 3
                                    

NAKARINIG ako ng kalabog kaya napabangon ako at tatawa tawang napaupo sa kama nung makita na nahulog si Zia.

"Gago ka, nahulog na nga ako nagawa mo pang tumawa diyan" inis na sabi niya habang naghihilot ng pwetan niya

"Ang tanga naman kasi. Ginagawa mo? Nanghuhuli ng palaka? Luwag ng kama, nahulog ka pa" natatawa pa din na sabi ko

"Wow ha? Wow! Oo maluwag yung kama pero sino kaya dito yung ang likot matulog kaya nasipa ako at nahulog ako dito sa kama? Dapat sayo sa sahig pinapatulog eh" inis pa din na sabi niya at dumiretso na sa c.r para maghilamos

"Beshie's! Kakain na daw. Magsibangon na kayo!" sigaw ni Eunice kaya kinatok ko na si Zia sa c.r na nakatulog na ata don at di na lumabas

"Saglet! Naglalabas ako sama ng loob!" sigaw nito kaya natawa na naman ako

"Iflush mo mabuti yan ah? Mag spray ka din pabango. Amoy piste pa naman tae mo"

"Hoy Alexa, kanina ka pa ah. Sasabunutan na talaga kita makita mo, gantong panget gising ko. Makakatikim ka sakin" bwisit na bwisit na sabi niya

"Omo! Nakakatakot" pang iinis ko pa sa kanya kaya gulat ako nung lumabas siya ng cr at pinaamoy sa akin yung kanay niya na pinanggamit panghugas sa pwet niya

"Ang baboy mo talaga Zia!" inis na sabi ko at nagtatakbo siya palabas ng kwarto

"Hoy ang arte mo! Nag wipes ako. Kala mo di tumatae kingina" tawang tawa na sabi niya

PAGKABABA namin dito sa sala. Inaya kami nung mga itlogs dun sa lobby kasi may kainan pala dun kaya dun kami kakain.

Si Lance at Kai? Ewan sa dalawa na yun kung nagkabati na ba pero etong si Axel kanina ko pa napapansin na dikit nang dikit kay Kai kaya tinawag ko para makasagap ako ng chismis.

"Hoy Axel!" tawag ko dito

"Oh baket?" sagot naman nito pero nakaakbay pa din kay Kai

"May tatanong ako sayo, dito ka" seryosong sabi ko kaya lumayas sya dun sa tabi ni Kai.

Pero etong Cybele na maharot, pagkaalis na pagkaalis ni Axel, sya yung umupo dun sa tabi ni Kai kaya napapahiyang bumalik si Lance sa pwesto niya na katabi ni Eunice at Brent.

"May itatanong ako" bulong ko kay Axel kaya ang Franz na nasa kaliwa ko eh ang sama sama na naman ng tingin sa akin pero alaws ako pake kaya bahala sya diyan.

"Bakla ba si Lance at Kai?" bulong ko pa dito at ang Axel nabakla din ata kaya napahawak pa sa bibig niya na parang nagulat.

Binatukan ko naman siya kaya umayos ang loko.

"Ano nga? Bakla ba silang dalawa? May relasyon ba sila?" tanong ko ulit dito pero syempre pabulong lang

"Oo kapitana. Umamin sa akin si Kai kagabi pero kaibigan ko dalawa na yan kaya tanggap ko sila sa kung ano man sila. Kaso magkaaway kaya ayan, ako muna sumasama kay Kai para di na madagdagan selos nung siraulong Lance na yon"

Napatango tango naman ako at tiningnan si Lance na nakikipagtawanan kila Eunice pero bakas sa mata niya na malungkot siya

Isinawalang bahala ko naman muna yun at nagugutom na ko kaya kumain na muna ko.

Pero nung mag vibrate phone ko at inakala na baka si Colt yun, dali-dali ko yung kinuha sa bulsa ko.

At ganoon na lamang yung panlulumo ko na si Andreia lang pala yun.

"Alexa kumakain tayo. Don't use your phone" seryosong sabi ni Franz

"Tinitingnan ko lang naman kung nagtext si Colt, nag aalala lang ako baka kasi may nangyari na don" sabi ko dito

Someone You LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon