꧁༒R A I G E༒꧂
THE AERO EXPRESS is a private aerotrain service for passengers going to the U.K.A.-United Kingdom of Aether, especially those students invited to the academy.
It's 4:00 am, at ngayon ay naririto na ako sa subway platform, nakaitim na hoodie at dala-dala ang mga bagahe ko sa cart habang hinihintay ang tren. Napahikab na naman ako dahil sa sobrang antok, wala pa kasi akong matinong tulog simula kahapon.
"Uy! May pagkain ka? Tabi tayo mamaya sa compartment ah!"
"Tigilan mo na ako please. Sa iba ka na lang mamburaot, wala na akong pagkain parang awa mo na."
Napalinga-linga ako sa paligid at napansin ko ang ibang mga kasing-edad kong naghihintay rin ng tren. Wala akong kakilala, wala si Eleanor o Sanjiro. Baka nauna na sila o kaya naman next batch pa.
At dahil wala ako sa mood, umupo muna ako sa bench at nagsuot ng itim na earphones para makaiwas sa mga awkward silence at unwanted conversations. Pakunwari akong nagbasa ng diyaryo, buti at napansin kong baligtad ang pagkakahawak ko kaya inayos ko muli ito.
╔═════ °• ♔ •° ═════╗
A NOVICE'S GUIDE TO THE UNITED KINGDOM OF AETHERGARDE
If you're reading this right now, then you're most probably a freshman surgent-a novice-waiting to board the train.
Here are some things you need to keep in mind before stepping into U.K.A.:
◊ A very busy thing that travels in the sky, cannot be seen, but can be low or high.
It passes through screens and
modern kind of means
But you'll sigh out of boredom
because it doesn't exist in the kingdom.◊ Brace yourselves to the bone. Aethergarde is the home of mystique
and everything you've never known◊ If goodness is what you expect,
Make sure to treat others with respect◊ Do not turn your power into aggression
Magic is a gift, not a weapon◊ What you see, what you know,
when you go, keep it so.◊ When the sun sleeps, do not rome
Never ask about the Forbidden Tome.╚═════ °• ♔ •° ═════╝
༻♛༺
"ALL ABOARD!" hiyaw ng inspektor bago hipan nang malakas ang píto, senyas na handa nang maglayag ang tren.
Nakatulala lamang ako habang nakasandal ang ulo sa bintana. Sa pag-andar ng tren, ang mga kapwa kong freshmen ay nagsisipasukan na sa kani-kanilang mga compartment, ang iba'y naghahanapan pa rin ng mapupwestuhan, ang iba nama'y nagkakalampagan pa sa bitbit na mga bagahe.
"Badtrip, ang dugas naman neto! Kami dapat dyan eh!"
"Sorry, first come first serve!"
"Nyorry, merst ngam merst serb nyenyenye. Mama mo nga nauna, ba't nambabae pa rin tatay mo?"
"Ba't dinadamay mo mama ko? Siguro 'di ka mahal ng mama mo noh?"
"Mahal ako ng mama ko, eh ikaw? Mahal ka ba ng papa mo?"
At mukhang may mag-aaway pa. Maswerte talaga ako at unang-una akong nakasampa at nakahanap ng pwesto, tipong hindi pa nagbubukas ang tren ay nasa loob na agad ako. Perks of advance thinking.
BINABASA MO ANG
Aethergarde Academy
FantasyPaano kung ang babaeng ayaw magka-superpowers ay kinailangang pumasok sa isang magic academy? At paano na kung kasama doon ang lalakeng pinakakinaiinisan niya? May mas maiimamalas pa ba ang buhay niya?