꧁༒R A I G E༒꧂
ALAS DOSE ng hatinggabi, sa unang araw ng Setyembre, tutunog ang kampana nang isang beses sa isang taon. Dadagundong ito nang parang isang kulog sa bawat sulok ng bansa at mayayanig ang buong sambayanan.
At sa aking ika-labing walong kaarawan, maririnig kong muli ang kampana-at kung magkakatotoo ang premonisyon, maaaring ito na ang huli kong pagkakataon.
༻♛༺
"Happy Birthday to me," bulong ko sa sarili pagdilat ko ng aking mga mata. Ramdam na ramdam ng katawan ko ang tunog ng kampana, para bang sumasabay ang puso ko sa bawat ugong.
Kahit pa sabihing sanay na ako sa taon-taong tunog na yan, hindi ko pa rin mapigilang kabahan sa mga susunod na mangyayari.
Sa dinami-dami ng September 1 na ipinagdiwang ko, maiiba ang araw na ito.
Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko, "Raige, anak? Gising ka na ba?" malumanay na tanong ni Mama mula sa labas. Ang totoong tanong diyan ay kung natulog ba ako?
"Opo, ma," sagot ko na lang.
"Dito lang kami ni Raiden sa may living room, hintayin ka namin ah?" paalam niya.
"Okay po, wait lang," sagot ko at dali-daling itinali ang mahaba kong buhok gamit ang itim na ponytail na nakasuot sa braso ko. Tumayo ako mula sa kama at tumungo sa c.r. upang magtoothbrush at maghilamos.
Dahan-dahan akong bumaba sa madilim na hagdan, taimtim na nagdadasal. Lead me Lord, alas dose palang po ng hatinggabi. Baka kasi may biglaan na lang lumitaw na demonyo o kaya duguang multo sa harap ko tapos hatakin ako pababa tapos-
Clink! Clink! Clink!
"AY ANAK KA NG PULANG BUTETE!" Napasigaw ako nang biglang nagsibuhay lahat ng ilaw sa sala.
Prank na naman ba 'to ng nanay kong prankster? Aba 'pag ako talaga dumausdos at nabaldog pababa ng hagdanan, hindi ko kakausapin si Mama nang isang linggo.
"Happy Birthday Raige!" bumungad sa akin si Mama at ang baby cousin ko na si Raiden-my late auntie's son. After his parents died, my mom and dad adopted him, so he's like my brother now.
Sa totoo lang, ang unang nakatawag ng pansin ko ay ang hawak nilang red velvet cake, my favorite, na may nakatusok pang number 18 candle na hindi pa nasisindihan.
Okay bati na pala kami.
"Oh dali na baby, kanta na ikaw kay ate ng Happy Birthday!" bulong ni Mama kay Raiden bago sindihan ang kandila.
Agad namang pumalakpak si Raiden habang nakangiti. Five years old palang siya kaya kitang-kita ang iilang baby teeth niya at nag-iisang bungi na pangil.
BINABASA MO ANG
Aethergarde Academy
FantasiaPaano kung ang babaeng ayaw magka-superpowers ay kinailangang pumasok sa isang magic academy? At paano na kung kasama doon ang lalakeng pinakakinaiinisan niya? May mas maiimamalas pa ba ang buhay niya?