꧁༒R A I G E༒꧂
THE WHITE HALL was never empty, but it felt like I was alone. People pass by from time to time but it felt like nobody was there at all.
Sa isang iglap lang ay tila nag-iba ang takbo ng oras sa paligid ko. Tila ba nag-iba ang takbo ng oras sa malamig na pasilyo. Wala akong ibang naririnig kundi ang tunog ng bawat hakbang ko at ang bawat tibok ng puso ko.
As soon as I walked out of the white room, everything else became a blur. I couldn't remember the last time I blinked nor the last time I breathed-or if I even did.
Biglang may naramdaman akong balikat na bumangga sa akin. Pagtingala ko ay tumambad sa akin ang isang pamilyar na lalaking mohawk ang buhok. 089. His number tag says 089.
"Oh," he chuckled sinisterly. "Look who we got here."
Nanlalabo na ang mata ko kaya wala na ako masyadong maaninag, ngunit nang marinig ko ang boses na iyon ay agad ko itong nakilala. Tyron.
"Watch your step, dumbass," he said in a raspy voice. Even that small bump and the sound of his voice made my head hurt, I would normally say something but I was too dazed to speak.
"What?" he looked at me up and down as I stayed quiet. "Can't even fucking take the Trial without getting knocked out, can you?" natatawa niyang panunuya.
Marahas niya akong tinulak, "You don't even have to be annunciated to know you're a stupid dormant," rinig kong sabi niya bago siya naglakad papalayo.
Napatingin muli ako sa kanya ngunit wala siyang ibang ginawa kundi taasan ako ng middle finger bago siya tuluyang maglaho.
Oh boy, you don't know much I'd wished I were just a stupid dormant.
"Raige?" I heard a voice call my name from the end of the hallway.
Dahan-dahan akong tumingala. Nanlalabo man ang mata ay pilit ko pa ring tinanaw ang babaeng nasa malayo. Mabilis siyang naglakad patungo sa akin ngunit tuluyan na akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi na ako masyadong makakibo kahit kakaunti.
"Raige, are you okay?" naramdaman ko ang kamay niya sa magkabilang balikat ko.
"Eli," I sighed and felt relieved as soon as I recognized her voice and those familiar, circular silver eyeglasses. "I'm alright," I put up a faint smile.
That was until I sensed something slowly dripping out of my nose, then down to my lips. Cautiously, I brought up my fingertips to touch it.
Blood.
Matapos tumulo ang mga patak ng dugo sa puting sahig ay biglaang nagsirko ang paningin ko. Nagdilim ang lahat, at tuluyan akong tinakasan ng lakas.
༻♛༺
O M N I S C I E N T
BINABASA MO ANG
Aethergarde Academy
FantasiPaano kung ang babaeng ayaw magka-superpowers ay kinailangang pumasok sa isang magic academy? At paano na kung kasama doon ang lalakeng pinakakinaiinisan niya? May mas maiimamalas pa ba ang buhay niya?