꧁༒E L E A N O R༒꧂
WELCOME TO AETHERGARDE, the sign said. Aethergarde is known as the capital of U.K.A.—the United Kingdom of Aetherholmes.
Gabi na nang lumapag ang tren at tumigil sa city village. Karamihan sa mga residenteng naabutan namin dito ay may mga dala-dala nang lampara bilang ilaw sa daan.
Gas lamps. Oil lanterns. Old. Old era...
This place is overwhelming. Para akong na-transport into a whole new dimension. Kakaiba at makaluma ang kasuotan ng mga tao rito, maski ang disenyo ng mga arkitektura, parang katulad nung mga nababasa ko sa libro.
Middle ages—cobblestone paths. Medieval— stone vaults. Romanesque—clustered columns. Medieval gothic—sharply pointed spires.
I heard this place was an old empire: a nation of six united kingdoms, based from what I've read.
"Eli!" bungad sa akin ni Jiro.
"Yep?" sagot ko.
"Where's Raige?" aniya. Lumilinga-linga din siya sa paligid tulad ko. Nahihirapan kaming tanawin ang mga tao dahil makulimlim na.
"Maybe they haven't landed yet—oh. There they are," turo ko nang sa wakas ay dumating na ang pangalawang tren.
Nagbukas ang pinto ng tren at nagsilabasan na ang mga kabataang kasing-edad lang namin.
"Hala? Mali ata tayo ng nababaan pre. Sabi ko sa Blumentritt lang eh."
"Hahaha, sira! Bilisan mo na dali!"
Bakas sa mga mukha nilang lahat ang pananabik at pagkamangha sa lugar. Akala ko mahihirapan akong hanapin si Raige pero nang maaninag ko ang isang babaeng nakabusangot, mukhang maghahamon ng suntukan, at tila ba may kaaway na lalake ay sigurado akong siya na 'yun.
Natatanaw ko siyang may kausap na matangkad na lalaki at parang may pinagaawayan sila. Tumuro pa si Raige sa kabilang direksyon at pumayag na lamang ang lalaki bago sila naghiwalay ng landas.
"Raige!" sigaw ko, kaso mukhang hindi niya ako naririnig kaya sumigaw muli ako. "Raige! Over here!" hiyaw ko sabay wagayway ng kamay. Sa wakas ay napalingon siya sa kinatatayuan namin.
"Eliii!" biglang nag-iba ang ekspresyon niya nang makita ako. Mula sa pagiging demonyo ay nagmukha siyang bata na nahanap ang nawawalang ina.
Tumakbo siya sa akin at inundayan ako ng yakap na parang sampung taon na kaming hindi nagkikita.
"We literally just met yesterday," tawa ko.
BINABASA MO ANG
Aethergarde Academy
FantasyPaano kung ang babaeng ayaw magka-superpowers ay kinailangang pumasok sa isang magic academy? At paano na kung kasama doon ang lalakeng pinakakinaiinisan niya? May mas maiimamalas pa ba ang buhay niya?