I don't want anyone to see me crying, It's stupid, but I don't know why I can't stop my tears from falling
Here infront of this girl, I don't know but somehow I felt relieved
Nang kumalma ako ay pinunasan ko na ang luha ko at dahan-dahang tumingin sakaniya, nahihiya ako dahil nakita niya pa akong ganun
Pero bigla akong napangiti ng mapansin ko kung gano kahigpit ang yakap niya sa gitara ko na parang ayaw na niya itong pakawalan
I tried to get my guitar from her pero lumalayo ito at inilalayo ang gitara mula sa'kin, sumimangot pa ito halatang ayaw nitong ibigay sa'kin yung gitara
"My guitar" napakamot ako sa ulo ng matandaan kong hindi pala ito nakakarinig kaya, kinuha ko ang phone ko at nagsimulang magtype saka ipinakita dito
Tumingin lang ito sa'kin saka kinuha yung notepad niya, nilapag sa may upuan sa likod niya yung gitara para siguro hindi ko kaagad makuha kahit pa nagsusulat siya, she's smart uh
'Baka sirain mo' sulat nito
'Hindi na'
'How can I be sure?'
'Dahil akin yan.'
'Sisirain mo nga eh'
'Hindi na nga, kulit!'
'Ipangako mo na pag binigay ko 'to sayo, hindi mo sisirain'
Nagtaas naman ako ng kamay tanda na nangangako ako, napatango naman ito. Tiningnan muna ako nito ng matagal bago nito kinuha ang gitara saka binigay sa'kin
'Pwede kang magkwento sa'kin' nakangiti nanaman 'to sa'kin parang kanina lang ansama ng tingin nito sa'kin ah
'Wag kang magalala, hindi ko naman maririnig kaya wala din akong masasabi' pangungumbinsi nito habang ipinapakita ang notepad nito na may nakasulat
She'll never hear me. That's good, right? She can never say anything nor judge me
I don't know why but letting myself tell my story to this uknown girl somehow felt comfortable
Nakatingin lang ito habang nagsasalita ako, kung hindi ko lang alam na may kapansanan ito sa pandinig surely, masasabi kong alam na nito ang lahat sa buhay ko
At sure din akong hindi ko kakayaning ikwento sakaniya lahat
Masarap din palang magkwento sa taong 'di mo kakilala, I can't see any judgement in her eyes
Remember, she can't hear you that's why, pero kung naririnig niya ang mga sinasabi mo ngayon sigurado akong sasabihin niyang selfish ka
For putting yourself first than your father
Napatingin ako sa relong suot suot ko, mukhang napatagal ata ang pagkukwento ko, narinig ko rin na nagvibrate ang phone ko
Nakita ko ang message ni tita sa'kin sinasabing gising na daw si dad
Kaya napatayo na ako, napatayo din ito saka nagsulat sa notepad niya
'Anong oras na pala, kailangan ko ng umalis baka hinahanap na ako' nagpaalam naman 'to habang nakangiti kaya tumango nalang ako dito
Her pov.
I can't hear what he's telling me but I can clearly see how he's breaking while he's talking
Sino kaya ang nanakit sakaniya?
Kung naririnig kaya kita, will you tell me your story like what you are doing now? Napangiti ako, siguradong hindi
He doesn't know you, he just use this opportunity because he know that you can't hear anything
Hindi ko namalayan na anong oras na, napatayo lang ako ng napatayo din siya, pagkita ko sa cellphone ko naparami na pala ang text sa'kin ni nanang
Sigurado akong nagaalala na 'yun sa'kin, kaya nagmamadali akong nagpaalam dito saka tumakbo
![](https://img.wattpad.com/cover/226755306-288-k477166.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Song
General FictionOur lyrics was always incomplete, chords was never compatible and the tune was out of place. Wondering, how can we create a masterpiece in a world where the music of our hearts was misplaced. When everything feels so hopeless, will you listen to our...