Few hours and I am back in the Philippines, hindi ako dumiretso sa bahay, alam ko naman ang mangyayari,.Napakunot ang noo ko ng may maabutan akong tao sa pwestong lagi kong tinatambayan.
Siya nanaman?! Para 'tong may hinihintay
Pabalik na sana ako ng biglang may kumalabit sa'kin kaya napaharap ako dito.
Napataas naman ang kilay ko ng nakayuko ito habang hawak-hawak ang isang note pad na may nakasulat na, 'I'm sorry', nang tingnan ko ulit ito ay nakangiti na itong nakaharap sa'kin
Ano bang ginagawa nitong babaeng 'to?
Inilipat naman nito ang page na may nakalagay na 'I'M SORRY', sa susunod na pahina may nakasulat nanaman,
'Hindi ko sinasadyang pumasok sa kwarto mo' nilipat nanaman nito ang pahina
'sobrang nacurious lang talaga ako kasi nakabukas ang pinto kaya sumilip ako' napatingin naman ako dito, nakayuko ito.
Inilipat ulit nito ang page, 'Sorry ulit'.
Anong trip nito? Nakita naman nito na nagtataka ako kaya nagsulat ito sa hawak-hawak nitong note pad. 'I'm a deaf and a mute'. Kaya pala
I feel a bit guilty dahil sa mga nagawa ko dito but I didn't showed her and nodded.
Ngumiti nanaman ito, hindi ba siya napapagod ngumiti? Tumalikod na ako dito
Her pov.
Kailan ko kaya ulit siya makikita? Madalas na akong sumama kay nanang pag mamimili siya pumupunta kung san' ko siya unang nakita. Wala man'g kasiguraduhan pero hindi naman sigurong masama kung aasa ako diba?
Hindi naman nagtatanong si nanang kung san' ako nagpupunta pag iniiwan niya ako sa labas ng pamilihan
Madalas akong magpunta dun sa lugar kung san' ko siya unang nakita, malapit lang kasi yun sa pamilihan
Siya yun! Bago pa siya tuluyang makaalis ay lumapit na ako at kinalabit 'to
Nakita ko ang pagtaas nanaman ng kilay nito, napatingin naman ito sa notepad kong may nakasulat na 'I'M SORRY'
yun kasi talaga ang dahilan kung bakit ko siya inaantay, I want to apologize personally because of what I've done
Alam kong mali yun, I shouldn't have done that, nilipat ko na ang ilang pang mga pahina para mabasa nito
Mas lalong nangunot ang noo nito dahil sa binabasa, siguro natural reaction niya na ang sumimangot, magtaas ng kilay at kumunot ang noo madalas kasi sa tuwing nagkikita kami 'yun ang laging ekspresyon sa mukha niya
Sigurado din akong nagtataka na ito dahil sa ginagawa ko, buti nalang lagi akong may dalang panulat kung sakali
'I'M A DEAF AND A MUTE' sulat ko
Mukhang naintindihan naman na nito dahil sa pagtango nito kaya nginitian ko muna ito bago ito tumalikod at tuluyang umalis
I forgot to ask his name! Sayang! Napangiti ako natandaan ko yung bidang lalaki dun sa kwentong binabasa ko, yung itsura kasi nito ay may pagkakapareho sa description nung sa binabasa ko
Intense gray eyes, broad shoulders, pointed nose and a fair skin perfect for a god-like features. He's also tall, maybe 6'0 flat, I dunno
but unlike the lead guy on the story. this guy looks rugged and has this kind of aura telling you 'not to go near me'
He has this unshaven moustache under his nose and chin and a long shoulder length dark hair that added to his looks kaso mukhang suplado saka masungit
Naabutan ko si nanang na hinihintay ako sa kung saan niya ako iniwan kanina, ngumiti naman 'to pagkakita sa'kin saka ginaya ako papasok ng sasakyan
Ilang araw din akong hindi nakasama kay nanang pumunta sa pamilihan
Tama nga ako, nandito siya, napansin ata nito na may nanunuod sakaniya kaya napatigil ito sa pagtugtog ng gitara saka napatingin sa gawi ko
Masama ang tingin nito ng dumapo sa'kin, naistorbo ko ata siya. Niligpit nito and dala-dalang gitara, mukhang aalis ito ng dahil sa'kin kaya nagsulat kaagad ako
'Pasensya na kung naistorbo kita' pinakita ko dito ang sinulat ko
'Wag ka ng umalis' pakiusap ko
'pangako hindi ako gagawa ng kahit ano na makakaistorbo sayo'
Naglakad ako palapit sa pwestong malayo sa kinaroroonan nito
'Dito lang ako, please' pakiusap ko pa
Hindi ito tumango bagkus ay inilipag nito ang gitara saka tinuloy ang ginagawa kanina
Nakahinga naman ako ng maluwag, buti nalang. Napatingin ako sa gawi nito, mukhang magaling siyang maggitara, maganda kaya ang boses niya? Nakikita ko kasi mula dito ang paggalaw ng bibig nito kasabay ng pagtugtog niya
Hindi 'ko alam pero napangiti ako, matagal ko ng gustong maggitara pero pano? Hindi ko maririnig ang tunog nito, pano ko malalaman kung tama ako?
Isang beses nakita ko ito, akala ko 'di siya pupunta pero dumating siya kaya napangiti ako, gusto kong itanong kung anong pangalan niya pero di ko alam kung pano
Hindi ata nito napansin na may ibang tao bukod sakaniya
Umiiyak ba siya? Dala-dala nito ang gitara na lagi nitong tinutugtog, napalaki ang mga mata ko ng mapansin kong may balak 'tong sirain 'yun
Kaya mabilis kong kinuha ang gitara mula dito, dahil siguro sa adrenaline ko nagawa kong agawin mula dito ang gitara
Napatingin naman ito sa'kin, bakas ang gulat. Pero imbes na matakot ako sa kung anong kayang gawin niya sa'kin dahil sa pangengealam ko, mas natakot ako sa kung anong nakikita ko sa mga mata niya
Takot, sakit, poot, pagod at galit. Sino ka ba? Bakit parang andaming emosyon sa mga mata mo?
His pov.
This is shit.
What did I've done wrong to deserve this?!
Is it wrong to choose something you want, something that will makes you happy?
Why it is so unfair?
Baka tama sila, ako yung mali,
na all this time I'm fighting for a thing that will never for me,
Bakit kailangan may madamay pa? Si Dad, he wanted me to quit music pero hindi ako nakinig dahil sabi ko dito ako masaya
pero pano kung tama si Dad? Na hindi lahat ng bagay na makakapagpasaya sayo ay tama at mabuti
That I should give up and do what he wants, kung 'di dahil sa'kin Dad will never be there in the hospital
He had an heart attack when we were in the middle of our conversation, likewise before, it was about me running the company and quitting music
Am I too selfish?, To watch my father suffer instead of cutting myself from music
I stare at the guitar I'm holding, this is the gift my mother gave me when I was 7, the last gift before she died
Buti nalang may napigilan niya ako bago ko ito masira,
'I'm sorry mom, I'm sorry'. Hingi ko ng tawad dito habang nakatingin sa itaas
That's when I found myself crying infront of this uknown girl...
![](https://img.wattpad.com/cover/226755306-288-k477166.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Song
General FictionOur lyrics was always incomplete, chords was never compatible and the tune was out of place. Wondering, how can we create a masterpiece in a world where the music of our hearts was misplaced. When everything feels so hopeless, will you listen to our...