Chapter 6

434 186 38
                                    

Hello again! Sino po gustong magpa dedicate? Just leave comment or message me. I'll grant your wish😊😚

Here you go this chapter, hope you like it.

I will Dedicate this chapter to my beloved Bibi!clove_allure😚

Hope you enjoy reading 🖤

______________

Chapter 6: Vision


Winter's POV

Alas Singko na ng umaga, kaya naman naisipan kong mag jogging.
Suot ko ngayon ang jogging pants at isang sports bra na itim. Inipit ko ang buhok ko pataas.


Tumingin ako sa aking repleksyon sa salamin.


Napansin ko na mas lalong tumingkad ang aking buhok at kulay ng mata.



Mas naging dark green ang mata ko. Pinagmasdan ko ang itsura ko mula sa buhok hanggang sa kilay kong makapal na perpekto ang pag kakaayos, sa mahabang pilik mata at matangos kong ilong, sa namumula kong pisnge at labi. Wow. Ang ganda ko pala talaga.


Napailing nalang ako at lumabas na. Mag jojogging ako sa tarangkahan, palabas ng mansyon, mayroon kase akong secret place dito sa gubat sa likod ng aming mansyon.


Sinimulan ko ng magjog. Pinagmasdan ko ang kalangitan, Bahagyang sisikat palang ang araw kaya hindi ako naiinitan.



Kung tinatanong nyo kung may kaibigan ako? Wala. Ayoko sa mga peke at plastic, mas gugustuhin kopang mag isa nalang kesa pakisamahan ang mga ganyang tao.



And besides, I prefer doing things alone. I prefer myself. Lumaki akong independent na babae. Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit sino except for my uncle.


I'm cold to others, it's just that, hindi ako sanay na ipakita ang totoo kong ugali.





Only uncle knows me. Sa kanya ko lang pinapakita ang pagiging makulit at  pagiging isip bata.



I've mastered different techniques on fighting. Yes, pinag aral ako ni uncle ng iba't ibang uri ng pakikipaglaban. Weird.


Inisip kona lang na baka para maprotektahan ko ang sarili ko. Since, sikat syang business man maraming nagtatangka sa kanya. At baka madamay ako.


Sa pag jo jogging ko ay nakarating ako sa isang lawa rito sa gubat. Umupo ako sa bato at tumitig sa tubig.



I wonder kung alam ba ito ni uncle? Maybe yes or maybe not. Asul na asul ang kulay ng tubig sa ilalim. Weird again. Unlike sa ibang lawa dito sa pilipinas kulay green or light blue ang kulay ng tubig pero dito sa lawa sa gubat ay asul na asul. Na parang pag sumisid ka ay para kang nasa ilalim ng malawak na karagatan.




Lagi ako rito tuwing malungkot or pag bored ako sa mansyon. Hindi naman kase ako sobrang gala at hindi rin ako spoiled brat.




Tumayo ako at nag stretch ng katawan, pagsilip ko sa aking relo ay mag aalasais na.



May pasok pako, kaya naman umalis nako sa lugar na iyon.







NAKASAKAY ako sa aking skateboard papuntang school. Nasa likuran ko ang Gitara, wala akong dalang bag. Isang notebook lang at ballpen na nakalagay sa pocket ng cover ng gitara.

ARZELIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon