Chapter 8

373 163 22
                                    

Waaah! Happy 1K reads Arzelianians!
Thank you so much sa mga nagbabasa! Dahil jan more update this week! Hope you love reading this!

I Dedicate this to my Beloved bibi Admin Seshat_Athene 😚😚


Chapter 8 : Accident



Winter's POV

I was so scared that something bad will happen to my uncle. He's the only one family i have. I can't take it anymore  kung mawawala pa sya.


Sya nalang ang may kayang humandle sa ugali ko. Cause I don't think someone can handle me and my shits.


Nandito kami ni uncle sa underground ng bahay namin. Training room namin ito.



Napakalawak nito, kung gano kalaki ang mansyon ganon den rito sa baba.


Meron ding mga tools and equipment rito. Nandito rin ang Laboratory ko.
Invention rooms and my other stuff.


Nandito ren ang mga kotse kong limited edition. Lumingon ako sa bahaging kaliwa at doon nakita kong Hanay-hanay  na mga collection ko na sports car at motor.


Hindi ako spoiled sa mga make up or other girly stuff mas trip koto kesa sa mga ganyan.

"Ayos naba ang pakiramdam mo?"

Narinig kong tanong ni uncle kaya naman napalingon ako sa gawi nito. Hawak nya si spade at clifford.


Ang paborito kong katana, dalawa ito. Tinatawag ko itong twin katana dahil sa magkaparehong magkapareho ito. Regalo nya sa akin noong labing limang taon pa lamang ako.

Tumango nalang ako sa kanya at lumapit.

"Tara magpapawis tayo my niece, namiss ko makipag bonding sayo e"


Hindi ko sya sinagot at agad kung kinuha si spade sa kanya, pano ko nalaman na si spade yon? May kulay asul na dyamante sya sa hawakan. Samantalang green naman ang kay clifford.


Agad ko itong iwinasiwas sa kanya. Agad syang napa atras sa naging galaw ko.


Sinabayan nya ang bilis ng pagwasiwas ng katana ko sa kanya. I was trained by him personally, kaya alam nya ang bawat galaw ko. Ngunit hindi sa pag kakataong ito.


Ng makakita ako ng butas ay agad akong nagpakawala ng sipa sa kanyang sikmura at mabilis syang tinutukan ng katana sa leeg, ngunit iniharang nya ang hawak na katana at   agad akong tinalisod sa kaliwang paa.


Kaya naman agad kong binalance ang aking sarili upang hindi matumba.


Agad akong yumuko ng makita kong ihahampas nya sa ulo ko ang katana na para bang pupugutan ako ng ulo. Shit muntik na! Kung di pako yumuko baka pugot na ang ulo ko.

Naging mas agresibo pa ang palitan namin ng pag iwas at pagwasiwas ng katana sa isa't isa. Tila walang balak sumuko at mag patalo samin.

Sa pag ilag ko nahagip ang buhok ko! Walastik! Wag ang buhok ko! Tumigil ako at agad kong tinignan ang aking buhok.


Napamura nalang ng makita kong hindi na pantay ang mahaba kong buhok.


"Uncle naman ih! Bakit mo pinutol? Alam mo naman kung gano ako kaingat at kaalaga sa buhok!" Asik ko rito.


"See? You're back being you again. Feisty and brave. And matabil ang dila."

Napatahimik naman ako sa naging turan nya. Oo nga, kanina kase takot na takot ako. Ewan koba.

ARZELIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon