Jandrei.
Inaya ako ni kuya na pumasok sa loob ng bahay at pumunta sa kwarto upang makapag-pahinga.
"Magpahinga ka muna dyan,kumain ka na ba?!".nag-aalala pa rin ang tono niya
"H-hindi pa,pero okay lang kahit wag na!".nakangiting wika ko
"Manahimik ka!kumain ka at mahirap ang malipasan ng gutom!ano porket broken hearted ka magkukulong ka na din?!hindi kakain?!hindi matutulog?!magkukulong sa kwarto?!tapos mag papakamatay?!".sermon at sunod sunod na tanong niya
Ay grabe siya!kuya wag ganyan!
"Grabe ka kuya!i wont do that!".natatawang pagtanggi ko na totoo naman
"Tsk!pinatawa lang kita geh na kuha na ako ng pagkain".pag-papaalam niya na nginitian at tinanguan ko lang
Ng lumabas na siya ng kwarto ay nanatili lamang akong nakaupo sa kama habang nakatulala.
Naiinis na ako sa sarili ko dahil dahan dahan na namang rumerehistro sa isip ko si Jayrie....
Umiling-iling ako para mag-isip ng ibang mga bagay....
Ngunit sadyang pati isip ko ay pinaglalaruan ako dahil siya at siya pa rin ang pumapasok sa isipan ko!
Muli ko nanaman naramdaman ang maiinit na likido sa gilid ng aking mga mata,
Muli ko nanamang naramdaman ang sakit sa puso ko,
Muli ko nananamang naalala ang bawat masasaya at magagandang memorya naming magkasama,
Lahat lahat ay nagbabalik......
Naramdaman ko na lang na umaagos na ang aking mga luha......
Bumukas ang pinto at iniluwal non si kuya na may hawak na plato at baso na may lamang tubig at pagkain,
Nag-alala siya bigla ng makita niya ang luha sa aking mga mata kaya dali-dali kong pinunasan iyon,
Umiling siya at tsaka inilapag ang pagkain sa lamesang katabi ng kama ko,
"Masaket noh?".mahinang tanong niya
"Kuya naman eh!".suway ko sa kanya
"Tinatanong kita!Masaket noh?!".natatawang aniya
"Ikaw kaya ang pag-pustahan kuya".sigaw ko sakanya
"He shouldn't hurt you Jandrei dahil pagsisihan niya ang ginawa niya sayo".mahinahon man ngunit mababakas ang galit sa tono ni kuya.
Ano naman kaya ang balak nito?!....
"Ano naman ang gagawin mo kuya?!".agaran at nagtatakang tanong ko
"As what i've said before,makikita niya ang tunay na lungga ng mga demonyo!".nakangising wika ni kuya na siyang dahilan ng pag kabuhay ng kaba sa dibdib ko
"K-kuya please don't...".pakiusap ko sakanya
"Naawa ka pa noh?".aniya
"J-just please kuya wag,ayoko".nakikiusap na talagang wika ko
"Mm,sige,kuya is just here okay?!Magpahinga ka na J.R!".bigla ay asar niya
"Kuya naman eh!".palo ko sakanya bago siya natatawang umalis
Humiga na ako upang matulog at magpahinga ngunit muli nanaman naglayag ang isip ko.
Mahal na mahal kita Jayrie,pero bakit?!
Minahal kita!pero anong ginawa mo?!
Read👉Vote👉Comment👉Follow👉Share
Thank you<3
YOU ARE READING
MISSION:Make her fall inlove(COMPLETED)
Romantik{UNEDITED} Jandrei Rene Santiago-isang simpleng babae na may kahirapan sa antas ng buhay ngunit may pinag-aralan,Isa rin siyang Certified loner at walang pakielam sa paligid maliban na lang when it comes to her study.... Jayrie Mark Enrique-Isang Ma...