CHAPTER 14

102 35 0
                                    

Jandrei.

Hindi ko narinig ang sinabi ni Jayrie noong nagpunta kami sa park dahil labis-labis ang hina nito at ng itanong ko ulit sa kanya kung ano iyon hindi ko naman naintindihan ang sagot niya dahil salungat iyon sa tanong ko at iba one more thing is masyadong mahaba ang sagot niya kumpara sa una niyang sinabi.

Isa pa ano ba ang dapat kong maramdaman kaysa sa marinig?

Tinalo naman nitong iniisip ko yung math kanina powtek parang mas nahihirapan pa nga ako dito sa iniisip ko kumpara doon sa lesson.

Inilabas ko ang cellphone ko para magtingin-tingin sa news feed ko.....

Kahit papaano naman ay nakakasabay at nakakapagpundar ako ng makabagong bagay o teknolohiya though hindi ganon kasosyal o kamahal in short katamtaman lang ang presyo at simple lamang.

Pagbukas ko ng account ko nakita ko agad na may friend request doon at laking gulat ko ng makita ko ang pangalan ni Jayrie

Notifications:
Jayrie Enrique sent you a friend request.

Bukod doon ay nakita ko rin ang account at mga pangalan nila Clarence at Clark.

Clarence Hontiveros sent you a friend request.

Clark Hontiveros sent you a friend request.

Kung ganoon ay Hontiveros ang kanilang apelyido.

Nagdalawang isip pa ako kung i-aaccept ko ba sila o hindi ngunit sa  huli ay inaccept ko na rin.

Tutal wala naman akong ginagawa ay nag-stalk na lang ako sa account ni Jayrie.

Puro lamang iyon pagpapacute at pagpapagwapo sa mga babae.Tsh napaghahalataang player ang kowpal!

Ieexit ko na sana sa app ng may magchat sa aken at ng tignan ko iyon ay nakita ko ang pangalan nanaman ni Jayrie.

Tinignan ko yung chat head at iniopen iyon tsaka ko nabasa ang mensahe ni Jayrie.

Jayrie Enrique            Jandrei Santiago

  
Go to the gymnasium please Mahal<3

Baket?

Just go,trust me!

Sa halip na magreply pinatay ko na ang phone ko at bumaba.

Ang dami naman kasing alam ng lalaking yon,ano naman kayang gagawin ko sa gym?maglalaro mag-isa hayst kowpal talaga.

Ng malapit na ako sa gymnasium natanaw ko kaagad ang nagdadamihan studyante at may mga palamuti tulad ng mga lobo ng puso at bulaklak ngunit dahil hindi ako ganoon kalapit ay hindi ko masyadong matanaw kung litrato ba ang nakasabit.

Ano nanaman kaya ang meron?

Ng makatapak na ako sa loob ng gymnasium nagtitilian ang iba habang ang iba naman ay nakangiti lamang habang pinapanood akong pumasok.

Ako ba talaga?

Saktong lalapit ako sa gitna kung saan tanaw ko si Jayrie na may hawak na gitara ngunit saktohang nandito ang dalawa niyang kaibigan na si Clarence at Clark at iniabot sa aken tig-isang kulay pulang rosas at sinabing magtuloy ako sa paglalakad at kahit ako man ay nagtataka ay sinunod ko na lamang sila ng nakalapit na ako kay Jayrie ay iniabot niya sa akin ang ikatlong pulang rosas kaya kahit sobra na akong naguguluhan ay tinanggap ko iyon at ng magkaroon ako ng tyansa ay duon ko lamang nasuyod ang paligid naroon ang mga stolen shot ko na litrato na hindi ko alam kung kailan at kung paano't bakit niya ako nakuhaan at kinuhanan ng litrato,may litrato ako nung nasa park kame,stolen rin iyon at mukhang hindi ko alam at nararamdaman na kinuhanan niya ako ng litrato naroon din ang ilang kuha ko sa library at kung saan saan.

MISSION:Make her fall inlove(COMPLETED)Where stories live. Discover now