CHAPTER 8

116 41 1
                                    

Jandrei.

Gabi na ko nakauwi ng bahay at agad na lumapit sa aken si tita ng may pagtataka sa mukha.

Pano ba naman hinatid nga, hindi naman ako tinulungan nung Jayrie na yun na magbitbit ng mga binili niya.

Oh diba ang gentleman!

Di na nga ako nakapasok dahil sa kanya eh tapos haysstt!

"Oh Jandrei napakarami mo namang dala".saad ni Tita Lena habang tinutulungan ako magbuhat.

"Thank you tita".pasalamat ko dito at tinanguan lamang ako

Lumabas naman ng banyo si kuya.

"San mo nakuha pambili niyan?".agarang tanong ni kuya.

"May nagbigay kuya".sagot ko na lamang at mukhang di siya naniwala.

"Oo nga kuya promise".pagpilit ko.

"Wala naman akong sinasabi ah".sabay tawa ni kuya

"Eh kasi yung mukha mo eh---".paliwanang ko

"Baket gwapo ba?".ngisi niya pa.

"San po banda kuya?".asar ko naman.

"Oy JR wag mo ko ginaganyan ah!".kunyari galit peri halatang nangaasar.

"Wag ko nga ako tawaging J.R hindi ako lalake okay!".sita ko sakanya.

"Whats wrong with that?Jandrei Rene--J.R for short?tomboy ka nga rin ata eh".pagpapatuloy niya sa pang-assar.

"Ikaw nga Andrei-A eh!".patol ko naman

"What?Andre--ano?".takang tanong niya

"Oh tignan mo kung sino pikon!".asar ko pa.

Andrei Rem Santiago ang tunay na pangalan ni kuya at Lena Santiago naman si Tita Lena dahil kapatid siya ng tatay namen ni kuya.

"Halina't kumain na kayo bago kayo magkapikunan".pag-aya sa amin ni tita kaya sumunod na lang kame.

Kumain na lang kami ng tahimik pagkatapos ay pumasok na kame sa kani-kanilang kwarto.

Kahit papaano naman ay may sapat na laki at kwarto ang bahay na tinitirhan naming tatlo,makakagalaw pa naman hehe.

KINABUKASAN paglabas ko ng kwarto tapos na si kuya magbihis at nakahanda na rim siya samantalang si tita ay naghahanda ng kakainin habang ako eto maliligo pa lang.

Ang aga nila much!

Matapos maligo ay kaagaran akong nagbihis para makakain na rin kasabay si kuya.....

Ng makaupo ako sa upuan ay may narinig kaming bumubusina sa labas.

Sino naman kaya?

Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni tita at sinabing siya na lamang kaya naupo na lang ako.

"Iha!Jandrei may naghihintay sa iyo sa labas".sabi ni tita na abot langit pa ang ngiti.

Luh?

"Sino po tita?".tanong ko.

"Manliligaw mo raw?ikaw ha di ka nagsasabi ah?dalaga ka na talaga!".tukso pa ni tita.

Manliligaw?

"Hala tita sino pong manliligaw?wala ho akong alam?".takang tanong ko.

"Hoy JR anong manliligaw?".si kuya naman.

"Wala nga kuya!hindi ko alam!".pilit na pagtanggi ko pero tinignan niya lang ako ng masama.

Kaya tumayo na ako at pumunta sa labas---

Laking gulat ko ng makita ko nanaman Tong Jayrie na toh!!!

Naku naman talaga!hindi lang player toh!maninira din ng buhay jusme!

"Hoy bwiset baket ka nandito?anong sinabi mo kay tita na manliligaw kita ha?!".sigaw ko agad sa kanya.

"Totoo naman ah".ngisi niya pa.

Ano daw!!!???

"Anong totoo ha?!eh hindi nga kita kilala masaydo maliban sa first name mo?!tapos ni hindi nga tayo clos!!!anong sinasabi mong manliligaw?!nahihibang ka ba?".sigaw kong muli sa kanya.

"Jandrei!halika nga't papasukin mo yam bisita at wag mong sigawan!".tawag sa akin ni tita mula sa loob.

Tinignan ko ng masama tong Jayrie na toh pero ang loko tinawanan lang ako.

"Ano ba ang pangalan mo iho?".tanong ni tita habang si kuya seryoso at walang mababasang emosyon sa mukha.

"Ako po si Jayrie Mark Enrique".pagpapakilala nito.

Jayrie Mark Enrique pala ha?

"Totoo bang manliligaw ka ni Jandrei".

Sa tanong na iyon ni tita ay panay ang iling ko.

"Nais ko pong maging manliligaw niya at narito po ako upang hingin ang inyong permiso".paliwanag niya ng may pangiti-ngiti pa

"Aba payag ako siyempre basta sa ikasasaya ni Jandrei".tuwang tuwa pang sabi ni tita.

"Tita!".suway ako pero tinaasan lang ako ng kilay.

Haystttt naman,Naniniwala kayo dyan?naku naman ano ba tong nangyayari sa buhay ko!baket ako pa!!!!

Mas kinabahan ako ng lumapit dito si kuya.

"Once you hurt my sister makikita mo ang tunay na lungga ng mga demonyo".madilim ang matang aniya.

Naku naman!!!

Tumango lamang si Jayrie

"I'll make sure that i'll take care of her and i'll never hurt her".ngiti pa ni Jayrie.

Naku!isa kang malaking sinungaling!

'Player ka nga eh diba?Never never hurt pero di mabilang sa daliri ng tao yung mga babaeng pinaglaruan at sinaktan mo,malay ko ba kung maging isa ako dun'.

Gusto kong isigaw sa kanya ang mga nasa isip ko pero hindi ko magawa.

Haysst.

Nagpaalam siya na ihahatid na ako...labag man sa loob ko hinayaan ko na lang.

Hay buhay!

A/N:Have you noticed on the previous chapter na ang apelyido ni Jayrie ay Santiago,that's a mistake im sorry,Enrique was his real surname and naedit na.

Thank you<3

Read👉Vote👉Follow









MISSION:Make her fall inlove(COMPLETED)Where stories live. Discover now