Jandrei.
"It's a surprise".Jayrie said with a smile
Ohhhkayyyy!
Nakakabwiset toh laging nakangiti baka mahu-------
"Ano nga palang paborito mong lugar?Mahal?".nakangiting tanong niya
"Pwede ba don't call me Mahal!".inis na sabi ko sakanya na ikinatawa niya
"Baket naman?what's wrong with that i mean.........."sandali pa siyang tumigil at ngumisi."tatawagin na rin naman kita non soon".dagdag niya pa.
"Asa ka!".sigaw ko nalang at nanahimik
"Aasa talaga".bulong niya pa na halata namang narinig ko kaya napairap na lang ako.
Napansin kong kanina pa tumitingin sa side ko si Jayrie.
Ano nanaman kayang balak ng kowpal na toh?!
Ng naging pula ang traffic light bigla siyang prumeno at tumingin muli sa gawi ko....
Pagkatapos noon ay mabilis siyang lumapit----sobrang lapit sa mukha ko at isang maling galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya.
Tumingin siya sa aken mula mata pababa hanggang labi kaya napaiwas ako ng tingin.
Ibinalik ko ang tingin ko at ganon pa rin ang position namin at ng magsasalita na sana ako bigla na lamang napalapit ng lalo ang mukha namin sa isa't isa at muntik-muntikan ko ng mahalikan ang mga labi ni Jayrie.
All i can see is him,just him.All i can hear is the beat of my heart,sobrang bilis.My heart also skipped a beat at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Natigil ako sa pag-iisip ng umubo si Jayrie at nagsalita.
"Y-Yung kabilang pinto ng kotse hindi naka-lock".sabi niya pa at bumalik na sa pagmamaneho habang ako nakatulala pa din.
**************
Inihinto na ni Jayrie ang kotse,dahil ang sabi niya ay nandito na kame.
Ay buang ka Jandrei!alangang huminto ng wala pa kayo sa pupuntahan diba!
Base sa obserbasyon ko,isa itong park dahil may benches,may puno,bulaklak,halaman,ilang palaruan at vendors lalo na ng ice cream at cotton candy.
Napakaganda nga dito dahil sariwa rin ang hingin.
"Anong gusto mong gawin?".nakangiting tanong ni Jayrie
"Kahit ano".hindi malamang sagot ko
Bigla na lamang niya akong hinawakan sa kamay at hinila.
Napatingin ako sa magkahawak naming kamay and everything went so slow,parang kami na lamang dalawa ang naririto at magkasama habang hinihila niya ako at tumatakbo,ito nanaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Nabalik na lamang ako sa reayalidad ng magsalita siya.
"Ice cream okay lang ba sayo?".nakangiting tanong niya
"A-ah o-oo okay lang".nauutal kong sagot
"Anong flavor gusto mo?".tanong niyang muli
"Chocolate na lang".sagot ko ng hindi makatingin sa kanya
"C'mon look at me".sabi niya habang hawak ako sa balikat at iniharap sa kanya
"Are you alright?".nag-aalala ang tono niya
"O-oo naman".sagot ko na lang
Bumili na siya ng ice cream pagkatapos at iniabot niya sa akin.
Naglalakad-lakad lamang kami at nag-uusap habang kumakain ng ice cream na binili niya.
YOU ARE READING
MISSION:Make her fall inlove(COMPLETED)
Romance{UNEDITED} Jandrei Rene Santiago-isang simpleng babae na may kahirapan sa antas ng buhay ngunit may pinag-aralan,Isa rin siyang Certified loner at walang pakielam sa paligid maliban na lang when it comes to her study.... Jayrie Mark Enrique-Isang Ma...