Prologue

59 2 0
                                    

"Ako si Clara David, maglalabing pitong taong gulang na at mayroong ordinaryong buhay kasama ang nanay at ang kuya ko. Wala na ang tatay ko. Walong taon, at wala kaming ka alam alam kung nasaan siya. May iba na siyang pamilya? Patay na?

Pero siyempre, yung pagkawala niya ay hindi humadlang sa kinabukasan ko.

Naranasan namin ang hirap ng wala siya. Naranasan kong bumagsak at mahusgahan. Pero nanatili akong matatag.

Lahat iyon ay tiniis ko. At naging inspirasyon ko. Kaya eto, m

agtatapos na ako ng High School bilang Valedictorian.

Syempre hindi ko ito maaabot na wala ang tulong niyo. Ang mga teacher na walang sawang nagtuturo. Mga kaklase ko na walang sawang nagmamahal at ang pamilya ko na walang sawang sumusuporta sa akin.

Kaya ito? Inaalay ko po ito sa inyong lahat.

Atsaka eto pa pala. Yung mga lumalovelife diyan. Hintay lang kayo. Dapat sa ganitong edad natin, pamilya, pagaaral at si God lang ang pinaprioritize natin. Saka na yung mga ganyan ganyan pag handa na talaga tayo.

Ayun lang, Maligayang Pagtatapos mga kapwa ko fourth year!"

Nagsitayuan naman ang lahat habang pumapalakpak. Ay nakakaiyak naman.

Dali-dali akong bumaba ng stage at bumalik sa kinauupuan ko.

Matapos ang ilang minuto, graduate na ako! Salamat naman!

Unti-unti nang nag alisan ang mga tao. Patakbo na sana ako kina nanay nang may nalaglag mula sa bulsa ko.

Yung keychain..

"Dain and Clara.. Forever? Asan ka na Dain? Akala ko ba babalik ka?"

Hindi ko na namalayan na napaiyak na pala ako.

Flashback.. 6 years ago..

Dain's POV

Bigla nalang akong pinagimpake ni mama. Pupunta raw kami sa Maynila. Nakakainis nga eh. Ayokong iwanan si Clara ko.

"Dain ayos na ba lahat?"

"Opo mama. Inaantay lang po si Clara."

Ilang minuto pa kaming naghintay bago naisipan ni mama na umalis na kami buti nalang bigla namang dumating si Clara.

Hinatak ko siya papunta sa likod ng bahay namin na may dalawang swing. Ilang minuto muna kaming naglaro bago ko pa sabihin sa kanya.

"Clara..mamimiss kita.."

"Huh? Magkapitbahay lang naman tayo ah"

"Clara..kasi.. aalis na kami papuntang Maynila.." Bigla naman siyang naiyak. Sabi ko na nga ba eh mamimiss ako ng Clara ko. Bumaba ako sa swing ko at pumunta sa harap niya.

"Shhh. Tahan na... babalik naman ako eh.. Oh ayan.."

Binigyan ko siya ng isang keychain na may 'Dain & Clara Forever'

"Tayo lang talaga forever ah? Baka may iba kang makilalang bestfriend dun kalimutan mo na ako.."

"Syempre hindi.. ikaw ang original bestfriend ko! At tayo ang original na C & D."

"Promise?"

"Promise.. I love you C!"

"I love you D!"

At kiniss ko na sa forehead at cheeks ang bestfriend ko.

"Hayaan mo Clara.. babalik talaga ako para sa iyo!"

End of Flashback

Hayst 6 years ago ka nang wala Dain. Asan ka na ba? Yung pangako mo.. kinalimutan mo na ba ako?

---
Hello guys! This is my new story. Julniel, Kathniel, Julquen and KathQuen fanfiction ito. Sana magustuhan niyo pero asahan niyong mas marami ang Julniel. Peace Julniel jammer kasi ako.
Sana guys suportahan niyo ko. Ily :*

Plug: Rules 101 by me.

-MissA

The OriginalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon